Chapter 2- Ang Aso ay naging Pusa?

152 2 1
                                    

Chapter 2

"Bruha ka! Ano ba ang ginagawa mo kay Kent ha?!" Sinabutunan ko ang babaeng nakikihalikan sa aking Master at sinipa sipa ko hanggang malaglag siya sa fountain. At sa huli niyakap ako ng aking Master at nawala na ang babaeng iyon sa aming buhay.

Pero siyempre hindi ganun ang nagyari. Sayang nga. TT______TT

"Hoy Bes, okay ka lang?" Inaalog ako ni Trixie kasi ilang segundo na akong nakatitig sa naghahalikan na mga tao. Hindi ko kasi namalayan na nag blackout ako.

"Ha? Ah okay lang ako. Tara?" Pinilit ko na ngumiti pero mukhang hindi naman nakumbinsi si Trixie kaya huminga na lang siya nang malalalim at umalis na kami.

Lakad Lakad Lakad Hinga Lakad Lakad Lakad Hinga

Ganun lang kami dalawa habang papunta sa isang classroom. Nakakadepress tuloy yung mood.

Habang lakad ng lakad pa rin kami... Biglang nag ring naman ang cell ni Trixie kaya tumigil muna kami.

"Oh hello?"  Nakinig muna siya sa kabilang linya at dahan dahan bumabago ang kanyang mukha.

"TALAGA?! SIGE PUNTA NA AKO DOON NGAYON!" Bigla naman humarap sa akin si Trixie na sobrang tuwa, kasama pang talon.

"ELI! Tumawag si Kuya! Sabi niya daw dadating si Papa mamaya sa airport!" Ah oo nga pala. Matagal na rin hindi nakauwi ang papa ni Trixie dahil isang OFW. Sigurado akong sabik na sabik na si Trixie na makita ang kanyang papa.

"Oh? Ano pa ang hinihintay mo? Pumunta ka na doon!" Tinulak ko siya palayo at tumawa naman ako.

"Pero paano ka?" Hay.... Bakit ba napakaalala kay Trixie?

"Okay lang ako kaya GO na! Papa mo na iyon ha!" Ngumiti ako at dito nakumbinsi si Trixie na iwan ako.

Kaya naglakad na lang akong mag isa papunta sa susunod na klase. Marami pang oras pero okay lang. Mas mabuti na maaga ako kaysa ma late.

Lakad Lakad Lakad Lakad BAM

"Aray naman ho." Hinimashimas ko ang aking gilid kasi natumba ako dahil sa lalaking nasa harapan ko. Nung tinaas ko ang aking ulo, O may.

Gwapo pala.

Teka Teka.... Isa lang dapat ang nasa ulo ko na gwapo at si Master iyon! Shoo Shoo away handsome guy. >____<

"Sorry Miss..." Tinulungan niya akong makatayo at kinuha ko naman. "Shit." Narinig ko ang pagmumura niya at paggagalitan ko siya sana pero bigla naman siyang tumakbo na kasama ako.

"Teka lang! Bitawan mo ako!"  Sigaw ko pero mukhang hindi naman nakikinig kaya tumakbo na lang ako to who knows where.

"Salamat at wala na sila." Tumigil kami sa parking lot at mukhang pagod na pagod na rin ang kasama kong ito. Minukhaan ko siya nang mabuti at wow maputi, makinis at maganda ang kanyang balat. Maganda rin ang maitim niya na mga mata at infareness, gwapo talaga ng nilalang na ito.

"Pwede mo na ba akong bitawan?" Mukhang nabigla naman siya sa sinabi ko at binitawan niya ang aking kamay.

"Sorry ha? Okay ka lang ba?"

"Buhay pa man at walang sugat so okay lang."

"Taray nama nito. I'm Lynx Antonio."

Hm.... Nagpapakilala siya? Why not. "Melissa Jane Rosales."

"Haba ng name mo ha. Tawagin na lang kita kaya Mimi?"

"Ha bakit Mimi naman?"

"Kasi para kang pusa. Ang cute mo." Pinisil niya ang aking pisngi at biglang tinulak ko naman ang kanyang kamay palayo.

FYI Aso ako! Hindi Pusa. -____-

"Mimi, gusto mo ba mag cutting?"

"Sira ka ba? Scholar ako noh."

" Okay lang. Promise, hindi ka babagsak sa grades mo."

"Hmm.... Ayaw pa rin."

"Sige na. Ililibre kita ng cake."

Cake? Tempting ah. Pero hwag kang papabola dito Eli. Kakilala ko pa lang at sasama na ako?

"Ayaw. How do I know you're not a kidnapper?"

"Sa gwapo kong ito magkikidnap ako ng katulad mo?"

"Yabang mo!" Hinampas ko ang kanyang balikat at tumawa naman siya. 

"Haha pero bakit naman kitang kikidnapin? Sigurado akong mapapainlove kita sa akin kahit ganun ka kaganda." Bigla namang tumibok ang puso ko nung tinaas niya ang aking ulo papunta sa kanya. 

"Joke lang." Binitawan niya ako at lumakad na palayo.

Kakainis naman ang lalakeng ito ah. 

"So sasama ka?" Tumigil siya ng ilang meters at napaisip ako.

Okay lang ba na sumunod ako sa ibang tao?

Tiningnan ko ulit si Lynx na may mabait at gwapong mukha. Ngumiti siya sa akin at doon na lang ako sumuko.

"Sige pero kung may gagawin kang masama sa akin... Kakagatin kita." 

Tumawa naman siya at sabay na kaming lumakad.

"Ano ka? Aso?"

"You could say that."

"Ayaw. Mas maganda kapag naging pusa ka na lang."

Tumingin ako sa kanya at napataas ng kilay. Aso? Pusa? Ano ba ako?

If I am Speechless...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon