(Dont mind my errors)
Iya's Pov
Naglalakad ako ngayon sa mall wearing an elegant dress na hapit sakin, tinernuhan ko ng light blue pumps and my channel bag.
Apple of the eye ako habang rumarampa sa gitna ng mall, sino bang hindi mapapalingon sa tulad kong diyosa.
Well, maganda naman talaga ako , marami ang nagsasabi." Good morning ma'am, can i take your order?"
Nandito ako sa isang mamahaling restaurant, waiting for Andrea my bestie.
"Tubig na lang." Tumaas naman ang kilay ng babaeng waitress.
Ofcourse tinaasan ko rin siya ng kilay, who is her naman diba?"Yun lang po ba ma'am? "
"Do you have hear a word that comes to my mouth other than water only?, gosh your-- your ahm,ahm, aish! nakakabanas na, get off of my eyes na nga!." Agad namang umalis ang waitress, nasaan na ba kasi si Andrea, bwisit na balyenang yan palagi na lang late sa usapan, im so naiinis na talaga.
"Iyaaa friend!!"
Speaking of the balyenang unggoy andyan na siya, agad siyang lumapit sakin at yumakap ng mahigpit."Ouch! Your hurting me na, stop hug me nga, your so laki and im pitpit, and lower down your high pitch voices cause your destroying my lovely eardrums, and information only ha?, magkasama lang tayo yesterday noh."
"Ayan ka na naman sa mga banat mo Maria Isabel Santigo, kaya labs kita eh." Ganyan talaga siya sakin.
"Tigil-tigilan mo nga ako Andrea Filimon," Saad ko habang nakatingin sa kanya ng masama "malapit na kitang pektusan."
"Oo na, quiet na nga oh." Sabay takip sa bibig niya, pero kahit may pagka abnormal yan mahal ko yan.
"Mag-order ka nga muna, kanina pa ako gutom kakaantay sayo."
"Sige na nga." Si Andrea lang ang nag-iisang kaibigan ko, nakilala ko siya last two years ago.
Nagsimula nang iserve ang mga inorder namin.
Habang kumakain kami, aksidenteng nalaglag ang kutsara ko."Drei, tawagin mo nga yung waiter at hingi ka ng kutsara." Paki-usap ko kay Andrea.
" 'Kaw nalang, kitang lumalamon pa oh."
Saad niya sakin at agad agad sumubo ng marami,psshh.Ano na nga kasing english ng kutsara?, spool?,spoor?,spoon?, fork ba yun?, pero parang hindi eh.
"Hoy Andrea anong english ng spoon?." Hindi niya ako pinansin at nagtuloy-tuloy lang sa pagkain niya. Bwisit kasi na utak to eh, ngayon pa nakalimutan. Bahala na nga.
"Waiter!," tawag ko sa isang waiter na malapit sakin.
"Yes ma'am?"
"Can you get me another fork, nahulog kasi yung kutsara eh." Pagkasabi ko nun parang naguluhan yung lalaki at parang matatawa na. Pati yung mga nasa kabilang table ay nakatingin sakin at bigla na lang matatawa.
Agad ring bumalik yung waiter na inutusan ko at binigyan ako ng kutsara at tinidor, nagkibit balikat nalang ako at nagpatuloy sa pagkain."Drei," tawag pansin ko kay Andrea na busy sa pagkalikot ng cellphone niya. Kakatapos lang naming kumain.
"Oh?" Walang gana niyang sagot.
"Pwedeng hiram muna ako sayo ng pera?, kailangan ko kasi talaga eh, babayaran ko agad promise pangtuition ko lang."
"Ilang beses ko nang narinig sayo yan Iya, pero ano bang magagawa ko, hindi naman kita matiis." Sabi niya nang naka ngiti sakin.
"Yun yun eh, salamat bestie, i love you!," lumapit ako sa kanya at pinugpog siya ng halik sa mukha.
"Yucks! Youre so eew talaga." Tinulak niya ako palayo sa mukha niya.
Nakingiti akong bumalik sa upuan ko."Alam mo hindi ko maintindihan kung bakit sa Elite School ka pa nag-aral eh alam naman nating hindi mo kaya ang mga bayarin 'dun." Pagalit na wika niya sakin.
"Alam mo naman ang dahilan diba?"
"Ay ewan ko sayong bata ka!, bahala ka nga sa buhay mo. Uwi na nga tayo." Yakag niya sakin, agad naman akong tumalima at sumunod sa kanya.
___________________________________________________________________________
sorry na agad :( kapal ng muka kong gumawa ng story.. huhubels.

YOU ARE READING
Hopeless romantic
Novela JuvenilNagpapangganp na mayaman. Nag-eenglish kahit hindi alam. At maarte kahit hindi dapat.