Maraming bagay ang pwede mong magawa mula sa malayo.
Malaya mong naoobserbahan ang mga tao sa paligid mo.
Malaya ka rin mula sa ingay ng mga ito.
Malaya ka para magawa ang gusto mo dahil nasa malayo ka.
At may mga bagay nga akong nagagawa mula sa malayo.
Maliban sa mga nabanggit...
Malaya din kitang minamahal mula sa malayo.
Dahil kung malapit man ako sayo, hindi mo din naman papansinin ang nararamdaman ko, at mas masakit yun.
Kaysa sa minamahal kita mula sa malayo, masakit pero malaya naman ako.
Malaya at malayo ako sa sobrang sakit na mararamdaman ko kapag hindi mo tinanggap ang pagmamahal ko para sayo.
Mula sa malayo, natatanaw kita.
Mula sa malayo, hindi ko na kailangan marinig na hindi ako ang sinisigaw ng puso mo.
Mula sa malayo, mamahalin kita pero hindi mo na ito malalaman pa.
Dahil sa sobrang layo ko sayo...
Mag-isa lang akong nagmamahal sayo ng malaya.
BINABASA MO ANG
Hugot Ni Eros Sa Araw Ng Mga Puso [Extended]
Casuale2|13|15 - Ito ay gagawin ko lang para buwan ng mga puso. Naisipan ko lang. 3|12|15 - Mukhang hindi lang sa buwan ng mga puso... extended na ito hangga't may maisip si eros.