Naranasan mo na bang makaramdam ng sakit pero hindi mo alam kung bakit?
Malungkot ng hindi mo alam ang dahilan?
Naiiyak ka kahit wala namang dahilan?
Sa ngayon, nakakaramdam ako ng sakit at lungkot...
Hindi ko alam kung bakit pero nasasaktan ako ngayon. mabigat sa pakiramdam.
Parang may pumipigil sayong huminga. ganun kabigat...
Hindi ko alam kung bakit.
pero naalala ko ang sabi ng isa kong kaibigan.
Kapag daw nakakaramdam ka ng ganito o kahit yung pag nag-crave ka sa pagkain na hindi mo alam kung anong gusto mo...
isa lang daw ang ibig sabihin niyan.
Yung kaluluwa mo yung nakakaramdam nun. Yung kaluluwa mo yung dapat mong paglaanan ng atensyon para hilumin at punahin ang pagkukulang na nararamdaman mo.
Dito na pumapasok ang tinatawag nilang Soul Searching.
Madalas ako mag ganito. magsoul searching sa kung saan ko mahahanap ang pakiramdam ng maging masaya. ang makuntento.
Mahirap hanapin pero pag nahanap mo na, iba lang sa pakiramdam. parang hindi mo na gugustuhing umalis pa. pero hindi pwede, kasi kailangan mong bumalik sa reyalidad.
Ganyan ang buhay. paulit-ulit.
Hindi mo alam kung bakit nangyayari ang mga bagay sa buhay mo pero patuloy ka pading nabubuhay.
Hindi ko din alam kung ano ang mga sinasabi ko dito sa ngayon. Maaring hindi ako maiintindihan ng mga makakabasa nito, kahit maging ang sarili ko ay hindi ko maintindihan.
Wag mo nalang pansinin tong sinulat ko. basta ang mahalaga, maging masaya ka sa kung ano man ang ginagawa mo sa ngayon.
BINABASA MO ANG
Hugot Ni Eros Sa Araw Ng Mga Puso [Extended]
Random2|13|15 - Ito ay gagawin ko lang para buwan ng mga puso. Naisipan ko lang. 3|12|15 - Mukhang hindi lang sa buwan ng mga puso... extended na ito hangga't may maisip si eros.