Chapter 5: Gathering

0 0 0
                                    

Chapter 5: Gathering

Third Person

"Papuntahin natin si Macey rito. I'm still scared." nanginginig na saad ni Charmaine. Agad naman siyang tiningnan ng dalawa nang masama.

"And what? Para madamay rin siya rito? Look, this is a hell of a prank na di nakakatuwa." saad ni Dianne.

Naghanda na ang dalawa ng kanilang gamit dahil uuwi na sila. Natatakot man, pumayag rin naman si George dahil baka mapagalitan na ng mga magulang nila ang kaibigan.

*****

Nang makaalis na ang dalawang dalaga ay nanood lang si George ng tv. Nagtataka siya at naka-video mode ang tv at bukas ang dvd player nito. Habang nagloloading ang kung ano mang nasa loob ng dvd player ay nagsimulang taasan ng balahibo si George.

Biglang nag-auto resume ang sinabing palabas. Nandoon na ito sa parteng tinotorture na ng mga cannibal ang babae. Nanginginig na sa takot ang dalaga kaya dali-dali siyang tumayo at pinatay ang tv at dvd player. Binuksan niya ang disc player at tinanggal ang laman nito-isang palabas na Green Inferno.

Bago man siya umalis sa sala ay may nahagip sa paningin niya-isang sulat. Dali-dali niya itong pinulot sa table at binasa.

'I just wanna remind you,
Not a prank, not a joke.
Once you have said these to all,
They shalt be killed.

Want this to end? Go upstairs. To your room.'

Tumayo ang balahibo ni George sa nabasa. Natatakot man ay gusto niyang umakyat para matapos na ang kung ano mang tumatakot sa kanya.

Mabagal siyang naglakad paakyat. Mayroon siyang dalang kutsilyo in case na may sumugod sa kanya.

Pagkatapak niya sa pasilyo ay naglakad siya ng mabagal hanggang makarating sa pinto ng kanyang kuwarto. Bumuntong-hininga muna siya bago tuluyang buksan ng marahas ang pinto ngunit wala siyang naabutan roon, maliban sa isang sobreng kulay lila na nakadikit sa bintana niya.

Mabagal muli siyang naglakad at kinuha ang sobre. Nakunot na ang noo niya sa nabasa.

*****

Macey

Monday.

Ito ang araw na kung saan discussion ang nagaganap samin, hanggang 5 pm payan. Kahit na masarap ng batuhin ang teacher namin ay di ko magawa-ang cute niya kasi, he's hot and talagang pagpapawisan ka sa kapogian niya. Hihihi

As usual, apat kaming nasa kotse. Nakakapanibago dahil ang tahimik ng tatlo. Kanina pa yang umaga. Nai-stapler ba yung mga dila nila.

"G-guys," mahinang sambit ni George na nagmamaneho ng kotse. "This coming sembreak, let's go for a vacation, pumunta tayo sa resort or beach."

Natawa si Dianne sa narinig. "Nagyayaya ka ng ka-enjoy-enjoy na event tapos yung mukha mo parang nilaspag." Natawa kaming tatlo. The fuck, para namang may patay sa loob ng kotse nato, yung tawa nila, di na kagaya noon.

Baka nagmamarijuana tong mga to? Baka nagdedepressants din!

"Name your place. Treat ko na." mahina ngunit nakangiting sambit ni George. Pwede bang sa Maldives? Eh kung sa Bali Indonesia?

"Dun tayo sa malapit na resort sa school! Diba maganda roon? Last swimming pa natin nung mga bata pa tayo eh." sabi ni Charmaine. Okay, out of place nako nito for sure.

"Drop that. May di akong magandang karanasan diyan." sabi ni Dianne.

Srsly? Maganda pala talaga yung resort na sinabi nung classmate ko 7 years ago. Pero ano tong tinutukoy ni Dianne na di magandang karanasan? Tinulak ba siya sa pool? Nabosohan? Nakitaan ng panty? Omoo!! Baka narape.

"Sige na please sama ka naaaaa" pagmamakaawa namin kay Dianne. Come to think of it, kanina mga bangag tong tatlo tapos heto mga parang adik na nagtatawanan.

"Oo na oona!" sabi ni Dianne. Ngumiti lang si George habang nagdadrive. Nasa harap siya ngayon ng kotse.

*****

Third Person

Nagpunta ang salarin sa resort na sinabi ni George sa kanya kinagabihan. Nagpareserve ito sa araw na gusto nila.

"Sigurado po ba kayo sir? Malayo pa naman ang october-" di na natapos ng babae ang sinabi ng magsalita ng malamig ang taong yun.

"Ireserve mo na kung ayaw mong gilitan kita ng leeg." sambit nito. Nagsimula ng kabahan ang babaeng nasa lobby ng resort ngunit ipinagsawalang bahala niya ito.

"Halik lang sa leeg o sir, ayos na!" giit ng isang ginang na nasa tabi nung babae.

Matapos magpareserve ay umuwi na sa kaniyang bahay ang salarin. Nagopen ito ng facebook account niya at nagtingin ng wall.

End of Chapter 5.

Sorry kung short update. Ito lang nakayanan for the hour. By the way, may nilagay na akong clues diyan kaya feel free to deduct your suspects, walang mali sa mga hula niyo :)

Yung lang thanks for reading! :))

Also, bakit pala 'Gathering' ang title ng chapter? Malalaman niyo next chapter and since di ko yun maisingit, sa next chapter ko nalang siya idadagdag. Yun lang ulettttt.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 05, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Phantom Of PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon