Chapter 14: Soon

3.7K 94 4
                                    

Dumaan ang isang araw na hindi kami nagusap ni Kathy. Sabado ngayon. Kahapon dapat ang club namin kaso naiusog daw ang schedule. Next Friday na lang daw dahil sa sobrang daming estudyante ang nagpaiba ng clubs. Gusto na daw kasi nila sa Music Club kasi si sir Alex ang adviser nila don.

Ang sabi sakin ni Kathy, si Sir Alex daw ang Dance. E pano sya napunta sa Music? Siguro mas magaling sya sa kanta kanta. Hindi rin pumasok si Sir Cam kahapon. Ano bang problema nun at hindi na sya pumapasok?

Hindi ko na din masyado naiisip ang picture ni sir Cam at nung girl. Hindi naman din kami sure kung sya ba talaga yun. Ang iniisip ko na lang ay yung pagbabati namin ni Kathy. Pano ko maaayos ang friendship namin? Haays.

Naalala ko lang kahapon kasi narinig kong nag-uusap si Sir Alex at yung head.

"Nasan na si Cam? Bakit hindi sya pumapasok?"

"Hindi ko din alam, Ma. Kapag naman dinadaanan ko sya sa bahay nila, lagi kaming hindi nag-aabot."

"Umiyak si Alice nung isang araw. Kailangan na nating kausapin si Cam"

"Yes, Ma!"

Yan lang ang narinig ko sa kanila. Ma? Does that mean mommy ni sir Alex ang head namin? Amazing. Pero who the hell is Alice? Alice in Wonderland? Ay ewan. Paki ko ba sa kanila noh.

Gusto kong mag-isip isip kung pano kami magkakabati ni Kathy dahil ito ang first away namin. Simula pagkabata namin, tampuhan lang ang nagaganap pero ngayon, away na. Kaya mahirap na to.

Pumunta ako sa isang cafe para kumain at mag-isip. Frap at donut lang naman, sapat na.

Habang nasa pila, nililibot ko ang paningin ko. May namukhaan akong lalaki na nakatalikod. Nakilala ko sya sa buhok nya. Siguro si Bryan yun. Teka, maya-maya pupuntahan ko sya. Pero ang weird lang ha, bakit wala syang kasama? Napakarami kaya nyang friends.

Nang matapos ako mag-order, kinuha ko na ang pagkain ko at pupunta na sa kanya. Malapit na ko sa gilid nya when he turned his head right.
Nasa left ako eh -_-

Kinalabit ko sya at tinawag ang name nya. Hindi ko pa nakikita ang mukha nya pero inilapag ko na ang pagkain ko. Nagulat na lang ako nang makita ko ang mukha nya. Si Cameron pala to. Bakit parehong pareho sila ng buhok ni Bryan? Black hair to ah. Bakit ngayon dark brown na?

"Uh-uh. I- I'm sorry. I- thought y-youre Bryan." Madaliang pag-apologize ko. Nakatingin lang sya sakin pero hindi sya nagsasalita. When I was about to leave and get another table, he called me.

"Come and sit with me. Besides, the two of us are alone. We have no one else to talk to."

Kinabahan ako pero sumunod naman ako. Nakaupo kaming dalawa habang kumakain at nilalamon na ng silence ang tenga ko. Nakatingin sya sakin habang umiinom ng kape kaya mas awkward. Nang tumingin ako sa kanya, he giggled a bit.

Anong nakakatawa sa pagmumukha ko ha!?

Aba! At nilayasan ako ng mokong. Pumunta sya sa counter at humingi ng tissue. Pagkabalik nya ay binigyan nya ko ng tissue habang nakangiti.

"What's this?"

"A tissue."

Kumunot ako ng noo at tumawa sya. Kinuha nya ang tissue sa kamay ko at pinunas sa bibig ko. Ki- KINILIG AKO! Ano to?! Yung puso ko tumatalon. Dumadagungdong na sa buong katawan ko!

I'm In Love With Mr.Professor Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon