SINIPAT-SIPAT niya ang sarili sa salamin at hila-hila pa niya pababa ang sheath dress niya na hindi lagpas-tuhod. “Kuh! Kung bakit pa kasi sinuot ko pa ito!” reklamo niya. Tiningnan niya uli ang sarili at pagkatapos ay nagretouch konti. Ako ba ito? tanong nang isip niya habang hinahaplos ang mukha. Napangiti siya. Ako nga!
Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit nag-ayos siya. Nainsecure ba siya kay Melody? Natigilan siya dahil naramdaman na naman niya ang sakit dulot ng insidente kanina sa suite nila. Gusto niyang sumigaw sa galit hindi dahil kay Zyro kundi dahil sa lintik na damdamin niyang iyon. Kaya sa halip na magtagal pa sa kalokohan niyang iyon ay minabuti na niyang lumabas ng banyo.
Palabas na siya nang tumunog ang kanyang cellphone. Hinanap niya ito sa bag kaya hindi niya napansin ang nagmamadaling lalaki.
“Oh my gosh” napasinghap siya nang magkalat ang mga gamit niya sa sahig.
“I’m so sorry miss.” sabi ng lalaki.
Hindi siya nakasagot dahil busy siyang pulutin ang mga gamit niya. Akala niya ay aalis na ito pero sa halip ay tinulungan pa siya nito.
“Thank you!” sabi niya habang kinuha niya dito ang isa sa mga gamit niya at sabay pa silang tumayo. Tiningnan niya ito at nginitian at pagkatapos ay tumalikod na siya.
“Miss, wait!” tawag nito.
Agad naman siyang lumingon dahil akala niya may naiwan pa siya kaya tinawag siya nito. “Yes? May naiwan ba ako?”
Agad itong lumapit sa kanya. “Suzzane?” nakangiti nitong tanong. “Is that you?”
Siya naman ay kunot-noong kinilala ito. “D-do I know you?” nauutal pa niyang sabi. Ngayon lang niya napansin, gwapo pala itong lalaki na ito. Maganda rin ang pangangatawan. Maganda din ang pantay-pantay nitong mga ngipin. Teka, bakit parang may kahawig ito lalong-lalo na kapag ngumiti ito?
He smiled sweetly. “I’m not sure if you remembered me.” paalala nito. Parang may kahawig talaga ito pero hindi niya matanto kung sino. “Hey!” pukaw nito nang hindi siya kumibo.
“Ha? A-ah eh” nahihiyang tugon niya. Bakit ba parang ang wierd niya ngayon? Ayan tuloy, napapahiya siya. Pero naalala na niya kung sino itong lalaking kaharap niya.
“Alfie, remember?”
“Oh!” Ngumiti siya. “Ahm sige Alfie, I have to go. Nice meeting you again.”
Akmang tatalikod na siya nang pigilin na naman siya ni Alfie. “Ahm. Wait!” pigil nito. Ano na naman? sa isip niya.
Bago siya humarap ulit ay nakita niya ang mga kaibigan na nakatingin sa kanilang direksiyon. Alam niya ang mga titig ng mga iyon. Tila nanunukso at nagtatanong.
“Hmmm. Bakit?”
Napakamot naman ito sa ulo. Nakita niya ang alinlangan nito. “It’s awkward but can you be my date tonight?”
“Huh?” tila nagulat siya sa tanong nito. Ang lakas naman ng loob ng lalaking ito! “Date?”
Tumango ito.
“Why me?”
“Wala kasi akong kakilala dito eh.”
Hindi niya sinasadyang tumaas ang isang kilay niya. “So?”
“Ganito kasi iyan.” anito at ikinuwento nito sa kanya ang sitwasyon. Sa tingin naman niya ay wala namang masama kung pagbibigyan niya ito. Kawawa naman kung maa-out of place ito sa sinasabi nitong party. Gwapo pa naman.
“Are you sure?” paninigurado nito. “Teka, wala ka namang mga kasama, ‘di ba?”
“Actually, meron. Nandoon sila oh!” sabi niya sabay nguso sa mga ito.