[35] They Meet Again

3K 134 11
                                    

Jungkook's POV

It's been 4 years since umalis sina Mommy Jeon. And guess where am I? Nasa isang hotel dito sa San Francisco. Nandito ako sa States, dahil hahanapin ko dito sina Mommy Jeon. I wonder kung kumusta na si Mommy Jeon? Ang mga anak namin? Fudge.

Wala akong ginagawa ngayon kundi iniisip kung ano ang lagay nina Mommy Jeon ngayon. Hindi ako mapakali. Paano kung wala silang kinakain ngayon? The fuck. Kung hindi lang sana sa lecheng arrange marriage na yun, kasama ko pa sana ngayon si Mommy Jeon with our kids.

"Mommy Jeon, please bumalik ka na." Sabi ko sa hangin.

Kinuha ko yung cellphone ko, at dun tiningnan ko ang gallery ko na punong-puno ng selcas namin ni Mommy Jeon, even her solo pics, pati yung mga videos namin. Nagsearch ako dun sa internet for her solo pics, at kahit na pre-debut she is so gorgeous at syempre, sinave ko.

Kahit na passcode ko, ginawa kong edad namin nung una naming pagkikita. Me as a 18-year old guy and her as a 16-year old girl. So pagi-combine mo, it's 1816.

Even my wallpaper, it's her. Lock screen o mapa-home screen. Ganyan ko siya ka-miss at kamahal. Nung oras na yun, wala akong magawa dahil wala namang point kahit na sabihin ko buntis si Mommy Jeon ng time na yun. My dad is freaking a heartless man.

*kring kring kring*

Tiningnan ko kung sino yung caller, at si Jimin hyung lang pala.

"Hello, hyung?"

[Hi maknae, kumusta diyan sa America? Nahanap mo na ba sila?]

"Okay lang ako dito, hyung. At hindi pa. Hindi ko pa sila nahanap. Sisimulan ko na ngayon, dahil the earlier the better." Kahit sa loob ko, gusto ko ng mamatay. Ilang taon akong naghanap sa kanila, pero wala talaga.

[Alam mo, saludong-saludo ako sayo, maknae. Haist, sana nga mahanap mo na sila. Ayaw naming nakikita ang maknae ng BTS na mukhang ewan. Sige, I'll hang up. May gagawin pa kami ng Bangtan, eh. Tell me updates, arraseo? Sige, bye maknae.]

"Bye rin, hyung. Pakikumusta na lang."

Binaba ko na yung tawag, at bumalik ulit sa pagtitingin ng mga pictures ko kay Mommy Jeon. Hays, kailan ko ba kayo mahahanap, Mommy Jeon? I'm damn dying here without you.

*****

Tzuyu's POV

Kanina pa laro ng laro sina Tiffany at Jeffrey dito sa park, and they seemed to be enjoying. Kaya nga tinagalan pa namin dito, eh. Kasalukuyan silang kumakain ng ice cream, samantalang ako dito sinusulyapan lang sila.

"Mommy, you want?" Sabay abot sa akin ni Jeff ng ice cream niya, pero tumanggi lang ako.

"No thanks. I'm okay, kids."

Habang sila ay kumakain ng ice cream, hindi ko maiwasang maisip kung ano na ang kalagayan ni Jungkook ngayon. Oo, kahit may galit ako sa kanya, I still care for that loco. Alam kong panay hanap siya sa akin, but look, nandito ako pinabayaan siyang hanapin kaming tatlo.

Kinuha ko yung cellphone ko, at in-open yung gallery. Dun nakalagay lahat ng mga selcas at pics niya na ako mismo ang kumuha. Akala niyo dinelete ko lahat ng pics namin at videos? Nope, I saved it. Kaya nga hindi ko masyadong pinapagamit kina Tiff ang cellphone (Samsung) kong ito, dahil nandito lahat ng pics at videos namin ni Jungkook.

I know, mali na itago sa mismong mga anak niya ang kanyang pagkatao. Ni hindi ko nga pinapakita sa kanila yung kahit pre-debut pic ni Jungkook, dahil alam kong marerecognize siya ni Jeff. Fanboy kasi ng BTS yun, at ang pinakamasaklap bias niya tatay niya. Ang ganda, diba?

Baby Jeon ¦ COMPLETEDWhere stories live. Discover now