C9: Rehearsals

13 0 0
                                    


---

*James POV*

"HOY! Gumising na kayo anong oras na oh? Magrerehearsal pa tayo mamaya!" Ang aga aga ang ingay talaga ni Gray.

Napabangon naman ako at tumingin ng oras sa cellphone ko .

Nu bayan 7:16 a.m palang eh .

May nagtext sakin, napangiti naman ako kung sino.

Fr. Ashley 💘💘

Hey, good morning!

Sabi niya napangiti naman ako . syempre rereplyan ko . hindi ako SEENER kasi masakit umasa na magrereply ka pero hindi pala . masakit yun SUPERB. Lalo naman kapag umasa ka kasi nagbibigay siya ng motibo pero iba pala yung gusto niya . di ba readers?

Nagreply na ko .

To: Ashley 💘💘

Good morning too! I miss you 😘

'Sent'

Maka "I miss you" kala mo may relasyon eh . hahaha .

"Ano James ngingiti ka nalang diyan ? Mukha kang baliw . Alam mo masama yan, masama kapag nasobrahan lalo na kapag binigay mo lahat pero hindi parin pala sapat" sabi ni Danyel .

Binato ko siya ng unan.

"Bwiseet ka !!" Sabi ko at tumayo na ko at pumuntang CR para maghilamos.

"Hintayin ka namin James dito para sabay sabay na tayo pagbaba" sabi ni Zed.

Kaya pumasok na ko ng CR.

As usual, hilamos then toothbrush.

Lumabas na rin ako agad at tinignan yung phone ko kung nagreply siya pero WALA! Ang sakit umasa .

Bumaba na kami . habang pababa nakaamoy kami ng masarap kaya kumulo yung tiyan namin at dumiretso na kami sa kusina .

Nagulat kami sa nakita namin .

Si Emma, gumagawa ng Coffee
Si Hannah, inilalagay yung mga pinggan sa lamesa
Si Roya, nagpreprepare ng mga kakainin at ang nagluluto?

Sino pa ba ? Edi ung lalabs ko na si Ashley .

Ang sexy niya sa suot niyang Apron.

Woooh .

"Andyan na pala kayo, tara kain na tayo sakto katatapos ko lang iluto lahat yan" sabi ni Ashley.

Umupo naman kami . ganto yung pwesto .

Ako-Ash
Danyel-Hannah
Gray-Emma
Zed-Roya

*Ashley's POV*

Honestly nagulat ako ng pagkaharap ko nakita ko yung mga boys .

Syempre para hindi mahalata nagsalita ako.

"Andyan na pala kayo, tara kain na tayo sakto katatapos ko lang iluto lahat yan" sabi ko wearing my Sweetest Smile.

Umupo naman kami .

Tawa dito, tawa doon. Pero kami ni James nga nga Hahaha nabasa ko kasi yung text niya sakin ung may "I miss you"

Hindi nako nakapagreply kasi kinilig ako eh sige nga? Sino bang hindi ka kikiligin dun di ba?

Hahaha kaya ayun nastock haha paulit ulit sakin yung text niya .

Hahaha .

After kumain umakyat na kami para mag ayos babalik na kasi kami sa Studio . Bukas na kasi yung Battle .

Hugot SyndromeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon