"Sige na couz' ako na bibili ng drinks natin. Mauna na kayo ni Angeline sa bahay." sabi ni Edward sa pinsan nyang si Elly. "Ah sige tol, sabay mo na ng chips ah, iseset ko na yung DVD para manonood nalang tayo mamaya." sagot naman ni Elly.
Dadali daling bumili si Edward sa isang convinient store ng mga inumin at makakain, sabay takbo sa apartment nilang magpinsan sa may Ayala. Dun na sila nadestino dahil na rin sa parehas naman silang nagtatrabaho sa isang kompanya sa may Makati avenue. At doon narin nakilala ni Elly ang girlfriend nyang si Angeline.
Habang tumatakbo si Edward paakyat ng apartment nila ay may na sagi syang isang maliit na bote sa hagdan at may nakalagay na sulat sa loob. Bigla syang may naalala, pero agad nya rin itong binalewala dahil excited na sya sa bagong palabas ni Cara sa hollywood.
"Oyy oyy oyy! Baka sinimulan nyo na ah?! Magtatampo talaga ko sa inyo!" sigaw ni edward kay elly. "Hindi pa tol, ikaw nalang hinihintay ni Cara. Hahahaha."
Habang nanonood, naalala ni Edward yung bote sa may hagdan sa tapat ng apartment nila.
"Tol wait lang pause nyo muna may kukunin lang ako."
"Ano yun?" sagot naman ni Elly.
"Basta wait lang." pahabol ni Edward.
Kinuha nya ang bote at pinasok sa loob ng apartment sabay umupo sa tabi ng pinsan nya. Pinag masdan nya yung bote na kulay red yung labas at hindi kita yung loob at nagulat sya nung binuksan nya ito. Isang sulat ang nakalagay dito at agad nyang binasa.
Merry Christmas Edward. Have a great holidays.
Ps: missing you so much
from: Anonymous"Hala tol! Kilala ako nung bote!" laking gulat nya sa nabasa.
"Huh? Anong sinasabi mo? Patingin nga."
Nabigla rin si Elly nung mabasa nya yung sulat sa loob ng bote. Halos tatlong minuto rin silang tulala sabay banat ng kung ano anong jokes.
"Baka naman na wrong send lang yan tol. Kung kani kanino mo kasi binibigay number mo ee. Hahaha!" banat ni elly
"Baliw! Pwede bang ma wrong send yan? Android na kaya mga phone ngayon. Hahaha" dagdag naman ni Edward.
"Tumigil na nga kayo dyan, baka may nangtitrip lang sayo Dward, hayaan nyo nalang diko na marinig yung pinapanood ko ee!" iritableng sabi ni Angeline.
(After ng isang oras)
Kring!
Kring!
Kring!
(Sinagot ang phone na nagriring)Dward: Hello?
Marie : Hello Dward? Ang tita
Marie mo ito.
Dward: Oh tita, kayo po pala. Kamusta po? Bakit po kayo napatawag?
Marie: Ayy pinapatanong lang ng lola Karing nyo kung uuwi kayo dito sa Sta.Rosa for christmas?
Dward: Ayy opo tita, actually kinakausap na nga po namin ni elly yung kumpanya para sa 3weeks leave namin kung papayag. Pero tuloy po kami tita.
Marie: Ah osige sabihin ko nalang sa lola nyo na luluwas kayo. Bye na Dward, kamusta mo nalang ako dyan sa pinsan mo, ingat kayo lagi.
Dward: Ah sige po tita, kayo rin ingat po kayo dyan. Bye.(Binaba ang phone)
"Sino yun? Si tita ba yun?" tanong ni elly. "Oo tol, pinatanong kung uuwi daw ba tayo ng Sta.Rosa, sabi ko oo." sagot naman ni Edward.
"Uyy sama ako dyan ah!". "Oo naman babe, ipapakilala narin kita kila lola at tita, tsaka para makita mo narin kung san kami lumaki nito ni Dward. Ang dami naming memories dun diba Dward?" sabi ni Elly.
"Ay oo nga tol, naalala mo yung umakyat ka sa puno ng nyog tas sabay napunit yung pwetan ng shorts mo? Hahahaha!" kantsaw ni Edward. Tawanan silang tatlo at parang napikon na si Elly kaya nilabas nya ang kanyang secret weapon.
"Ee si Jady naalala mo pa Dward?" bawi ni elly. Sabay tahimik si Edward na parang walang narinig at nanood nalang ng T.V. Tawa ng tawa si Elly dahil nanahimik si Dward. Walang tigil at si Dward naman ay tahimik parin na parang walang nangyari.
"Oh bakit ang tahimik mo na? Anong meron? Sino ba si Jady?" tanong ni Angeline kay Dward.
"Basta. Haha" sagot ni Dward na may pekeng ngiti.
"Ayun yung firstlove nyan ni Dward dati sa probinsya, mga 13 years old lang sya nun. Di pa nga dya tule nun ee hahaha. Ayun daw yung forever nya." mapangasar na sinabi Elly.
"Hahahayup ka talaga tol! Sige na dyan na nga kayo, matutulog nako, maaga pa tayo bukas Elly. Baka wala na tayong masakyang bus." paalam ni Dward.
"Sige tol goodnight, mag lalaro lang kami ni Babe. Hahahaha" sabi ni Elly. "Goodnight Dward, wag ka maniwala dito ah." pahabol naman ni Angeline.

YOU ARE READING
I Was Looking For You
RomanceThis is a story of a promise. A childhood promise. A promise of true love. A promise of a lifetime. A promise of forever A promise of two people sharing mutual feelings. But the girl is missing! No communication. No referrences. No clue. Will he and...