Chapter 1: Birthday ni Samantha

118 0 0
                                    

Kinabukasan, Magkikita si Erick at Samantha sa Manila Cathedral para magsimba then magpupunta sila sa Army navy para kumain. Pagkatapos nila magsimba at kumain nagpunta sila sa bahay ni Samatha.

“Uy, Bhie bakit ang dilim ng kwarto mo?”

“Basta!”

“Uy. Ano yang ginagawa mo? Uy! Wag ano ba!”

“Para kang tanga! Binubuksan ko lng yung TV at DVD para makapanuod tayo ng movie kung ano ano na pinagsasabi mo.”

“Ganun ba? Sorry.”

Nagluto si Samantha ng popcorn. Pagbalik niya ay narinig niyang sumigaw si Erick.

“AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!”

“Bhie? Bakit ka sumigaw?”

“MAY IPIS!”

“Punyeta naman.”

Pinatay ni Samantha ang ipis at nagtungo na sila sa panunuod ng movie. Nanunuod sila ng Love and Other Drugs. Pagkatapos nila panuorin ang Love and Other Drugs ay nanuod naman sila Friends with Benefits.

“Bhie, bakit puro ganito pinapanuod natin?”

“Wala lng. Eto lng kasi yung nakita ko sa kwarto nila mommy. Kaya ayun pinanuod natin.”

“Wala na bang iba? Bili kaya tayo sa SM. Nagsasawa na ako diyan ehh. Ilang beses ko na yan napanuod ehh.”

“O sige. Tara!”

Nagpunta sila sa SM Aura para bumili ng DVD.

“Bhie to oh. American Pie.”

“Ano ba! Ayaw ko na nga muna nang ganyan. Iba naman.”

“The Vow?”

“Ano? May Davao ba na palabas?”

“TANGA! T-H-E-V-O-W hindi D-A-V-A-O.”

“Ahh. Sorry naman. Sige yan na lang!”

Binayaran na nila ang DVD at umuwi na sa bahay para panuorin ang The Vow.  Hindi namalayan ni Erick na nakatulog na si Samantha. Binuhat niya si Samantha sa kama, kinumutan at hinalikan sa noo. Umuwi na si Erick. Nang magising si Samantha ay may nabasa siyang note. “Nakatulog ka na. Hinayaan na lng kita. See you tomorrow. Love you Bhie.” Napangiti na lng si Samantha at kumain ng dinner. Kinabukasan ay pumasok si Samantha sa NU. May nakita siyang lalake na may hawak na “SAMANTHA! BALIKAN MO NA AKO.”

“Shit! Ex ko ata yun. Si Edward!”

Biglang tumakbo si Samantha kasi alam niyang may masamang mangyayari. Tinaas ni Edward ang kili kili niya at BOOM! Lahat ng tao ay nag aagaw buhay na. lahat ng building unti unti ng gumuguho, yung iba sumasabog na. Tumataob lahat ng kotse na dumaan. Tumakbo ng mabilis si Edward para makausap si Samantha, lahat ng madaanan niya puno ay nalalanta, lahat ng pagkain napapanis, ganun kalala ang amoy ng kili kili ni Edward. Nang mahabol niya si Samantha. Si Samantha ay may suot ng gas mask.

“HI SAMANTHA!”

“Bakit anong gusto mo?”

“Papa-amoy ko lng kili kili ko sayo.”

Tumakbo ng mabilis si Samantha papalayo kay Edward. Nakabangga si Samantha ng isang tao. Pag lingon niya si Erick pala ito.

“Bhie! Tumakbo ka na bilis!”

Paraiso de las bolas de naftalina de mangantiWhere stories live. Discover now