---*Ashley's POV*
Maaga talaga ako nagising kasi para maaga din kami makauwi.
"Baby, baba ka na dyan aalis na tayo nag iintay na si Manong Driver sa labas . hintayin kita dito . after 5 minutes baba ka na ah" sabi ni Mom.
Oo kami lang luluwas ni Mom dahil si Dad busy sa kaniyang trabaho .
Hindi na ko nagdala ng marami kasi sasaglit lang naman ako dun eh heler kelangan kong humabol sa Battle .
Ayoko naman silang masaktan no? Lalong lalo na si James .
Nakukwento ko nga si James kay Mom eh sabi niya ipakilala ko daw sa kanila para malaman kung pasado .
Hahaha ipapakilala eh hindi nga nanliligaw hahaha .
"Baby ang tagal mo kala ko ba nagmamadali ka ?" Tanong ni Mom.
Ako naman kung ano ano lang sinasalpak sa bag . Di magkandaugaga eh hahaha .
"Pababa na po Mom!!!" Sigaw ko at bumaba na ko .
Nakita ko naman si Mom na nasa pintuan nagiintay .
"Bat ang tagal mo baby?" Tanong niya .
"Ah eh wala po may iniisip lang po ako kaya ako natagalan" sabi ko sabay kamot sa ulo.
"Si James yan no? Alam mo baby, kapag ba inisip mo iisipin ka rin niya? Kapag pa bingay mo lahat, ibibigay niya rin ba? Naku baby ......."
"Naku Mom, yung totoo? Bagets?" Hahaha makahugot wagas eh hahaha
"Halika na nga, kanina pa si Manong Driver eh" sabi ni Mom .
Sumakay naman kami sa sasakyan, sabi ni Mom saglit lang ung byahe papuntang Airport .
"Matulog ka muna, gisingin nalang kita kapag malapit na tayo" sabi ni Mom kaya sinalpak ko ung headset ko at nagpatugtog.
*James POV*
Ano bang problema ng babaeng yun bat di ko macontact ? Cannot be reach ang bwiset .
"Ano ba James? Di ka mapakali ah kami nahihilo sayo eh !" Sigaw ni Zed .
"Parang ang layo ng kausap mo ha? Wala kang pake tsaka kayo naman yung mahihilo hindi naman ako di ba?" Sabi ko .
"Ano ba kasing problema ha?" Kalmadong sabi ni Gray . buti pa to kalmado kesa kay Zed .
"Di ko kasi macontact si Ash eh cannot be reach baka kung ano na nangyari dun, baka may nangyaring masama, baka kung mapano yun, baka naaksidente, pano na ko neto? Pano na ang love life ko? Huhuhu ........ ARAY!!!" Pano ba naman batuhin ka ng drumstick .
"Alam mo ang OA MO! grabe ka! Pag yan nagkatotoo ikaw din . malay mo may ginawa lang kaya di masagot or tulog ?" Sabi ni Danyel .
"Panu yung battle? Mamaya na yun diba?" Sabi ko .
"Pre anong oras palang oh? Magaalas otso palang, anong oras ba ung battle?" Tanong ni Gray . Oo nga no? Ang paranoid ko kasi masyado eh .
"8:00 ng gabi" bulong ko .
"8:00 PA PALA EH!" Sigaw nila .
"Kaya mag focus muna tayo ha? Magtetext din yan di ka non matitiis" sabi ni Zed . Ngumiti naman ako kaya nagpractice muna kami pero instruments lang mahirap na mamaya baka magkamali then i need to conserve my voice para mamaya .
*Ashley's POV*
"Anak, andito na tayo gising ka na" nagising naman ako sa yugyog sakin ni Mom .
BINABASA MO ANG
Hugot Syndrome
RomanceThis is a Short Story :)) Hope magustuhan niyo. Vote guys . Thanks ;) @AfterTheyEnter