c6 | lolas in town

428 14 20
                                    

Panic na panic na kami ngayon ni Chase dahil sa pagtawag ng mga Lola namin!!! 😨

Nandito na kami ngayon sa bahay. Pagkatapos ng tawag nila lola kanina, agad kaming umalis dalawa at iniwan ang barkada.

This is a life and death situation! Oa na kung oa pero nagpapanic na talaga ako dito.

Pero no shit, dadating talaga yung mga Lola namin. Ang problema naman kasi eh ang alam ng mga Lola namin eh totoong kami, as in lovers talaga for real. Hindi nila alam na pinagkasundo lang kami ng unggoy nato!

"Hoy panget! Ano na?!"bigla nyang kalabit sa akin.

"Wag mo nga akong matawag na panget diyan! At anong ano na?! Aba ewan ko rin noh!"sabi ko naman sa kanya.

Tinalikuran nya ako at naglakad sya ng pabalik balik sa sala habang ako nauubos na yata ang kuko dahil sa kakakagat ko nito.

Lumapit uli sya sa akin.

"Anong plano natin?"tanong nya.

"Ewan ko nga! Kita mong kinakabahan din ako eh!"

"Kasi naman eh! Lagot tayo pag nabuko tayo! Panigurado pagagalitan tayo! Naalala mo pa naman sigurado ang sinabi nila mama mo at mama ko diba?"

"Oo naalala ko! Wag mo ko gawing tanga! Kaya nga nagpapanic din ako diba?"at inirapan ko sya.

"Aba malay ko ba baka tatanga tanga ka mamaya!"sabi nya naman sa akin at bago pa ako makasagot sa kanya tinalikuran na nya ulit ako. Tsk.

Pinalipas ko nalang yun dahil sobrang kinakabahan na ako talaga. Pano kung mabuko kami? Lagot kami nito.

Ang kasunduan kasi, pag nabuko kaming dalawa ni Chase ng mga Lola namin, forever kaming mamumulubi dahil hindi nila ibibigay sa amin ang mga mana namin. Akala namin nung una nagbibiro lang sila pero punyeta, seryoso pala!!! 😭😭😭

Unang una kasi, mag bestfriends yang mga Lola namin simula pa nung highschool. Isa rin yan sa mga dahilan kung ba't kami pinagkasundo. 

Ang malupet pa dun eh nakatira silang dalawa sa states at nakikibalita lang sila sa mga mommy namin about sa aming dalawa. Ang hindi namin alam ni unggoy iba pala ang mga pinagsasabi nila mama sa mga Lola namin. Ang akala nila nagkakamabutihan kami pero yung totoo nagbabangayan naman. 

Ewan ko ba sa mga magulang namin at pinagsasabi ang mga yun. Siguro alam kasi nila mama na magagalit sila Lola sa ganoong arrangement na ipinakasal kami kahit ayaw namin sa isa't isa. Mga hopeless romantic kasi sila Lola at naniniwala sa true love at forever chuchu. Sila mama naman pure business lang kaya kami ipinakasal. Leche flan.

"Hoy Chain! Nakikinig ka ba sakin?!!! Hoy!!!"biglang sigaw ni Chase na ikinagulat ko.

"Ay leche flan! Kailangan talaga sigawan?"

"Eh kanina pa kaya kita kinakausap kaso lutang ka na naman!"

"Ano ba kasi yun? May plano ka na ba para di tayo mabuko?"

"Oo, tinext ko sina Reign na hanapan tayo ng solusyon kaso hindi pa nagrereply. Magkakasama pa rin yung apat ngayon."tinanguan ko nalang siya.

Alam din nila ang tungkol sa mga Lola namin kaya nagulat din sila nung sinabi namin na pupunta sila Lola.

*REIGN CALLING*

"Tumatawag si Reign!"

"Bilis! Sagutin mo at i-loudspeaker!"sabi ko naman kay Chase.

"Hello bro? May alam na ba kayong paraan?"

"Reign! Tulungan nyo kami please."sabi ko naman.

Chained with ChaseWhere stories live. Discover now