Icarus - Seven

5.9K 99 10
                                    

I was reading a book, my phone’s in silent mode when I noticed its lights blinking because of an incoming call. Si Migs. Pangatlong tawag na n’ya ‘to. Ayoko s’yang kausapin... Not now please, ‘di pa ‘ko ready.

Pero nasan na nga ba s’ya?

Gabi na rin at nag-aalala na ‘ko.

Mula nang narinig ko ‘yong kotse n’ya no’ng umalis s’ya, iniisip ko na kung saan s’ya pupunta.

It was after ten minutes or so when I heard an urgent knock on my room’s door. Nai-lock ko pala yung pinto! Mukhang si Dad pa naman ‘yon. “Madison? Madison!” Patuloy ang pagkatok n’ya.

“Madison! Hindi ba hanggang ala sais lang ang duty ni Miguel ngayon?” he exclaimed right after I opened the door. Mukhang alalang-alala si Dad.

“Dad? Opo, pero umalis po s’ya kanine e. Baka naman nasa kaibigan n’ya. Don’t worry.”

“Hindi naman mahilig lumabas si Miguel a, lalo na kung ganitong gabi na ang tapos ng trabaho n’ya. At tsaka alas dose na. Nagkasagutan ba kayo kanina bago s’ya umalis?”

“Dad…”

Napabuntong hininga s’ya. “Ayusin n’yo na nga ‘to.”

“Ay! Dad, baka nasa kanila.” Pagbabago ko ng usapan namin.

“Walang tao sa bahay nila ngayon. Tawagan mo nga. Hindi sumasagot sa tawag at texts ko e. My first three calls, busy ang phone. Yung fourth to sixth, ayaw na talaga.”

“D-dad… Okay lang naman po siguro si Migs.” Dahil ten minutes pa lang since huli s’yang tumawag.

“Kalimutan mo na muna ‘yong away n’yo, sige na baby, pakitawagan mo na. Baka sagutin kung ikaw. Magbati na kasi kayo.”

                Pumunta ako sa may kama ko para kuhanin ang cellphone ko. Pumasok na rin ng kwarto si Daddy.

Isang pindot na lang, mada-dial ko na ‘tong number ni Migs. Kasi naman e, ayos lang naman siguro s’ya…

“Dad, si Migs!” sabay harap ko kay Dad at pinapakita na tumatawag na s’ya ulit.

“Answer him.”

“Migs! Nag-aalala si Dad sa’yo,” unang sabi ko kaagad pagkasagot ko ng tawag n’ya.

“Si Miss Jam po ba ito?” Napakunot ang noo ko dahil sa isang hindi pamilyar na boses na narinig ko. Tapos may sirena pa ng ambulasya akong naririnig. Kinabahan ako bigla.

“What’s wrong?” Daddy asked as he touched my right shoulder.. Umiling lang ako sa kanya habang ikinikibit ang balikat ko.

“O-opo,” sagot ko sa nasa kabilang linya.

“Kakasakay lang po namin sa ambulasya, papunta na po kami sa  Malaya Hospital.”

My jaw dropped as I looked to Dad’s eyes. Pinutol na rin ng mamang kausap ko kanina ‘yong tawag.

“Daddy, sorry…” nagsimula na naman ang mga luha ko na tumulo mula sa mga mata ko.

 

Day 1

Alas dos na ata ng madaling araw, kakarating lang ni Nay Mira dala-dala ang ilang damit at gamit ko. Sabi ni Dad, umuwi na daw kami pero hindi ko naman gustong gawin ‘yon; dahil mas gusto kong bantayan si Migs.

IcarusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon