I am cooking some scrambled eggs, bacons, & sausages for breakfast. Paborito niya kasi itong breakfast. Sinamahan ko na rin ng coffee. Made just the way he likes it.
Sinarapan ko talaga itong breakfast. Syempre para kay Kean eh. Kahit gasgas na, pero isa rin ako as mga naniniwala sa quote na 'A way to a man's heart is through his stomach'. Naligaw lang ako kaya kailangan ko ulit hanapin ang way.
I am arranging the table when I heard some footsteps from the stairs. I looked up and saw him dressed in a suit.
He owns an architectural firm and it's really known. Marami na silang nagawang popular buildings sa Pilipinas.
Ampogi talaga ng asawa ko. Smart and talented pa.
"Good morning Kean! Kain ka muna ng breakfast." I said while smiling.
"No need. Baka masuka pa ko. I'll just eat in my office." he said emotionless then walked out of the house.
The sound of the car engine zoomed me back to reality.
Nawala ang ngiti sa labi ko. Nakatingin lang ako sa nakasarang pinto.
"Of course, Hindi na pala siya kumakain ng niluluto ko." sabi ko sa sarili ko at tumawa ng mapait.
Lagi naman siyang ganyan. Hindi sasabay kumain, cold, madaling-araw o eleven na uuwi, hindi ako kakausapin kung hindi ako nagtatanong. Tipid pa nga siya sumagot eh. He doesn't even care about me.
8 months na kong nanliligaw ngayon pa ba ko magbaback-out.
"Hope Ana. Hope. Masama lang gising niya kaya siya ganyan." Iiling-iling kong sabi sa sarili ko.
Pumunta na lang ako sa kusina at kinain and niluto ko. Hinugasan ko na rin yung mga plato at naglinis ng buong bahay.
Ayokong nagma-maid no. Gusto kong ako mag-aasikaso sa asawa ko. Mas madali din ang panliligaw ko kasi napagsisilbihan ko siya.
Pagkatapos kong maglinis, naligo na ko. May pupuntahan pa pala ako. Nagsuot lang ako ng floral dress na pink and white, flats, and my purse.
Bumaba at lumabas na ko. I made it sure that I securely locked the door of our house. Then I walked to the taxi stand outside our exclusive subdivision.
Magtataxi na lang ako. Hindi na naman ako dinadrive ni Kean. Atsaka nakakahiya kung magpapadrive pa ko. Hindi na din naman ako nagdadrive simula mangyari yun even though marunong ako. Natrauma daw ako sabi ni Dr. Rein.
Sumakay na ko sa taxi and I told the taxi man na tumigil muna sa isang flower shop bago kami pumunta dun.
"Manong pahintay naman ako. Saglit lang naman po eh. Promise." sabi ko.
"Sige iha, hindi ka pa kaya nagbabayad. Di ka talaga pwedeng iwan." biro ni manong.
"Hahaha. Salamat po!" sabi ko tas nginitian ko.
Pagpasok ko sa flower shop nginitian ako nung babae sa may counter. So I smiled back.
"Hi ma'am. So what kind of flowers do you intend to buy?" she said.
"I want your most colorful bouquet and please add some of your biggest sunflower." I told them.
Agad din namang ginawa iyon ng babae. I thanked them and added some tip coz' I really liked it and I'm sure she will like it too. I went out of the store and made my way to the taxi.
Dumiretso din naman kami dun. Kinuha ko rin yung number ni manong para pag pauwi na ko may masasakyan ako. Mahirap din kasi humanap ng taxi dito eh.
Bumaba na ko at pumunta sa entrance. Tinitigan ko ang sign sa itaas.
"West Centennial Garden" basa ko at huminga ng malalim.
Lumakad na ako papasok papunta sa puntod niya pero napatigil ako sa nakita ko.
It broke my heart slowly into pieces.
He's there.....
crying.
And I know I'm the one who caused it.
BINABASA MO ANG
Defying Hope
Romansa"Isang taon na. Hindi niya pa rin ako napapatawad, but I won't give up. Losing my hope is the last thing I would do. I will always be here, ready to catch him whenever he falls again." - Isiana Marie Ferrer (Ay-si-ana) Short story|Tagalog|Romance ©C...
