Chapter 1: New World

4 1 0
                                    

Chapter 1: New World

Macey

June 18, 2014.

3rd year high school. For me was the most heart-removing year. Bagong lipat lang kami sa Oak City at bagong lipat ako ng school. New school, new friends ang peg.

Pero syempre as years go by, pataas ng pataas ang year level ay nahihirapan kang mag-approach sa isang kaklase, I've got that feeling, mahiyain ako.

But then I need to face it. Dapat nga ay di na ako kabahan dahil alam ko na ang scenario: bullies, bitches, payabangan, at iba pa. You cant blame me kung wala ang squads diyan, walang tumuring sakin as a friend last 7 years. Tampulan ako ng bully.

"Ay!" nagulat ako nang bigla kong mabangga ang isang babaeng may hawak na juice. Natapon ang ilang laman nito sa kanya. Shit naman oh, bakit ngayon pa?!

"Ayan, tatanga-tanga kasi!!" sigaw nung isang babaeng katabi niya. Tawa naman ng tawa ang isa pa nilang kasama.

Nanginginig ako sa kaba kaya pinilit kong yumuko. "S-sorry! I didn't mean to-"

"Oh don't worry, my bad." sagot niya at binigyan ako ng isang matamis na ngiti.

"Talagang kasalanan mo, magtetext ka sa gitna pa ng hallway." sabi nung nasa kanan niya.

"Charmaine Lacson." pagpapakilala ng babaeng natapunan ko ng juice sabay lahad ng kamay niya sakin. Nag-aalinlangan ko itong inabot.

How weird. Diba dapat magagalit sakin yung girl tapos ibubuhos niya sakin ang natirang juice tsaka pagtatawanan ng mga alipores niya.

Tapos ipagtatanggol ni prince charming ^o^

But then ok na to, kesa naman mapahiya pako.

"Hey, do you have a crush on me?" biglang saad ni Charmaine.

Nakunot ang noo ko sa narinig. "Huh? B-bakit naman?"

Narinig ko siyang tumawa. "Pwede mo na kasing bitawan ang kamay ko. Pero since malakas ang charms ko, pati babae nagagayuma ko! HAHAHAHA!!" para akong namula kaya binitawan ko na ang kamay niya.

Nagsimula na kaming maglakad sa hallway, sumama nalang ako sa kanila, baka may parusa ako kay Charmaine, lagut aku nituu!!

"Ako nga pala si Dianne Clifford." sabi nung babaeng nakahithit ng pwet. Oops, sorry for the word. *x*

"And I'm George Faustine Martinez." ngumiti lang ako sa kanila.

"But wait, Charmaine, how about your blouse?" sabi ko sabay turo sa uniform niya na pinupunasan niya ng panyo.

"Don't worry, buti nga may dala akong extra uniform, kung hindi magmumukhang panda ka."

Ganun ba kaready to si Charmaine? But wait, a panda?

"Panda? Paano ako magiging panda?" tanong ko.

"Do you really want an actual demonstration?" tanong niya pabalik. What does she mean? Curiosity really kills me, kaya tumango ako. Narinig kong nagtawanan rin ang dalawa.

Nakita kong nagpatunog ng buto sa mga daliri si Charmaine. Ikinuyom niya ang kamao niya.

Oh fck, I get it!!

"No no no no no no no no!! Please dont do that!" bulalas ko kaya tumawa silang tatlo ng malakas dahilan para magkatinginan ang mga ibang estudyante.

Seriously? Babae ba tong mga to? Ubod ng laki ang bunganga, parang kasya ang mga paso ng halaman dito.

"By the way, why are you following us? Baka iba ang section mo ah?" tanong ni George.

"Uhh, baka kasi may ipagawa kayo sakin?" nakunot ang noo ng tatlo, at sabay-sabay pa ah?

"For what?" tanong pabalik ni Dianne.

Napabuntong hininga ako. "Because of what I've done. Di niyo ba napapansin? Unang araw pero kamalasan agad nabigay ko kay Charmaine?" tumawa ako. "And tulad sa stories, dapat pinaparusahan ng mga girls ang kaaway nila-"

"You are not our enemy." sabi ni Dianne at hinawakan ang kamay ko. "Mabait kami, as long as mabait ka rin samin. And I see it in your face, mabait ka. Kaya kaibigan na agad ang turing namin sayo."

Aww grabe kaiyak! Haha...

"Oh ano? Friends?" sabi ni Charmaine sabay lahad ulit ng kamay niya para makipagshakehands.

Natutuwa ako kasi kalilipat ko lang dito sa Oakland High ay nakahanap na ako ng kaibigan.

"Friends." sabi ko at nakipagshakehands na kay Charmaine, George, at Dianne.

End of Chapter 1.

I found this lame. I think. Hahahaha.. Dont worry, sisikapin kong gugustuhin niyo ng UD nito. MWAHAHAHA *evil laugh kahit walang ngipin* *joke lang.*

Please vote. Comment narin ng reactions :)

At also, kung sa tingin niyo ay napakarami kong errors sa story na ito (which is di ko mapansin kasi nga sarili kong inisip ang flow nito), feel free to send a message, I accept critcisms, di lait. Masakit sa aorta.

What is aorta?

Ah basta heart. Hahahaha

Oh sige nasasapian na ako ni Macey. Yun lang salamat :)

The Phantom Of PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon