Mga salitang madaling sabihin ngunit hindi mo alam kung totoo nga ba.
Mga salitang kung bitiwan ay parang pangkaraniwang na lamang.
Mga salita na animo'y isang ordinaryong bagay na kung saan kayang-kaya ibigay
sa ibang tao.
Nawala na ang saysay ng salitang iyan dahil sa madalas na pag gamit nito.
Kaya ngayon, kada sasabihin ito sa atin, maihahalintulad nalang din ito sa
salitang pangako na alam naman na lahat ay nasisira o hindi tinutupad...
Gaya ng salitang pangako, sinasabi ito na paniniwalaan mo at sa bandang huli ay
masasaktan ka lang.
Naalala ko ang guro namin noon nung Highschool palang ako, nagalit siya sa
buong klase namin dahil may nasabi kaming hindi maganda tungkol sa kanya...
Naging malamig ang pagtrato niya sa amin. Nagtuturo padin siya ngunit wala na
ang sigla na hatid nito sa bawat araw na aabangan namin ang subject niya dahil
talaga namang natutuwa kami pag oras na niya ng pagtuturo dahil sa hatid
niyang mga aktibidades na magiging masaya kami habang natututo.
Ngunit...sa isang iglap...Naglaho ang lahat ng iyon...
Hindi niya na kami kinakausap na para kaming magbabarkada lang...
Kailangan irespeto na namin siya. Hindi nadin siya natutuwa sa mga biro namin
para lang mapangiti siya...Hindi na siya ang masiyahin naming guro...
Humingi kami ng tawad...
May sinabi siya samin pagtapos naming mag-sorry sa kanya... at ang sinabi
niyang iyon ang tumatak sa isip ko at magpahanggang ngayon...Tanda at
isinasabuhay ko padin...
sabi niya...
"Kung nagso-sorry kayo, huwag lang salita ang bitiwan niyo...gawin niyo ang
sorry niyo...patunayan niyo na nagsisisi nga kayo sa nagawa ninyong
pagkakamali."
Doon ko napagtanto...
Na ang salitang sorry ay hindi lang dapat sinasabi ng basta-basta. at kung
sasabihin mo ang katagang iyan, pakita at patunayan mo ito na tapat sa
kalooban mo. Gawin mo ang sorry mo, pagsisihan mo at huwag mo ng ulitin ang
minsanang pagkakamaling nagawa mo sa taong iyon.
Kung hihingi ka ng tawad, aayusin mo padin ang pakikitungo niyo sa isa't isa
kahit na may lamat na ang pagsasamahan ninyo.
Kagaya ng katagang Forgive and Forget... Magpatawad o humingi ka ng tawad
at kalimutan na lamang ito dahil bahagi na ito ng nakaraan na alam natin na
nagbigay aral pareho sa inyo...Kalimutan mo para maging masaya ka at maging
normal ang pakikitungo mo sa taong iyon.
Walang pag-aalinlangan,
walang naiilang,
walang matatakot,
at...
wala na ring masasaktan...

BINABASA MO ANG
Hugot Ni Eros Sa Araw Ng Mga Puso [Extended]
Random2|13|15 - Ito ay gagawin ko lang para buwan ng mga puso. Naisipan ko lang. 3|12|15 - Mukhang hindi lang sa buwan ng mga puso... extended na ito hangga't may maisip si eros.