Chapter 1- "Prom?! Problem?!"

28 0 0
                                    

Lumipas ang Dalawang napaka walang kwentang Oras...

"RECESS NA RIN !!" Sigaw ni Ken habang binuksan ng malakas ang pintuan.

"Huy, hinde ka na nahiya ikaw pa yung nauna" Sabi ni Matt kay Ken

"Syempre mana sayo eh" Sarcastic na sagot naman ni Ken

"Oh, asan na si Jake?" Tanong naman ni Matt

"Teka naman hintayin niyo ako. Nawawala ata wallet ko" Sabi ni Jake habang naglalakad papunta kila Matt.

"Bilisan na kasi !" Sigaw naman ni Ken

"Ken hati na lng tayo sa ulam" sabi naman ni Jake

"Anu ba yan nasa Semi-pangmayaman tayong school tapos maghahati tayo sa ulam?" sagot naman ni Ken.

"Hali ka na, ang dami niyo pang sinasabi eh!" Biglang sigaw ni Matt

Habang naglalakad ang tatlo papuntang canteen, si Matt ay napansing isang babae. Isang babaeng pumukaw ng buong atensyon nya.

"Huy Matt, mukha kang tanga dyan. Nakatulala ka nanaman?", pang-asar ni Jake.

"Par tignan mo yung babae na yun oh, ang ganda nya.... sobra.", sabi ni Matt habang nakatanga pa rin doon sa babaeng kausap ang mga kaibigan nya.

"Asan ba dyan, baka kilala ko.", tanong ni Ken.

"Ayun par oh, yung nasa gitna nung grupo nila", sabay turo ni Matt doon sa babae.

"Ah. Si Sharmaine yan. Kaklase ko yan nung Grade 6 kaso di naman kami masyadong close.", sagot ni Ken.

"TALAGA PAR?! BILIS PAKILALA MO NAMAN AKO SA KANYA!", excited na sigaw ni Matt

"Apat na taon na kami di naguusap ng maayos. Paano naman kita ipapakilala?!", sagot ni Ken.

"Basta pakilala mo ako!!" pilit na pagsabi ni Matt kay Ken

"Pakilala mo na kasi, nagugutom na ako eh!" Sigaw naman ni Jake

"Edi kumain ka na!" Sigaw ni Ken kay Jake

"Kasi nga maghahati tayo diba?!" Sigaw ulit ni Jake

"Pakilala mo muna ako !!" pinipilit pa rin ni Matt si Ken

Nagsigawan muna sila sa gitna ng canteen at lumipas ang ilang minuto di na nakapag pigil si Ken

"Ay naman oh ! Oo na oo na !!" Inis na sagot ni Ken

"Oh tara na Ken!", sabi ni Matt sabay hila kay Ken papunta kay Sharmaine.

"Oo t*ngina nyo talaga, yan pa inuna nyo eh gutom na gutom na ko.", inis na sinabi ni Jake at walang nagawa kung hindi sumunod na lang sa kanilang dalawa.

Nilapitan na ni Ken si Sharmaine na naghihintay naman sa mga kaibigan nyang bumibili ng pagkain habang si Matt ay nakalayo sa likod ng mga 20 feet.

"S-Sharmaine! Long time no talk! Pwede ka ba makausap? (t*ngina mukha akong tanga)", kabadong sinabi ni Ken.

"Ah. Ken? Oh musta na? Ano gusto mo pag-usapan?", kalmang sagot ni Sharmaine.

"May gusto lang naman ako ipakilala sa'yo.", pagsagot ni Ken.

"Barkadahan"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon