Chapter 1 - Ang Aso ay isang Estudyante rin

372 4 0
                                    

Chapter 1

Step Step Step Step Jump

"GOOD MORNING MASTER!" 

"AHHHHHH! Eli ano naman ba ang ginagawa mo?!" -______-

"Gingising ko po kayo!" ^_____^

Good morning nga pala sa inyo! Ako po si Melissa Jane Rosales a.k.a Eli. Ako ay seventeen year old na babae pero ako ay isang aso ng Master ko na si Kent Fernandes. Kinupkop ako ni Master noong twelve pa lamang ako galing sa ulan at hanggang ngayon ay magkasama pa rin kami. Pero sabi daw ng lola niya na maid ako pero sabi naman sa akin ng Master ko ay aso niya ako kaya nagiging personal aso ako ni Master Kent!

Ngayon, ginagawa ko ang aking usual na pag gigising sa aking pinakamamahal na Master. Papasok pa kasi si Master sa eskwelahan eh. Ayaw kong ma late siya at papagalitan kaya kailangan ko siyang gisingin nang maaga.

"Eli pwede ka bang bumaba?" Ah! Nasa ibabaw po ako ngayon ni Master at inuupuan ko ang kanyang katawan. Nasa magkabilang gilid niya ang aking mga binti  at ang aking mga kamay ay nasa gilid din ng kanyang ulo. Ilang inches na lang ang natitra sa aming mga mukha.

"Ayaw! Kapag hindi ka pa babangon, hinding hindi ako aalis dito."

"Eh paano ba naman ako makakabangon kung nasa itaas kita?"

"Eh alisin mo ko."

"Ganun pala ha?" 

Bigla naman akong tinulak ni Master sa kama at sa isang iglap, nasa ibabaw ko na siya. Naramdaman ko rin ang kanyang labi sa aking tenga habang may binubulong siya.

"Bad girl. Bad doggy. I need to punish you later." At umalis siya sa kama, papunta sa kanyang banyo. Ako naman, naiwan nakahiga doon, ramdam na ramdam ang kanyang mga sinabi. Bihira lang kasi magbigay si Master ng punishment kaya biglang uminit ang aking mukha at kinabahan ako.

Nakabangon ulit ako, siguro nakalipas nang limang minuto. Lumakad na rin ako papunta sa kusina para ihanda ang agahan ni Master mula sa chef.

Takbo Buhat Takbo Buhos Takbo Lagay

At natapos na rin ang paghahanda! 

Maya maya bumaba na rin si Master para kumain at pagkatapos ay umalis na siya gamit ang kanyang kotse. Naglinis muna ako ng kanyang pinag kainan at may natirang 20 minutes pa bago ang aking pasok.

"Okay makakahabol pa ako." Naligo na ako at nag toothbrush nang mabilis at sinuot ko na ang aking uniporme na isang skirt at blouse na may tie. Tinali ko na rin ang aking kulay tsokolateng buhok ko at sinuot ang aking sapatos bago pa man akong tumakbo paalis ng bahay.

Sumakay na ako ng bus at maya maya dumating na rin ako sa Uni University. 

Takbo Takbo Takbo Takbo - RIIIIIIING

"YES SAFE AKO!" Umupo ako sa harapan ng classroom at pumasok na ang aming guro.

Ah nakalimutan ko. Isang first year college student pala ako at Education ang kinukuha ko na course. Si Master naman ay Second year na at Business Management naman ang kinukuha niya sa mismong paaralan din.

Baka nagtataka kayo kung paano ko naafford ang college eh kasi nakaipon rin ako kahit konti lamang at malaking Scholarship ang makukuha mo kapag Education ang kukunin mo na course kaya nagdesisyon ako na maging isang titser kasi ginusto ko rin na tumuro sa mga bata.

"Hoy Eli! Buti di ka na late." Binati ako nung best friend ko na si Trixie Reyes na kumukuha rin ng Education. Magkakilala kami ni Trixie nung nag enroll ako sa college at simula noon, naging best friends na kami.

"Kamusta na pala ang pagiging 'Aso' mo?" Alam rin pala ni Trixie na nagtatrabaho ako kina Kent at sobrang pagkabigla niya dahil si Kent ay isang kilalang estudyante dito sa Uni. At grabi ang reaksyon niya nung sinabi ko na hindi ako katulong kundi Aso ako. Nagbiro pa siya nga na ibang ibig sabihin daw ng pagiging aso ko at *** daw iyon. Tse, binatukan ko nga eh.

"Okay naman. Hindi ako inaabuso kung iyon ang tinatanong mo pero NO. Hindi kami nag gaganyan." Mukhang disappointed naman ang gaga niya kaya isang batok ulit ang binigay ko.

Tumigil muna kami sa pagkukwentuhan dahil nagsimula na ang klase at siyempre bilang isang skolar, kailangan kong mag aral nang mabuti. Gusto kong makapagtapos noh! ^____^

Maya maya, natapos na rin ang klase at break na. Naglakad lakad kami muna ni Trixie kasi matagal pa man bago magsisimula ang kasunod namin na klase. 

"So Eli, wala ka bang may nararamdaman na ibang pagmamahal sa iyong 'Master?" Eto naman ang gaga. Interesado talaga si Trixie sa relasyon ko kay Kent at palagi na lang tinatanong nito kung kamusta na raw kaming dalawa. Siguro kung bibigyan ko ito ng isang daang batok, titigil na ito.

Nagbuntong hininga na lang ako  at pinatuloy ang aming kuwentuhan. 

"Wala. Ang pagmamahal ko ay ang pag hanga ko sa aking Master. Walang ganyang pagmamahal ang nagaganap sa amin."

"Sigurado ka ba? Kung sakali, gusto mo ba siyang ibigin?"

Napaisip muna ako kung ano ang isasagot ko pero akala ko mabilis at madali lang ang sagot dito. Gusto kong magsagot ng hindi pero parang may tumitigil sa akin na magsalita. Parang ayaw akong umindi sa tanong.

Nung nasa courtyard na kami at kaya ko ng sumagot ng hindi, bigla naman akong hinatak ni Trixie at ayun, malapit na akong matumba dahil sa kanya.

"Bes! Tingnan mo iyon ho!"

"Ano naman ba?" Naiinis ako kasi ang hirap ng aking posisyon. Nasa likuran kami ngyaon ng isang puno at nung tiningnan ko kung ano ang tinuturo ni Trixie, biglang may narinig akong bumabasag sa loob ng aking ulo.

"H-Ha?" Napaimik ako dahil nakita ko ang aking Master na may hinahalikan na ibang babae sa may fountain, at mukhang may kasama pang tongue doon.

"Oy Eli. Okay ka lang?" Inaalog ako ni Trixie pero ayaw ang katawan kong gumalaw. Napatingin na lang ako doon sa aking Master at sa matangkad, maputi, makinis, at maganda na babae na pinaghahalikan niya. Mukhang enjoy na enjoy si Kent sa ginagawa niya at biglang sumama ang pakiramdam ko.

Para bang nawalan ako ng pag-asa o parang nalungkot ako sa aking nakita. Sumakit din ang aking puso at paramdam ko na iiyak na ko.

"Oy bes, huwag mong sabihin na nagseselos ka?"

Selos? Ako? Siguro.

Nakalimutan ko kasi....

...

...

....

NAGSESELOS DIN ANG ASO KUNG  MAY IBANG PINAPANSIN ANG KANILANG AMO.

A/N: If a Chapter is all in bold nor in Filipino then it has not been revised yet. Check back later for the new revised chapter.

If I am Speechless...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon