c3 | tae

1.1K 45 9
                                    


CHAIN'S POV


Lumabas kami sa principal's office na nagbabangayan pa rin.

"Eh kung hindi ka lang sana sumigaw! Hindi sana tayo mapupunta sa principal's office and there would be no detention!"sigaw nya sa akin. Aba't! Ako pa talaga ang sinisi nya!

"Hoy! Kung hindi mo naman sana ako binato ng binato ng papel edi sana hindi nangyari yun kaya kasalanan mo pa rin!"pabalik kong sigaw sa kanya! Bwiset!

"Ewan ko sayo!"banas nyang sabi habang patuloy pa rin kaming naglalakad habang nagsasagutan.

"Ewan ko rin sayo!"ganti kong sabi sa kanya. Inirapan nya agad ako.



"ARAY!!!!! WHAT THE EF!!!" Sinuntok ko siya!


"Buti nga sayo!! BWISET KA!!!"sigaw ko sa kanya at nauna ng naglakad!

"Nakakarami ka na ah! Isusumbong kita kay Tita Dawn!"pahabol nyang sigaw kahit nakahandusay pa rin sya sa sahig sa sakit. Pakyu! Edi magsumbong ka kay Mama!

"EDI MAGSUMBONG KA!"at agad na akong umalis. Ayaw ko ng marinig ang mga sasabihin pa nya baka mabugbog ko na sya. Lagot na naman ako kay mama! 



***

Pumunta na ako sa iba ko pang mga klase. Nakakainis! Hindi ako makapagfocus ni isa sa mga klase dahil sa sobrang inis ko! Lunch na ngayon at magkikita kami nila Shinsworth at Suestelk.

Hay nako! Takteng Chase talaga yun! I JUST CAN'T STAND HIM!!! UGH!!!

Para na siguro akong baliw ditong nakakunot ang noo tapos may binubulong ng kung ano-anong mura tungkol sa Chase na yun! Pinagtitinginan tuloy ako ng mga taong nadadaanan ko. 


"ARGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGHHHHH!"napasigaw nalang talaga ako sa inis. Ayaw ko na talaga! Gusto ko na ng DIVORCE!!!!! Napatingin ang mga tao sa akin pero sinamaan ko lang sila ng tingin. INIS NA INIS NA TALAGA AKO!!!!

"Ano ba naman yan Chandria! Ang ingay mo! Alam mo yun?!!!"

"NABABALIW KA NA BA?!! Dalhin na kita sa mental, ano?"

Napakunot ang noo ko sa narinig ko at agad hinarap kung sino man ang mga pamilyar na boses ng mga lalake ang nagsasalita.


"Raven. Reign."tangi kong sambit at pinagikutan sila ng mata. Si Raven at si Reign, ang dalawang kaibigan ni Chase! Ugh! Ayaw ko makita ang pagmumukha nila, mas lalo ko lang kasing maalala ang demonyo kaya tinalikuran ko na sila kaagad at pinatuloy ang paglakad sa cafeteria.

[Raven: Enrique Gil/Reign: Tony Labrusca]

"Aray pre. Seenzoned tayo."rinig ko pang sabi ni Reign.

"Syempre pikon yan ngayon. Nagrambolan na naman kasi sila ni Master James kanina."sagot naman ni Raven.

Pano nila nalaman? Nagsumbong amp. Ang bakla talaga nung Chase na yun! Tsk. 

Chained with ChaseWhere stories live. Discover now