Make up

6 2 1
                                    

Narrator:
Napapansin mo na tuwing bumibili ka ng make up ay nawawala ito mga 1-3 weeks mo after bilhin. Nag simula ka ng mag taka. Tinignan mo yung bag mo kung may butas, wala naman. Hinalughog mo yung buong condo unit mo pero wala. Naisip mo nga din na baka may magnanakaw, pero bakit make-up lang ang kukunin niya? Eh chipipay lang din naman yung mga makeup na iyon, cheverbilena nga lang eh. Tsaka meron namang guard kaya hindi agad-agad makakapasok ang kung sino mang tao. Nalungkot ka dahil binibili mo iyong mga makeup na yon para sa boyfriend mo. Gusto mo presentable ka palagi pag humarap ka sa kanya.

Christa's POV 
Saan naman kaya napunta yung mga makeup na yon??? Pakdislayp naman oh........ Di naman ako ulyanin para maka limutan kung saan ko nalagay yung mga makeup na yon.

Nandito nga pala ako ngayon sa condo ko kasama ang aking boyfriend. Naka upo kami dito sa sofa. Nakayakap ako sakanya at nakalagay naman ang kanyang braso sa balikat ko. Sarap talaga ng ganitong mga moments. Swerto ko talaga kay Zelo.

Nag kukwentuhan lang kami dito ng kung anu-ano. Hanggang sa makuwento ko sa kanya ang pagakawala ng mga kolorete ko sa mukha. Pagkatapos noon ay parang tumahimik na siya. Di ko tuloy alam kung may na sabi akong mali.

Pagkatapos ng ilang minuto bigla niya akong niyakap ng mahigpit.

"Christa sorry." Sabi ni Zelo.

"Bakit ka nagso-sorry???  May problema ba?" Tanong ko naman sa kanya.

"Sorry. Sorry talaga." Mas lalo niyang hinigpitan yung yakap niya sa akin.

Nag simula na akong mapikom. Bakit ba kasi ayaw niya sa akin sabihin yung dahilan?

"Bakit nga kasi?! Sabihin mo na!" Napasigaw na ako.

Humiwalay siya sa yakap at naka yuko lang.

"Ano?! Yuyuko ka lang ba diyan o mag sasalita ka?"

"Chris...... may iba na." Sabi niya ng mahina at nakayuko parin.

"May iba ka na? Bakit? Bakit ka pa nag hanap ng iba?! May kulang ba? Hindi ba sapat ang pag mamahal ko sayo? Mahal na mahal kita, halos wala na ngang matira para sa akin eh. Anong meron siya at wala ako? Anong ayaw mo sa akin? Sabihin mo sa akin para mabago ko. Please wag mo lang ako hiwalayan." Sabi ko habang tumutulo ang mga luha ko.

Sobrang daming tanong ang tumatakbo sa isip ko. Zelo bakit? Hindi mo ba alam na sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon? Binigay ko lahat lahat. Pag mamahal, effort. Pero kulang pa rin, dahil nag hanap parim siya ng iba. Ang sakit. Ang sakit sakit.

Nakayuko si Zelo habang ako iyak ng iyak dito. Gusto kong malaman kung sino.

"Elo, sino?" Tanong ko.

Hindi siya sumagot. Sinubukan niyang hawakn ang kamay ko pero nilayo ko kaagad ito sa kanya.

"Elo, hindi ko kailangan ng pag hawak hawak mo ng kamay ko ngayon! Ang gusto ko malaman kung sino! Kung sinong pumalit sakin jan sa puso mo!!!" Sigaw ko.

Hindi na ako makahinga ng maayos dahil sa pag iyak ko. Ang dami kong nararamdamang emosyon ngayon. Galit, sakit, at lungkot.

"Mark." Maiksi niyang sagot.

"At sino namang Mark yan?! Wag kang mag sama  ng kung sino sino dito sa problema nating to."

"Chris......siya na....siya na yung bago ko. Sorry." Sabi niya ng paputol putol.

"A-ano? Hindi ko maintindihan. Mark? Siya? Lalaki? Wag mong sabihing ......b-bading k-ka. Sabihin mong nagkamali ka lang ng sabi. Please."

"Hindi Chris. Siya talaga. At, oo, nag out na ako sa pagiging bading ko."

Mas lalo akong napa hagulgol. Ang hirap ipasok sa loob ng utak  ko lahat ng sinabi niya.

"Paanong bading ka eh naging tayo nga diba? Ibig sabihin ba ng lahat ng iyon ay wala lang para sayo? Lahat ng pag mamahal na ibinigay at ibinibigay ko ay bali wala lang para sayo?"

"Hindi. Wag kang mag isip ng ganyan. Ang totoo ay matagal na akong ganito. Iniisip ko na baka hindi ako matanggap ng pamilya ko kaya ko ito tinago. Isang araw sabi noong mga kaibigan kong bading na paibigin ka. Nag simula lahat ng ito ng dahil sa isang bet. Ginawa ko iyo at niligawan kita pero habang tumatagal nahuhulog na ang loob ko sayo at hindi kinalaunan ay minahal kita. Lahat ng bagay na ginawa ko sayo, lahat ng 'I Love You' na sinabi ko totoo lahat ng iyon. Chris, sana mapatawad mo ako. Napag didisyunan ko nang tapusin itong namamagitan sa atin dahil ayokong masaktan ka, kasi pag nasasaktan ka ay nasasaktan na rin ako. Sorry." Nag simula nang tumulo ang mga luha ni Zelo.

Hinawakan ko ang kamay niya. At inangat ang kanyang ulo na kanina pa naka yuko.

"Elo, wala kang kasalanan kung ganyan ka. Atsaka okay lang din sa akin yung tungkol sa bet. Nag bunga naman diba? Minahal mo ako at minahal kita. Okay na sa akin iyon. At kung si Mark talaga ang nandyan sa puso, wala ma akong magagawa kundi ang suportahan kayo. Alam mo dapat nga akong mag pasalamat sa iyo dahil sa mga panahong kailangan ko ng kadamay ang nandiyan ka. Zelo thankyou. Thankyou sa pagmamahal at pagdamay mo sa akin." Sabi ko at niyakap siya.

Niyakap ko siya ng sobrang higpit. Kumawala ako sa yakap at pinahid ang mga luha niya.

"One last time." Wika ko.

Dahan dahan kong nilapit ang mukha ko at hinalikan siya.

"I love you Zelo."

"I love you too Christa."

"Ay wait girl may sasabihin ako sayo ako ang..... kumukuha ng......"

"Ng??"

"Ng makeup mo. Sorry."

Napatawa nalang ako at niyakap siya uli.

     ~END~

Author of this chapter: Jaira Franco
Wattpad: @baeri_5692
Twitter: @jiajia_frankie
Instagram: @baekhyunxxbyun

Break Up: One ShotsWhere stories live. Discover now