A/N : Yung Story na 'to ay parang sa POCKET BOOK lang mahilig kasi ako magbasa sa mga pocket book :)))) kaya na inspired akong gumawa ♥
VOTE AND COMMENT <333 Enjoyyyy :**
____________MAY panghihinayang siyang nadarama nang natapos agad ang pagkukwento ni Suzzane. Nag-enjoy siya sa pakikinig sa kwento nito.
“Ahm, Zyro?” untag nito.
“Hmmm?” napahinti siya sa pagtatanggal ng seatbelt niya.
“Bakit nagbarko tayo? May eroplano naman hindi ba?”
“It’s nice to travel by sea. Makakalanghap ka ng sariwang hangin. Bakit?” takang tanong niya.
“Ahm…” nagdalawang-isip pa ito. “Never mind. Lets go?” anito sabay tanggal ng seatbelt. Napansin niyang namutla ito.
“Sure.”
Dali-dali siyang bumaba ng sasakyan at mabilis na umikot sa passenger’s seat para pagbuksan si Suzzane. Inilalayan niya itong bumaba ng sasakyan. Habang hawak niya ang kamay nito ay naramdaman niya ang malamig at nanginginig na kamay nito.
“Honey, what’s wrong?” may pag-alalang tanong niya.
“N-nothing. Maybe I’m just tired” umiwas ito ng tingin.
“Excuse me sir Zyro. Handa na po iyong suite niyo.” biglang singit ng isa sa mga crew ng barko.
“Ah okay. Pakisabi kay Captain Romulo na mamaya na kami mag-uusap. Ihahatid ko muna itong asawa ko.”
“Opo sir. Maiwan ko muna kayo. Sige sir. Ma’am” paalam nito.
Tinanguan lang niya ito bago umalis.
“Lets go!”
“Teka, they know you?” tanong nito.
“Yes.”
“Why?” lumunok ito. “Wait! Are you the owner of this ship?”
Nagkibit-balikat siya. “Sort of.”
“Ows. Hindi nga?”
“Kung ayaw mong maniwala just don’t ask, okay?” aniya sabay ngiti nang makita niya abf reaksiyon nito.
“Sungit!”
MAY phobia siya sa dagat at first time pa niyang makasakay ng barko kaya ganoon nalang ang kabang naramdaman niya. Alam niyang nahalata ni Zyro ang panginginig niya nang hawakan siya nito kanina pero hindi pa rin niya sinabi rito.
Ngayon nga ay mangiyak-ngiyak na naman siya dahil gumewang-gewang na naman ang barko and worst nag-iisa lang siya. Iniwan siya ni Zyro para kausapin ang kapitan pero hanggang ngayon ay hindi pa bumabalik. Galit na galit siyang lumabas ng suite nila. Ang sabi, sandali lang daw pero mag-iisang oras na mula ng umalis ito ay hindi pa rin bumalik! Habang nagsasalita siyang mag-isa ay hindi niya napansin ang paparating na babae na may dalang mga unan.
“Hey, watch out!” inis nitong sabi habang nagkalat naman ang mga unan na dala nito.
“Naku! I’m so sorry miss!” paumanhin nama niya sabay dampot sa mga unan.
“Hindi kasi tumitingin sa—” natigilan ito. “Suzzane?”
Napaangat ang mukha niya. “Jen! What are you doing here? Sino kasama mo?” sabik niyang sabi sabay yakap dito.
“Nakalimutan mo na ba iyong usapan natin noon na magbabakasyon sa lugar nila Donna?”
“Oo.”
Tinulungan niyang magdala ng mga unan si Jen matapos pulutin ang mga ito. Lumakad sila patungo sa cabin nito.
“Tinuloy namin. Sorry ‘bes ha? Hindi ka kasi namin makontak nang ilang araw.” nahihiyang paliwanag ni Jen.