Chapter Three

5 1 1
                                    

"Phoebe ayaw mo bang makipaglaro sa amin?" tanong sa akin ni Kuya Jervin noong malapitan niya ako

"Hindi naman po sa ayaw ko kayong makalaro, hindi lang po talaga ako sanay na may kasamang maglaro." tugon ko naman sa tanong niya

"Bakit naman? Wala ka bang kaibigan?" tanong niyang muli sa akin

"Mayroon po akong kaibigan, kaso wala po siya dito eh." sagot kong muli sa kanya habang nakatingin sa naghahabulan pa ring sina Stephen, Ariza at Ariana, na hindi ata napansing nawala si Kuya Jervin

"Asan ba siya? Nasa manila ba siya?" tanong niya muna bago naupo sa katabing swing

"Hindi po nasa Madrid po siya, dun sila naka-tira at dun din siya nag-aaral." mahina kong tugon sabay sulyap sa bughaw na langit

"Ganoon ba? Gusto mo ako muna kaibigan mo habang andoon siya?" tanong niyang halata mo ang excitement sa paraan nang kanyang pananalita, na siya ring ikinalingon ko pasagot na sana ako sa katanungan niya nang...

"Phoebe, pinapatawag na kayo ng mommy mo." sigaw ni Manang Stella mula sa may pinto papasok ng villa.

"Sige po Manang susunod na po kami." sabi ko na lang kay Manang, pero iniisip ko kung paano ko tatawagin sina Ariana mula sa paglalaro. Nakatingin lang ako sa kanila habang iniisip kung papaano ko sasabihin sa kanilang tinatawag na kami

"Ariana, Stephen, Ariza halika na daw pinapatawag na tayo sa loob." di kalakasang sigaw ni Kuya Jervin, na nakaupo pa rin hanggang ngayon sa swing na katabi ng akin

"Unahang makapasok sa loob." narining kong sabi ni Ariana na sinang-ayunan naman nung dalawa. Hanggang sa nakita ko na lang silang nag-uunahan papasok ng villa.

Maya-maya'y naramdaman kong tumayo na si Kuya Jervin at tumayo sa tapat ko ginulo ang buhok ko at inaya akong pumasok na rin.

"So ano friends na tayo?" pagkuwa'y tanong niya sa akin habang naglalakad kami papasok ng bahay

Tumingin ako sa kaniya at ngiti sabay sabing "Friends!" ginulo niyang muli ang buhok ko at tsaka tumakbo papasok ng bahay sabay sigaw ng "Mahuli panget!"

"Andaya tumakbo ka muna bago mo sabihin yan." sabi ko ng naka-pout at tumakbo na rin pahabol sa kanya.

There wouldn't be STAR without the SKY!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon