Rebecca2 weeks had past, after my scenario with Shawn. At masasabi kong walang pagbabago ang kalagayan ngayon. 3 weeks ng wala si Jenny, 3 weeks ng wala parin sa katinuan si Shawn. 2 weeks na siyang lutang sa klase namin. 2 weeks na niyang inaasam ang makita muli si Jenny.
"Tita Miles. Si Shawn po?" Tanong ko kay Tita, papasok na kami ngayon at as always sabay kami nitong pumasok. "Nasa taas. Anak, hindi pa siya nabangon eh. Kung gusto mo mauna ka na. Baka malate ka pa." Sabi sakin ni Tita Miles. Pero hindi ko iyon sinunod. Nagdiretso ako sa kanyang kuwarto. Dahan dahang binuksan ang pinto, at tumambad sakin ang tulog na tulog pang si Shawn.
"Tsk. Ano ba naman to? Ang gulo ng kwarto. Hayys. Shawn! Shawn! Oyy! Shawn! Bangon na!" Niyugyog ko ng niyugyog ang kanyang kama para sana magising siya pero hindi. No effect.
"Shawn! Pag hindi ka gumising never na kitang sasamahan sa puntod ni Jenny."
"Isa!"
"Dalawa!"
"Isusunod kita tamo! Seryoso ako!"
"Alright. Fck. Hays. Eto gising na okay? Just, wag mong uulitin yang joke mo okay?" Bumangon siya at nag diretso sa kanyang banyo. Tamo to, naka uniform pa? Jusko. Kahapon pa yong suot niyang yon. Ay grabe.
"Shawn. 15 minutes. Pag wala ka pa sa baba, ay nako. Lagot ka sakin." Banta ko kay Shawn. Saka inayos ang gamit niya at sinabay ko na pagbaba ko.
"Ano anak, nagising mo ba si Shawn?" Tanong sakin ni Tita Miles pagbaba ko. "Opo. Naliligo na po siya. Buti nga po't napasunod ko. Hayys." Nilapag ko ang gamit ni Shawn sa couch nila. Saka nakipag kwentuhan kay Tita Miles.
"Alam mo Becca. Napaka swerte ng anak ko at nagkaroon siya ng kaibigan na gaya mo. Siguro nga dapat ikaw ang iniintindi ng anak ko, dahil talagang ang tagal niyong naging mag kaibigan nitong si Jenny. Pero ikaw to ngayong nagpapakahirap para sa anak ko. Pati ako hindi na pinakikinggan niyan eh. Salamat sa pagtiyatiyaga Becca. Sana, matulungan mo si Shawn na makalimot. Salamat talaga hija."
BINABASA MO ANG
Forget The Past, Look For The Future.
Fiksi RemajaForget the past - his girlfriend Look for the future - his best friend - Pano mo tutupadin ang hiling ng kaibigan mo, kung ang hiling nito ang pinaka ayaw mong gawin sa buhay mo? Pano mo mapapasaya ang taong minsan mo ng nilayo at kinalimutan sa buh...