Chapter 8 - Haven't I Met You Yet?

26 1 0
                                    

__________________________________________________


MATAGUMPAY ang naging fashion show nila. Marami ang nanood at lahat sila ay nasiyahan. Magaganda ang naging feedback ng mga nanonood. Ngayon nga ay maraming press ang gustong mainterview siya.

“Miss Su, congratulations for the success of the show. You did a great job.” ana ng isang reporter.

She smiled. “Oh thank you!”

“Miss Su, totoo ba ang bulong-bulongan na ito na ang huli mong pagrampa sa stage?” usisa naman ng isa pang reporter.

Siya naman ay lihim na nabigla. Pati ba naman ito ay alam nila? Well, mga paparazzi nga eh! She smiled. “Yes, it’s true.” matipid niyang sagot.

“Bakit?”

“I have some more important work to do.”

“May balak ka bang mag-artista, Miss Su?”

Umiling siya habang nakangiti pa rin. “No. Wala po akong planong mag-artista. Magiging busy na kasi ako sa talagang career ko bilang interior designer.”

“Sayang ang ganda mo. Tiyak kong sisikat ka!”

“Hmmm. Toto rin bang may asawa ka na at iniwan mo siya para sa career mo?”

“What?” nagulat siya sa tanong ng isang reporter. Hindi siya makapaniwalang pati personal niyang buhay ay nahalungkat ng mga ito. Anong isasagot ko? Wala siyang maisagot. Ilang sigundo ang katahimikan ng may magsalita sa likuran niya.

“It’s true na may asawa na siya pero hindi totoong iniwan niya ako para lang sa career niya!”

“Zyro!” bulalas niya habang ang mga reporter ay pinipyestahan sila. Agad namang naging alerto si Zyro sa pag-alalay sa kanya. Masyadong marami nang paparazzi ang umuusisa sa kanilang dalawa. Kaya minabuti nilang umalis agad sa lugar na iyon.

Masyadong mabilis ang mga pangyayari. Ni hindi niya namalayan na nakaalis na sila at ngayon nakasakay na siya sa sasakyan ni Zyro.

“Are you okay?” tanong nito sa kanya na nagpagulat sa kanya.

Imbes na sagutin ang tanong nito ay sinumbatan niya ito. “How dare you to confirm that you’re my husband!?”

Lalong naningkit ang kanyang mga mata nang ngumisi lang ito. “Easy, sweetie.”

“Easy? How can you say that huh? You just gave them the idea para hindi nila ako, tayo tatantanan! Crap!”

“Ano bang ikinabahala mo? Totoo naman na asawa mo ako, ‘di ba?”

“Iyon na nga eh, dahil hindi na magiging totoo ‘yan. Malapit nang i-annul ang kasal natin.”

“At sinong may sabing maa-annul ang kasal?”

“Ako! My God, Zyro, matagal na sanang annulled ang kasal kung binigyan mo lang ng halaga iyong mga emails ko!” Inis na napasuntok siya sa pintuan ng kotse.

Narinig niyang bumuntong-hininga ito bago nagsalita. “Okay, lets drop the topic. Pwede ba tayong mag-usap ng mahinahon? Ngayon pa nga lang tayo magkita simula noong umalis ka.” mahinahon nitong sabi.

“I don’t know what’s your plan Zyro but please pirmahan mo na ang annulment papers. Nakuha mo na ang mana mo at—”

Tumiim ang mukha nito. “At gusto mo rin kunin ang parte mo, ganoon ba?”

Akala ko nagbago ka na pero hanggang ngayon pala ay ang baba pa rin ng tingin mo sa akin. Malungkot na sabi ng isip niya. Pero paninindigan pa rin niya na mali ito.

Haven't I Met You Yet?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon