It's Not You, It's Me

4 2 0
                                    

Ayoko na. Pagod na ko. Di ako makuntento sa kanya.

"Babs, okay ka lang ba??"

"Huh? Ahh... babs, bakit?" At tsaka lang ako nabalik sa katotohanan.

"Bakit parang ang lalim ng iniisip mo?"

"Wala. Wala."

"....okay."

***

Andito ko sa bahay pagtapos namin mag meet ni Dylan, yung boyfriend ko.

Btw, Im Dayna. (Deyna), 22 years old. Quezon City.

Gusto ko na makipag break kay Dylan. Nakakasawa na kasi. Talagang sobrang nakakasawa na. Sabihin nyo nang ang sama ko pero ganun talaga eh.

Minahal ko sya. That 9 years na pagsasama namin sobrang minahal ko sya hanggang sa humantong sa ganito, nagsawa.

How should I do this?

Through call? Message? Or personal?

Maybe person--

*ring ring ringggggg.....*

"Babs? Bakit?"

"I need you, now."

***

Agad akong pumunta sa unit ni Dylan.
He's crying, so I comforted him.

Kahit naman gusto ko na makipagbreak sa kanya, I still care for him.

"Babs? Bakit ka umiiyak?"

"K-kase.... patay na si Tita Sel."

Si Tita Sel kasi nagpalaki sa kanya, simula namatay ang parents nya.

I hugged him, tight. Yung parang ito na yung huli.

Sabi ko sa sarili ko na, kung ngayon ko sya iiwanan, baka di nya kayanin. I dont want him to be miserable after us.

" I love you Dayna." This time, totoo na to. He called me by the name.

Hindi na ko magiisip pa. Mahal nya talaga ako, so dapat ibalik ko yung magmamahal nya kahit onti lang.

"I love you too, Dylan."

Umiiyak parin sya... di ko alam kung pano ko sya papatahanin, so I give him a kiss that would calm him down.

***

-3 months later-

Bukas na yung anniversary namin. October 30. 10 years na. At bukas ko narin tatapusin ang lahat.

***

Kinabukasan...

"Babs? Babs??" Tawag ko. Nasa parang garden ako ngayon. Surprise siguro to.

See? Sa sobrang tagal ng pagsasama namin halos di na ko nae-excite. Wala ng sparks at thrill kumbaga. Kase halos lahat ng gagawin nya, nagawa nya na dati. Parang paulit ulit nalang. Nakakasawa nga kase.

Onti onting lumakas yung tugtog na nagpa-play. Ito yung theme song namin ni Dylan, 'You And I' by 1D.

At sumulpot yung mga friends namin.
Yung mga kapatid nya. At ang nakapagpaiyak sakin ay nung andun ang papa ko na nakaupo sa wheelchair nya.

Ako, nasa gitna. Shocked.

Biglang nagdilim ang paligid.

"Pa? Asan kayo?" Nag lakad lakad ako sa paligid kahit ang dilim dilim.

Biglang may humawak sa kamay ko na ikinagulat ko. Lights turned on at nawala yung mga tao kanina. Ang nakikita ko lang sa ngayon ay yung 'Happy 10th Anniversary!' At si Dylan na nakahawak sa kamay ko, kneeled down the floor.

"Hello, babs." And he flashed me a brillant smile.

Onti onting tumulo ang mga bawat luha na kumakawala sa mata ko.

"Babs..." bigkas ko habang umiiyak.

"Babs, Happy 10th Anniversary! Ang tagal na natin noh? Hahaha di ko talaga inaasahang tatagal tayo ng ganito. I love you. And I am willing to be yours forever. Alam kong corny pero bahala na." May lumapit samin at nagbigay ng tulips, my favorite flower. He continued, "It's our own story now. Own happy ending. Walang makapaghihiwalay satin."

Biglang tumugtog yung, 'I Wont Give Up' by Jason Mraz.

"Babs, will you be my wife, my mistress, my partner, and my forever?"

Tumagal bago mag sink in sakin yung mga sinabi nya. Masakit isipin na wala na talaga akong pagmamahal sa kanya. Ayoko syang saktan pero mas ayokong saktan ang sarili ko.

Selfish na kung selfish pero di kasi kayo yung nasa posisyon ko eh.

"B-b-babs... so-sorry."

"Bakit babs?"

"I just cant."

"You just cant to?" And his smile starts to fade away.

"I just cant marry you."

"Okay lang, Dayna. Kaya kong maghintay, kung kailan ka handa. Hihintayin kita. Kahit kail--"

"Nooo... I just cant marry you because I dont want to. I dont wanna be under you. I wanna be free."

"Are you breaking up with me?"

"Dylan, ayokong saktan ka pero we're not working out anymore. Nakakasawa na. I aint' contented anymore. Our 9 years are very wonderful. But these last few days, Im not happy anymore. Ayoko na. Im not the girl for you and the girl you've always wanted. Ikaw lang yung lalaking minahal ko ng ganito. At sana wag mo isipin na ginagawa ko to kasi may iba na ko, kasi ikaw lang talaga. Yung 9 years natin, ikaw lang talaga." He started crying... I made him cry, the most person that I love, before.

"Dylan, Babs, Dybear, Baby, I Loved You."

Im slipping away. And I admit it.

Hinawakan ko yung kamay nya na nakahawak sakin para tanggalin ito sa kamay ko.

Tinitigan ko sya, deep in the eye. And I kissed him on his nose, kase yun talaga yung favorite spot nya na kini-kiss ko.

Bawat segundo na lumilipas ay may kumakawalang luha sa mata nya.

"I loved you, very much. Makakalimutan mo rin ako, balang araw." I whispered, at tuluyan akong tumakbo palayo.

He closed his eyes tight. Siguro iniisip nya na panaginip lang itong lahat.

Pero wala na talaga. Goodbye.

--------------------------------------------

Author of this chapter : Fionna David
Wattpad: fionna_david
Ig: @FionnaDavid
Twitter: @FionnaDavid

Break Up: One ShotsWhere stories live. Discover now