Chapter 1: The Secret Of Etidorpha

59 4 2
                                    

Flight 616 is ready for boarding.

"Hay, salamat. Boarding na" masayang sabi ni Sophia.

Ito si Sophia, lumaki siya sa America pero pusong pinoy. Ang tatay niya ay pilipino samantalang ang kanyang nanay ay amerikana. Bumibisita siya sa pilipinas para dalawin ang kanyang ama ngunit ngayon ay mananatili na siya dito dahil nakakuha siya ng scholarship sa isang magandang paaralan.

"Matutulog lang muna ako, matagal pa naman ang biyahe" inaantok na sinabi ni Sophia sa kanyang sarili at ipinikit na ang mga mata.

...

Nang iminulat ko ang aking mga mata ay nasa harapan ako ng isang mansyon. Hindi ito pangkaraniwang mansyon dahil kakaiba ang itsura nito. Bago ako pumasok ay pinasadahan ko ng tingin ang aking paligid at nakita ko ang isang matandang babae na naglalakad sa hardin. Hindi ko na ito binigyang pansin at dumeretso na ako sa pinto na may nakasulat na 'Etidorpha'.

"Parang narinig ko na ang pangalang iyon" nasambit ko sa aking sarili.

"Tao po?" kumatok ako ngunit wala namang tao.

Pumasok na ako sa loob ng mansyon at maya maya ay may lumabas sa kusina. "Sophia? Sophia Miller, tama ba?" sabi niya sa akin ng may mahinang tono.

"Ha? Paano mo alam ang pangalan ko?" tanong ko sa kanya ng may pagtataka.

Napaatras ako ng bigla siyang tumakbo sa akin. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko dahil natatakot na ako. Nang wala na akong magawa ay sumigaw na lang ako at ipinikit ng mariin ang aking mga mata.

Napamulat ako at pawis na pawis ako dahil sa panaginip na iyon. Halos lahat ng tao sa eroplano ay nakatingin sa akin.

"Miss, are you okay? Do you want a cup of water?" tanong sa akin ng isang steward. "Why were you screaming? It startled everybody in the plane"

Hindi agad ako nakapagsalita dahil hindi mawala sa isip ko yung panaginip ko.

"I am very sorry, everybody. I had a nightmare" nasabi ko na lang.

Pagkatapos ng nakakahiyang eksena ay nagsibalikan na ang mga tao sa kanilang pwesto. "Miss, may i ask what happened in your dream?" tanong sa akin ng katabi kong babae.

"Well I can't really explain it since everything was happening at once" sagot ko sa kanya.

"I am sorry for distrupting your privacy, I am a psychologist wanting to help people in need" sabi niya sa akin.

...

Pagkatapos ng aking biyahe ay pumunta ako sa conveyer belt upang makuha ko ang aking bag. Ngunit lumipas na ang 45 minutes ay wala pa rin.

Pumunta ako sa customer service at nakausap ko ang isang babae,

"Miss, kanina pa po ako naghihintay pero wala pa rin yung bag ko. Pwede po ba pakicheck? Baka kasi nakalimutan po sa eroplano" sabi ko sa kanya.

"Ay nacheck ko na po ang iyong baggage, Miss nasa flight 179 po yung bag ninyo" sabi niya sa akin.

"Pasensya po sa mix up. Ipapadeliver na lang po namin sa location nyo po" dagdag pa niya.

"Ah sige. Ito po ang location ko" ibinigay ko sa kanya ang isang papel kung saan nandun yung address.

Nang ibinigay ko sa kanya ang papel ay parang may pagkalito ang kanyang mukha.

"May problema ba?" tanong ko sa kanya.

"Ay wala po, napansin ko lang po na sa Clifford Academy po kayi pupunta. Kasi po, kayo ang pangatlong tao na nawalan ng luggage at papunta rin sa academy na ito"

Laking gulat ko ng sabihin niya iyon. Baka naman coincidence lang. Nasabi ko na lang.

Sumakay na ako ng taxi para makapunta sa Academy.

"Wow! ang ganda naman pala dito" sabi ko ng makapunta na ako sa Clifford Academy.

"Magandang umaga, Ms. Miller. Nagustuhan mo ba ang iyong eskwelahan?" napalingon ako ng may magsalita sa likod ko.

"Magandang umaga po, Ma'am? Ano po ang pangalan niyo?" tanong ko.

"Ako si Mrs. Candy Deborah Hermano. Ako ang principal ng Clifford Academy. I'm pleased to meet you, Sophia"

"Ms. Hermano--" pinutol niya ang sinabi ko,

"Call me Mrs. Deborah" sabi niya sa akin.

"Ah okay po, Mrs. Deborah. Pwede nyo po ba akong itour sa school natin?" tanong ko.

"I would love to" sabi niya sa akin.

Nilibot namin ang buong campus at itinuro niya rin sa akin ang mga classroom dito. May iba't ibang kulay ang pinto nito.

"Ito ang classroom mo. Room 204 Class 8-A" sabi niya sa akin.

"Ms. Miller, pasensya na pero kailangan ko na umalis. May meeting pa kasi kami" sabi sa akin ni Mrs. Deborah.

"Paano po yung dorm ko?" tanong ko sa kanya.

"Si Ms. Navaro na ang bahala sa iyo. Magkasama naman kasi kayo" sagot niya sa akin.

Nagmamadali naman siyang umalis kaya naman nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa nakasalubong ko yung Ms. Navaro na sinasabi niya.

"Ikaw yung transferee from America? Nice to meet you. Ako nga pala si Caitlyn Navaro" pakilala niya.

"Tara, punta na tayo sa dorm" aya niya sa akin.

Nang lumabas kami ay ng academy ay may nakita akong matandang babae. "Stop the evil! Stop the evil! Stop the evil!" paulit ulit nitong sabi. Parang namumukhaan ko siya pero hindi ko lang maalala kung saan ko siya nakita.

"Okay ka lang?" tanong sa akin ni Caitlyn.

"Ayos lang ako. Ang ganda lang talaga dito" sabi ko na lang.

Itinuro niya ang mga dorm na nadaanan namin. May kanya kanya itong pangalan.

"Ito ang dorm natin" sabi niya at itinuro ang dorm.

Nang makita ko ang aming dorm ay laking gulat ko sa nakita ko.

To be continued...

***

A/N:

Ano kaya ang nakita ni Sophia sa dorm nila?

Abangan.

Thank you po sa pagbabasa ng Chapter 1. Sana magustuhan niyo yung story tungkol kay Sophia. :)

Vote. Comment. Fan

Collaboration with _Ayraaa28

Update every Friday! :)

The Secrets of EtidorphaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon