Chapter 2: It wasn't a dream?

35 4 0
                                    

Caitlyn's POV

Ililibot ko sana si Sophia sa loob ng Dormitoryo at napansin ko naman ang pagtigil niya at tila bakas pa sa mukha niya ang pagkagulat.

"Okay ka lang ba?" tanong ko sa kanya.

Hindi siya nagsalita bagkus ay nakatitig pa rin siya sa pinto ng dorm namin.

"Sophia, gusto mo bang kumain muna? Tara sa cafeteria tayo" aya ko sa kanya.

Sa wakas ay tumingin na siya sa akin at ngumiti. Sabay naming tinungo ang cafeteria na malapit sa school namin.

"Ano ang gusto mong kainin? Ako na ang oorder" tanong ko sa kanya habang siya ay tulala.

"Kung ano ang iyo, yun na lang rin ang akin" mahinhin niyang sagot.

Iniwan ko muna si Sophia sa lamesa namin. Pagkatapos ko umorder ay bumalik na ako sa lamesa kung saan nandoon si Sophia na tulala pa rin at mukhang may iniisip.

Nilapag ko ang fruit salad ni Sophia dahilan para tumingin siya sa akin.

"Ok lang ba sayo yung fruit salad?" tanong ko sa kanya.

"Oo, salamat ha" sabi niya at ngumiti.

"Ayos ka lang ba talaga? Kanina ka pa kasi tulala" nag aalala kong sabi.

"Okay lang. May naalala lang ako" sagot niya sa akin.

Tumango lang ako at nagsimula na kumain.

...

Sophia's POV

Hindi pa rin mawala sa isipan ko yung nakita ko kanina. Yung dorm na pinuntahan namin kanina ay parehong pareho sa nakita ko sa panaginip ko. Posible kayang konektado iyon sa panaginip ko?

"Matagal ka na ba dito" tanong ko kay Caitlyn.

"OO. Simula pa nung 1st year. Bakit?

"Wala naman. Naitanong ko lang. Tsaka, ano nga pala yung pangalan ng dorm natin?" tanong ko ulit sa kanya.

"Etidorpha" sagot niya.

Doon na ako nagsimulang kabahan. Etidorpha rin yung pangalan na nakita ko sa aking panaginip. Ano bang nangyayari? Makikita ko nanaman ba iyong babae? Nagsisimula na akong matakot.

"Uy, ayos ka lang ba talaga? Bakit namumutla ka? Pwede mo naman sabihin sa akin eh" sabi sa akin ni Caitlyn.

"Hindi eh. Hindi ako mapakali. Naaalala ko pa rin yung panaginip ko sa eroplano kanina"

"Ano ba kasi iyon? Mapagkakatiwalaan mo naman ako"

"Promise?" tanong ko sa kanya.

"Promise. Cross my heart, hope to die" sagot niya.

Huminga ako ng malalim bago ko ikwinento ang lahat sa kanya. Seryoso naman siyang nakinig sa sinasabi ko.

"Ang dorm kasi natin ay kamukhang kamukha nung nasa panaginip ko. Tapos Etidorpha pa yung pangalan nung dorm natin" sabi ko sa kanya.

"Hindi lang iyon, may nakita din akong babae. Naka suot siya ng puting maskara kaya hindi ko nakita ang kanyang mukha" dagdag ko pa.

"Weh, talaga?" sabi niya na may pagkagulat.

"Kasi isang beses may napanaginipan akong babae na sinasabi na 'Pag dumating na ang chosen one ay mapapatahimik na rin sila at maibibigay ko na sa kanya ang Ring of belona' pagkatpos nun ay paulit ulit niyang sinabi ang 'Seek the truth'" kwento ni Caitlyn.

Nakaramdam ako ng kaba at takot dahil sa mga nangyayari ngayon. Pakiramdam ko ay konektado yung panaginip ko sa nangyari kay Caitlyn.

"Oh sige, balik muna tayo sa dorm. Magpahinga ka na muna. Sigurado ako na pagod ka dahil sa haba ng byahe mo" sabi niya sa akin.

Ngumiti na lang ako at sumunod na sa kanya.

Ngayong araw nagsimula ang aking pagtuklas sa sikreto ng Etidorpha.

Nang dumating kami ni Caitlyn sa dorm ay itinuro niya sa akin ang kama ko. Ako sa kanan habang siya ay sa kaliwang kama.

"Labas lang ako. Gusto ko lang makita yung care taker natin. Mabilis lang naman tapos magpapahinga na ako" sabi ko sa kanya.

Nang pababa na sana ako sa hagdanan ay may nabangga akong babae.

"Ano ba yan!" nahulog ang mga dala niyang libro.

"Sorry po. Sorry talaga. Tulungan n--" pinutol niya sinasabi ko.

"Wag na! Nakakahiya naman sa iyo eh! Sa susunod tumingin ka sa dinadaanan mo" sabi niya at pumasok na sa siya sa kwarto.

"Miss? Okay ka lang?" tanong sa akin ng isang lalaki.

"Ay okay lang ako" sagot ko.

"Pasensya ka na kay Daphne, mabilis lang talaga yun magalit" sabi niya sa akin.

Daphne pala ang pangalan nung babae.

"Ako nga pala si Chad, Chad Ordonez" sabi niya at naglahad ng kamay.

"Ako si Sophia Miller, kakadating ko lang dito galing America" tinanggap ko ang kamay niya at nakipag shake hands.

"Sige mauna na ako Chad, titignan ko pa yung carakongetaker ng dorm" paalam ko sa kanya.

"Sige, ingat kayo ha"

Bumaba na ako at nakita ko ang pintuan na may nakasulat na 'Caretaker' at ang pangalan na 'Vladimir S. Levasquez'. Kumatok ako sa pinto pero bukas pala ito. Pumasok ako at marami akong nakitang mga trophy at medal pero may nakita ako sa mesa ng caretaker na nakakakilabot. Bigla akong may narinig na nagsalita sa aking likod, "Ano ang ginagawa mo dito?" humarap ako sa kanya at nanlaki ang mata ko. Biglang nagdilim ang paningin ko.

To be continued...

...

A/N: Hi guys! Salamat po sa pagbabasa ng Chapter 2. Kung may tanong po kayo, I comment nyo lang po and I will answer it ASAP. Sorry po sa late update.


Ps. Abangan nyo po yung update ni Aira sa mga stories niya mamaya or bukas ata. Sa mga nagbabasa ng stories niya, maraming salamat daw po. Sa mga hindi pa nakakabasa ng mga stories niya, pumunta na po kayo sa account niya at magbasa. Thanks!

Collaboration with _Ayraaa28

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 11, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Secrets of EtidorphaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon