one and only chapter

32 2 0
                                    

hello labidabs!!! ayan, 1st short ko ito. actually hindi siya story eh. pero bakit ba? pagbigayan niyo ako! ito ang gusto kong isulat heheh.

sabi nga diba? write to express not to impress

maybe all this time this is what I needed - to write how i feel...

anyway! I hope makarelate kayoooo!!!

VOTE.COMMENT.SUPPORT.FOLLOW.SPREAD THE WORD!

enjoy :*

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

narrative

minsan sa buhay natin hindi natin alam kung sino ba talaga tayo sa buhay ng ibang tao

ano ba ang papel natin sa buhay nila?

ano ba ang papel nila sa buhay natin?

yan lang naman ang mga tanong na mahirap sagutin eh.

mahirap kase hindi mo alam kung ano ba kayo.

kahit kailan hindi mo inakala na ganito kacomplicatdo ang maattach sa isang tao.

akala mo dati magiging magkaibigan kayo.

nandoon na kayo sa point na yun eh.

pero isang araw bigla nalang nagbago ang lahat.

alam mo yung masakit? walang dahilan.

iniisip mo tuloy kung may nagawa ka ba .

pero hindi mo talaga alam eh.

pilit mong binabalikan yung huling paguusap ninyo pero wala namang mali.

isang araw bigla nalang nagbago. wala ng palitan ng salita. wala ng "gaya ng dati"

tapos tuwing magkikita kayo, tuwing magtatama ang mga mata niyo iba ang pakiramdam mo.

aminin mo man sa sarili mo o hindi alam mong tinamaan ka na ang lecheng pana ni kupido

ang masaklap, ikaw lang ang tinamaan, siya? umiwas.

o ganun lang talaga siya ka manhid para hindi maramdaman na tinamaan na din pala sila o di kaya, nagpapakatanga lang siya at patay malisya sa nararamdaman niya.

isang araw sinabi mo sa sarili mo na "tama na, hindi ko naman deserve ang mahirapan, mapuyat, masaktan"

sa araw din na yon ay kinumbinsi mo ang sarili mo na mag momove on ka na kahit ni minsan ay hindi naman naging kayo.

ganon lang kase kalakas ang tama mo sakanya.

pero hindi mo alam kung nangaasar siya o pinaglalaruan ka ng tadhana kase may mga bagay siyang gagawin na muling magbabalik ng mga bagay sinubukan mong kalimutan.

lahat ng hirap mong magmove on, isang "Hi" niya lang, baliwala na.

ang tanga no? lahat ng yun, dalawang letrang salita lang baliwala agad.

alam mo kung bakit? kase aminin mo man o hindi alam mo sa sarili mo na kahit anong pagmomove on mo walang kwenta, dahil kumakapit ka pa din sa pag-asang "pwede"

yun lang naman yan eh! kaya hindi ka makapagmove on kase UMAASA KA.

pero bakit ka umaasa? kase pinapaasa ka niya? pinapaasa ka ba talaga niya o pinapaasa mo lang ang sarili mo?

gigising ka ba sa katotohanan na wala naman siyang intensyon na tamaan ka sakanya?

o magpapakatanga ka lang jan at iisipin na "pwede namang maging katotohanan"

pero ilusion mo lang yun diba?

ayan ka nanaman, pinapaasa mo nanaman yang sarili mo.

pero sige, tutal umaasa ka na din naman lubusin mo na.

umasa ka na magkakausap na kayo ng maayos

umasa ka na sasabihin niya ang dahilan kung bakit may nagbago

umasa ka na balang araw magiging totoo lahat ng mga inimagine mo na mangyayari

umasa ka na magiging sweet ulit siya

umasa ka na aamin siya at sasabihin niya na pareho kayo ng nararamdaman

umasaka na magiging magkaibigan kayo

pero...

sana umasa ka din na tumigil na siya sa pagiging komplikado niya

sana umasa ka na maging direkto na siya, na tumigil na siya sa pasikot sikot niya

at sana umasa ka na titigil ka na sa katangahan mo at titigil ka nang umasang magbabago siya at magiging maayos lahat ng gulong ito.

He Loves Me, He Loves Me NotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon