Chapter 2

39 1 3
                                    

a/n kay Ethan naman itong Chapter na ito. :)

DEDICATED SA KANYA :D 

___________________________________________________________

Ethan's POV

'Today I don't feel like doing anything, I just wanna--'

Pinatay ko na ang alarm ko. Hay naku, pasukan na naman. Kailan ba to matatapos?

Kinuha ko ang uniform ko at inilapag sa higaan. Pagkatapos noon ay hinanap ko ang towel ko.

Wala sa cabinet o sa CR. Nasaan kaya yun? Ay, alam ko na.

"Ma! Nasaan yung towel ko?", tanong ko sa kanya.

"Nasa labas, anak. Nakasampay!", sagot ni mama. Ay kaya naman pala eh.

.

.

.

Let me introduce myself.

Ako si Ethan Allen dela Cruz, 15 years old, pinanganak noong October 18, 1998. Nag-aaral ako sa Las Pinas College. Sa Manila talaga kami nakatira, pero lumipat dahil sa nangyari sa aking daddy.

*flashback*

Natutulog ako ng mahimbing ng may narinig akong tunog. Parang may nabasag. Nagising ako. Ano kaya yun?

Umalis ako sa higaan at bumaba. Tinignan ko kung anong nangyari.

Napatigil ako sa nakita ko.

DALAWA. Dalawang lalaki. Yung isa may hawak na bagay na nakatutok sa isang lalaking parang statua dahil hindi siya gumagalaw.

Nakita ko ang mukha ng lalaking iyon.

Dad. Si Dad. 

Ano nga ba yung hawak ng lalaki? Lumingon ako sa kanya at nagulat.

Baril.

Pero bago ko kunin iyon sa kanya ay naputok na niya ang baril at.......tumutok kay Daddy.

Nakita niya ako at binugbog. May alam rin akong mga self-defense kaya ginamit ko iyon. Pero mas malakas siya kaysa sa akin at may hawak siyang kutsilyo.

Di ko alam kung anong gagawin niya kaya itinuloy ko nalang.

Yun pala, sinugatan niya ng mga linya ang aking dibdib at ang likod ko.

Dumugo iyon at humina ako.

Pagkatapos noon ay binugbog niya ako, pero di ko na nakayanan kaya napahiga nalang ako sa sahig.

Pagkatapos noon ay hindi ko na alam ang nangyari. Nawala ang lalaki at sumisigaw lang ako doon ng "Daddy! Daddy!".

May narinig akong ambulansya at mga iyak at sigaw ng mga tao sa paligid ko.

Gusto ko sanang makita kung anong nangyayari pero dumilim na ang lahat at wala na akong nakita.

*flashback ends*

Ang dad ko ay si Nathan Robert dela Cruz. Mayaman kami dahil isa siya sa BOD ng isang sikat na shoe company. Pero simula nung nawala siya ay nawala ng kaunti ang yaman namin. Lumipat kami dito sa Las Pinas dahil alam namin na hindi na safe doon at ngayon nakatira kami sa isa pang bahay ni Daddy. Elegante ito at maganda sa loob pero sa labas ay simpleng-simple lang.

Ang Mama ko naman ay si Elisha Grace Lopez. Nurse siya sa St. Luke's Medical Center kaya minsan pag duty siya, ako lang ang nag-aalaga sa mga kapatid ko. Taga-Cebu siya pero lumipat siya sa Manila para maghanap ng trabaho. Dun sila nagkita ni Dad.

Pagkatapos ko maligo ay nagbihis na ako at bumaba. Wait...oo nga pala.

Kinuha ko ang maliit na papel sa side table ko at binulsa. Tumuloy na ako sa baba.

.

.

.

Ginulo ko ang buhok ni Ally at hinug si Maddie. 

"Ehemm...Alam mo kuya, ang selfish mo sa akin. Bakit wala akong hug?", tanong ni Ally.

"Bakit? Ikaw ba di selfish sa akin? Good morning, Ally. Good morning, Maddie.", sabi ko.

"Morning, kuya!", bati ni Maddie.

"Hmph.", bulong ni Ally.

"Wala ba akong good morning?", sabi ko.

"Fine. Good morning kuya.", sabi niya ng mahina.

"Yan naman pala eh. Bibigay ka.", sabi ko, nakangiti.

Eto ang mga kapatid ko.

Si Allysa Brianne dela Cruz. For short, Ally. April 15, 2000 siya pinanganak. 13 years old. Nag-aaral siya sa Las Pinas College kagaya ko. Maarte siya, pero yung pagkaarte niya yung tipong inggit o joke lang. :)

Pangalawa si Maddison Stella dela Cruz. Maddie nag tawag sa kanya. April 9, 2001. 12 years old siya. Nag-aaral rin siya sa Las Pinas College gaya ko at ni Ally. Di gaya ni Ally, mabait siya. Hindi siya nagco-complain o nag-iinarte. Top 1 siya sa klase, pero siya nerdy at walang masyadong kaibigan, at ako hindi mahiyain at nerdy eh :D

.

.

.

"Anak, alis na kayo. Malalate pa kayo sa klase niyo.", sabi ni Mama.

"Sige po, Ma. Maddie! Ally! Mag-ayos na kayo! Aalis na tayo.", sigaw ko.

"Sige kuya!", sabay nilang sabi.

Nung maayos na kaming lahat ay nagpaalam na kami kay Mama at umalis.

Siyanga pala, nagco-commute kami. Hindi kotse, tricycle, o motor. Jeep lang. Ganyan ang buhay namin eh. :)

"Today is another day.", bulong ko.

___________________________________________________________

a/n sorry po kung late at maikli itong chapter na to. :) Babawi ako next time. Vote, Comment, and Fan! ~ClaireBearrrrr

I Love You, Not. *Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon