Chapter 3.3: Kasamaan

52 0 0
                                    

Nakaupo si Samantha sa beach. Nakaupo siya malapit sa dalampasigan. Umiiyak siya at iniisip ang mga dahilan kung bakit siya iniiwan ng mga taong minamahal niya.

(SAMANTHA) “Bakit kaya ganun? Bakit kaya ako iniiwan ng mga taong mahal ko? Ano ba ang ginagawa kong mali?”

Biglang dumilim ang isang side ng beach at may lumabas na tao,

“SAMANTHA, hindi ka iniwan, niloko ka. Akala mo ikaw ang mahal niya pero ang mahal niya si Camille G. kailangan mong tanggapin yung fact na yun.”

(SAMANTHA) “Sino ka ba?”

“Ako si Matthew. Nandito ako para tumulong sa mga taong may problema sa pag ibig, lumalabas lng ako kapag talagang kailangan mo na.”

(SAMANTHA) “Bakit ang laki ng gilagid mo?”

(MATTHEW) “Mang iinsulto ka ba or hihingi ng tulong?”

(SAMANTHA) “Sorry na, bakit ba nangyari ito? Ano bang ginawa kong mali?”

(MATTHEW) “Naalala mo ba yung araw na nagkita kayo ni Ivan habang nag aaway kayo ni Erick? Anong ginawa mo?”

(SAMANTHA) “……..”

(MATTHEW) “Iniwan mo si Erick, iniwan mo na lng ng basta basta kasi magka away kayo. Pinagpalit mo siya sa taong kakakilala mo pa lng. Sa tingin mo tama ba yun?”

(SAMANTHA) “Hindi.”

(MATTHEW) “Ayan, oh tignan mo anong nangyari sayo? Ikaw naman ang iniwan. Si Erick masaya kay Camille. Si Ivan masaya na kay Camille G. ikaw? Nga nga!”

(SAMANTHA) “Magiging masaya pa ba ako?”

(MATTHEW) “Oo naman, mag aantay ka nga lang. Aalis na ako ah? Tapos na trabaho ko ditto ehh.”

Umalis na si Matthew at bumalik na si Samantha sa kwarto niya para matulog. Kinabukasan ay may balita si Senyora Wisco sa grupo nila Ivan.

(MICHELLE) “Mga iho at iha, may kailangan tayong gawin. Kailangan natin maghanda kasi darating uli si Chris. Ewan ko nanaman kung may dalang pasabog yung lokaret na yun. Basta ready na lng tayo ah?”

(GRUPO NILA IVAN) “Sige po.”

Pumunta kaagad ng kwarto si Camille G. para humiga. Nakasunod sa kanya si Ivan.

(IVAN) “Camille, bakit ang init mo?”

(CAMILLE G.) “Ano ka ba dati pa ako hot.”

(IVAN) “Hindi! May sakit ka ba?”

(CAMILLE G.) “Check mo nga. Andyan yung thermometer.”

Kinuha ni Ivan yung thermometer at chineck ang temperature ni Camille. Tinignan niya yung thermometer. 45 degrees ang body temperature ni Camille G.

(IVAN) “NAKO! May sakit ka. Dyan ka lang. Anong gusto mo? Anong kailangan mo? Sabihin mo lng. Aalagaan kita.

(CAMILLE G.) “Huwag na! Baka mahawa ka pa sa akin.”

(IVAN) “Okay lng na ako magkasakit. Ayaw ko kasing nakikita kang naghihirap ehh.”

(CAMILLE G.) “Emeged. Bigyan mo na lng ako ng tubig pati gamot”

(IVAN) “Sige.”

Pumunta si Ivan kay Senyora Wisco para humingi ng mga gamot.

(IVAN) “Senyora, may sakit si Camille G. san ba ako pwedeng makahingi ng gamot?”

(MICHELLE) “Iho, pumunta ka na lng sa pharmacy ng Paraiso. Katabi lng siya ng kusina.”

(IVAN) “Salamat po Senyora.”

Kumuha sa pharmacy si Ivan ng Tempra. Bumalik na si Ivan sa kwarto nila Camille.

(IVAN) “Eto na yung gamot mo. Iinom ka nito every four hours. Hindi kita iiwan. Aantayin kitang gumaling. Ako muna ang maalaga sayo.”

(CAMILLE G.) “Uyy, Ivan salamat ah?”

(IVAN) “Wala ito, ang importante gumaling ka. Magpahinga ka muna dyan. Kukuha lng ako ng pagkain natin. Anong gusto mo? Ipagluluto kita?”

(CAMILLE G.) “Uhmmm.. gusto ko ng lugaw.”

(IVAN) “Lugaw lng? Sige madali lng naman yan ihh.”

Nagpunta si Ivan sa kitchen para magluto ng lugaw. Nasa kitchen din si Erick nun… (AWKWARD!) hindi na lang nagpansinan ang dalawa, nagluto si Ivan ng lugaw at nagluto naman si Erick ng champorado. Medyo nagkakailangan ang dalawa. Nagmadali na lng si Erick sa champorado at umalis ng kitchen. Bumalik na rin si Ivan sa kwarto nila Camille G.

(IVAN) “Camille, eto na yung lugaw mo ohh. May gusto ka pa ba?”

(CAMILLE G.) “Gusto ko ng Pineapple juice. Pwede ikuha mo ako?”

(IVAN) “No problem. Wait lng.”

Pumunta ulit ng kitchen si Ivan para kumuha ng pineapple juice, nataon ay nandun naman si Samantha. Hindi sila nagpansinan. Kumuha lng ng pineapple juice si Ivan sa ref at umalis na. Pagkaalis ni Ivan ay biglang nagdrama si Samantha. Bigla na lng siya kumanta ng “PUSONG BATO”. Pagkabalik ni Ivan sa kwarto ay nakatulog na si Camille G.

(IVAN) “Nakatulog na kaagad toh? Ganun ba ako katagal?”

Hinalikan na lng sa noo ni Ivan si Camille G. at tinabihan para matulog. May kausap si Senyora Wisco sa kanyang opisina.

(MICHELLE) “Kailangan na ng “MAGLAHO” ng taong yan. Kailangan na siyang mapatay.”

“Madali lng naman sa akin pumatay pero mahal ang bayad sa akin.”

(MICHELLE) “Wala akong pakialam kung mahal ang importante mapatay na siya agad agad.”

“Kailan mo ba balak ipapatay sa akin yang tao na yan?”

(MICHELLE) “The sooner the better! Nabwibwisit na ako sa kanya ehh.”

“Paano mo ba gusto ipapatay yang tao na yan?”

(MICHELLE) “Dapat magmumukha siyang aksidente.. itapon mo ang bangkay niya malapit sa dalampasigan. Dapat magmukha siyang suicide.”

“Madali lng yan para sa akin. Pero syempre magmamahal ang presyo ko pag ganyan.”

(MICHELLE) “Magkano ba ang kailangan mo?”

“1,000,000 pesos. Papaya ka ba?”

(MICHELLE) “1M lng? Sige matatanggap mo ang pera kapag napatay mo na siya.”

Narinig ni Erick ang usapan nila Senyora Wisco. Nagmadali siyang tumakbo sa kwarto at tinabihan si Camille.

Paraiso de las bolas de naftalina de mangantiWhere stories live. Discover now