Chapter 3.2: The Fourth

50 0 0
                                    

Nung palapit na sila sa babae sa dalampasigan ay bigla itong naglaho. Napahinto sila Ivan nung nawala ng parang bula ang babae sa dalampasigan. Bumalik na lng sila sa Paraiso para magpahinga, pero nababagabag pa rin si Ivan.

(IVAN) “Camille, di pa rin ako maka get-over dun sa babae kanina ehh

(CAMILLE G.) “Ako din eh. Bakit kaya siya nawala bigla?”

(IVAN) “Ewan ko. Tulog na lng tayo. Bukas na lng natin yan problemahin.”

Natulog na sila. Kinabukasan, maaga nagising si Ivan kasi maghahanda siya para sa monthsary nila ni Camille G. nilagyan ni Ivan ang kwarto nila ni Camille ng rose petals tapos may trail ng roses para sundan ni Camille para puntahan. Sa bawat destination ay may nakalagay na note. Nagising na si Camille G. at nakita ang ginawa ni Ivan, sinundan niya ang trail of roses at nakapunta sa first marker, binasa ni Camille G. ang note.

“I will never forget the first day we met, kahit medyo epic. Nabangga kita nabuhusan kita ng 1 pitsel ng napakalamig na tubig, natapunan ka ng tomato sauce sa puti mong damit at natapakan ko pa ang iyong paa. Kung hindi siguro nangyari yun hindi ako magiging masaya, hindi makukumpleto ang buhay ko at syempre walang “TAYO” ngayon. Sundan mo na lng ulit ang trail para makapunta sa second marker.”

Sinundan ni Camille G. ang roses.

“First Monthsary natin. Dinala kita sa CamSur kasi naalala ko na gusto mag wakeboarding,  so habang nasa biyahe tayo ay nakatulog ka sa braso ko habang hawak ko ang kamay mo, kahit nangangawit na ako tiniis ko kasi nakatulog ka na sa braso ko. Nung nagswiswimming tayo ay kunwari nalulunod ako, nung lumangoy ka para maiahon mo ako ay bumulong ako sa tenga mo at sinabi ang mga salitang MAHAL KITA.”

Sinundan uli ni Camille G. ang roses.

“Second monthsary natin. Nagdinner tayo sa Italiannis, medyo epic din eto ehh, papasok tayo sa Italiannis pero nadulas ka. Buti na lng nasalo kita, at nung pagkasalo ko sayo ay napatitig ako sa mata mo. Doon ko nalaman na ikaw ay para sa akin, doon ko na laman na ikaw ang babae na para sa akin. Sayo ko lng nafeel yun, SPECIAL ka sa akin. Sundan mo na yung roses para makapunta sa fourth marker.”

Sinundan nanaman ni Camille G. ang roses.

“Third monthsary natin. Nagcelebrate tayo sa garden namin, kumain tayo sa garden namin ng mga pagkain ni gusto mo. I will never forget the time when we slow danced to the song “WHEN YOU LOOK ME IN THE EYES” by the Jonas Brothers. Iba kasi ang feeling kapag nakatitig ako sayo, Iba yung feeling kapag magkahawak ang ating mga kamay pero wala pa ring tatalo dun sa pagyakap mo sa akin at binulong mo sa tenga ko ang mga salita na MAHAL KITA AT HINDI KITA IIWAN. Sundan mo na yung trail para makapunta ka sa last marker mo.”

Kinakabahan ni sinundan ni Camille G. ang mga roses. Biglang tumugtog ang kanta na “BEAUTIFUL IN MY EYES” tapos bigla niyang narinig si Ivan.

“Paano ba yan? Fourth monthsary na natin? Nung nakilala kita, hindi ko aakalain na magiging imprtante ka sa akin, hindi ko inakala na magiging tayo, hindi ko inakala na mamahalin mo ako. I never thought that you will be the person I will love with my whole heart, who would have thought that a simple accident can lead to something very beautiful? Who would have thought that an accident can bring two people together?  I never expected you to enter my life, I am very thankful that you became of my life. You’ve been there in my ups and downs, you have given me joy. I only have three words for you and these words are “I LOVE YOU.” Happy monthsary Camille! To infinity and beyond!”

Pagkatapos sabihin ni Ivan ang letter niya kay Camille G. ay inabutan siya ni Ivan ng 4 na red roses. Niyakap ng mahigpit ni Camille G. si Ivan at sinabi

(CAMILLE G.) “MAHAL NA MAHAL KITA. IVAN SALAMAT! HINDI KO ALAM KUNG PAANO KITA PASASALAMATAN. SOBRA SOBRA NA ANG GINAGAWA MO, SALAMAT!”

(IVAN) “Akala mo ba tapos na?”

(CAMILLE G.) “Meron pa?!”

(IVAN) “Tara punta na tayo sa kwarto. Siguro na lagay nila yung regalo mo dun.”

Bumalik na sila sa kwarto, sa gitna ng kama nila ay may sandamakmak na box ng sapatos at bag ng damit.

(IVAN) “Happy monthsary Camille! Sana na appreciate mo yung gifts ko sayo.”

(CAMILLE G.) “Ivan sobra sobra na ito. Lubos lubos ang pasasalamat ko sayo.”

Niyakap ulit ni Camille G. si Ivan at hinalikan sa cheek.

(IVAN) “Tara lunch na tayo sa garden, may ihinanda ako dun.”

Pumunta na sila sa garden para kumain ng lunch. Pagkatapos nila kumain ay nagpunta sila sa swimming pool para magpalamig. Pagkatapos mag swimming ay nagpunta na sila ulit sa kwarto para magpahinga.

Paraiso de las bolas de naftalina de mangantiWhere stories live. Discover now