Testimony #5

836 54 7
                                    

Part 3

Oo nga'y nasabi ko na sa Panginoon na "Sana hindi mo nalang ako niligtas kung ibabalik mo lang din ako sa dati." Ilang buwan at taon akong lumayo sa Panginoon - lumakad sa sariling daan, nagdesisyon sa sariling kaisipan, nakiramdam sa sariling pakiramdam. Hanggang sa mapagtanto ko bakit nga ba nangyayari ang lahat ng mga ito sa aking buhay? Madalas sinisisi ko ang Panginoon which is kasalanan ko naman. By my "OWN CHOICE" kung bakit nangyari ang mga bagay na hindi dapat nangyari, mga kasalanang nagawa ko Sakanya na naging daan upang lumayo ako sa gawain Niya. Pero salamat sa Panginoon, ang kaligtasang binigay niya o ang kaniyang regalo ay hinding hindi mawawala kailanman kahit na lumayo ako sakanya. Ang pag-ibig ng Diyos saaakin bilang anak ay hindi nawala. Salamat sa mga pagsubok at sa mga taong ginamit niya para manghina ako at malugmot sa kasalanan na naging dahilan rin upang mas maging malakas ako. Sabi nga sa awitin na "In my weakness, he is strong", Ang pananalig ko sakanya ngayon ay mas matibay gawa narin ng mga bagay na nangyari sa buhay ko na hindi ko inakalang mangyayari. Ngayon, isa na akong Ina na gaya ng Panginoon na kahit ano pang gawin nang ng anak - lumayo man sakanya, babalik at babalik karin naman. At 'yon ang hangarin ko sa buhay, ano man nangyari saakin sa nakaraan lagi kong pinapanalangin na sa buhay kong ito ay magamit Niya ako para bumalik sa magulang ko at sabihing, "Pa, Ma. Tara sumamba tayo sa Panginoon"

Samahan niyo po ako sa hangarin kong ito sa pamamagitan po nang mga panalangin ninyo. Hanggang dito na lamang po.

Acts 16:31 KJV
[31] And they said, Believe on the Lord Jesus Christ, and thou shalt be saved, and thy house.

- YONNA

A/N Sa buhay na ito ay mayroon tayong free will. At dahil doon, may karapatan tayong pumili. Minsan nga lang naliligaw tayo at napipili ang mga bagay na mali kaya't nagkakaroon nang masalimuot na pangyayari. Ngunit sa kabila noon, manalig ka lang sa Panginoon. Magtiwala ka sakanya. Kung kailan ka nang hihina, doon ka dapat lalong lumapit sakanya. Bibigyan ka ng Diyos nang kapahingahan.

02/25/16  -

Tap like and share! Help me as we reach the world with this. Don't forget to put your comment down, God bless!

Kung nais mo namang may ishare, feel free na private message mo ako. :)

Diary ng KristiyanoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon