SECOND

11 0 0
                                    

2 weeks have pass...

Eysi's POV
Hays pangalawang linggo na, pangalawang linggong walang pansinan. Hindi ko alam kung bakit bigla nalang nagkaganun sakin si Tristan wala naman akong maisip na ginawa kong masama sa kanya.

Napatingin ako sa gitarang nasa tabi ng study table ko. Matagal ko na ring hindi nagamit yun.

Ano kaya kung gumawa ako ng kanta ...?

Kanta? Sabagay di ko pa nagagawa yun pwede ko naman sigurong subukan diba.

tungkol saan naman ang gagawin ko? Love? wala pa akong expirience dun eh? Friendship? pwede din.... hmmmm.... eh kung dalawa?

Tristan's POV
iniwan ko si Eysi dun sa field at sinabihang layuan na ko sa kadahilanang bawal ako mainlove .ayoko. Ayokong may masaktan dahil sakin sumosobra na tong nararamdaman ko, kapatid lang ang turing ko sa kanya noon. ano ng nangyari ngayon?

Flashback....

Ilang beses akong nakaramdam ng paninikip ng dibdib ko. parang hindi ako makahinga sa tuwing kasama ko si kulit (Eysi) nang mga nakaraang linggo lang.

Kaya nanghingi ako ng payo kay mama at tita (mama ni eysi) pero isa lang ang sinabi nila.

"Baka kaya ka nakakaramdam niyan dahil inlove ka?yiiiee binata kana talaga tristan" kaya napag-isipan ko na baka nga tama sila. Pero may iba akong inaalala

"Mama magpatingin na kaya tayo sa doktor?"

"bakit anak? Masakit pa rin ba?" Sobra ng pag-aalala ni mama sakin kaya siguro dapat ko ng gawin to.

Nakarating kami ng ospital at doon nagpasuri at ang resulta...

May sakit ako sa puso...

Bawal ang sobrang saya....
Bawal din ang sobrang lungkot....

Dahil ano mang-oras maaari akong mamatay

kaya nakiusap ako sa doktor na kung maaari ay kami nalang muna ang makakaalam

End of flashback....

Napag-isipan kong balikan si kulit para manghingi ng tawad dahil narealize ko na kailangan ko na palang paligayahin sya sa mga natitirang araw o oras ko, pero wala na sya kaya hinanap. ko sya...

napagod ako ng sobra at sumakit na naman ang dibdib ko kaya nagpahinga muna ako sa may library kung saan walang madalas na tao.

Pagmulat ng mga mata ko tinuloy ko agad ang paghahanap hanggang sa nakita ko siya at si marlon na lumabas ng clinic at masayang naglalakad habang may pagulo-gulong buhok pang nalalaman. Napaupo ako sa sahig dahil sumakit ulit ang dibdib ko siguro nga dapat lang na iwasan ko na talaga sya....

Eysi's POV

"Maaari ka bang ibigin?
Ngunit pa'no aaminin?
Di alam ang sasabihin,
Ano ang gagawin?"

ano nga bang dapat gawin ko? Eh magkaibigan lang kami at kapatid lang din ang turingan namin...

Biglang sagi nyan sa isip ko....nababaliw na ba ako? Ano ba naman toh...

"Sigaw ng aking puso sayo,
Sana'y di mafriendzone ako
Subalit malabo lang mangyari
Kapatid lamang ang turing"

dafudge! Ano ba tong lyrics na nagagawa ko? Bakit ganto? Bakit parang tinatamaan ako?

"Kay marlon? Malabo naman yun...oo may itsura sya pero...alam mo yun...parang wala naman syang epekto sakin eh" nag-isip ulit ako ng mga posibleng sakin na maaaring inspiration ko sa kantang patuloy na nabubuo ko, hanggang sa nasagi sa isip ko si--

"Tri--" hindi. Hindi pwede kaibigan ko yun at lalong kapatid ang turing ko dun kaya imposible talagang--

Subalit malabo lang mangyari
Kapatid lamang ang turing...

Shit..

Ayoko na titigil na talaga ako hindi na maganda tong nangyayari sakin...
----------
Hindi na ko nakatiis kaya ako din ang lumapit kay tristan para ako na mismo ang mag-sorry.

Nakita ko sya sa library kung saan lagi syang tumatambay. tinatanong kasi ako nung classmate namin kung bakit parang wala daw balak pumasok si Tristan.

"pangit..." pag-istorbo ko. Tinignan nya lang ako ng masama at muling tinuon ang pansin sa librong binabasa nya

"Sorry na...ano ba kasing kasalanan ko sayo? Hindi mo na ba ako mapapatawad?" Tumayo lang sya at di ako pinansin nagdirediretso sya ng labas ng library at patungo sa.....likod ng school?

Wow....ang sarap ng hangin, napahinto ako habang pinagmamasdan ang malawak na parang flower garden? Basta yun tapos sa gitna nun may isang puno tapos may duyan.

Sinundan ko sya doon. At naupo ako sa damuhan malaki ang school at ang daanan papunta rito ay hindi pansin kaya siguro marami kaming walang alam tungkol dito noon .. pero ngaun nakita ko na ....

"Ano pang ginagawa mo dito? Bakit pana'y sunod mo? Diba sabi ko layuan mo na ako?"

Oo nasaktan ako sa asal nya ngayon pero wala eh nandito na ko..kaming dalawa lang ang nandito...chance ko na to para kausapin sya.

"Ano bang nagawa ko sayo? Kahit kasi ako hindi ko alam kung bat ako nandito at gusto kong magsorry sayo eh, may mali ba ako? Tinurin kitang kapatid pero bakit ganto ang kapalit sakin?" Sabay walk out. Bakit nga naman kasi ako magsosorry eh hindi ko naman alam ang kasalanan ko diba?

The next day hindi ako pumasok mas pinili kong tumambay doon sa pinuntahan ni Tristan sa likod ng school dahil sa kapayapaang naramdaman ko mula doon kahit na alam kong maaaring pumunta sya rito.

At doon ko na rin tinuloy ang kanta na nabubuo ko gamit ang gitarang hiniram ko sa music room.

The one who completes the songTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon