"There will be a sports tournament between schools. And our staff just took a meeting and we all agreed to join the tournament. To all varsity players and those who knows how to play games make sure to participate on this activity. Any questions?"
"Ma'am, what are the games to be played for this tournament?"
"Basketball, Volleyball, Swimming, Tennis, Cheer leading and we are not yet sure if there will be a Taekwondo."
School Tournament? Hmm. Interesting! Mukhang gusto ko sumali dito ah. Volleyball? Dyan lang ako magaling eh. Tennis, Swimming? Marunong lang ako dyan. Di naman kasi ako masyado sporty katulad ni Kathy na pati Basketball ay tinatarget.
Wait, sino ang magiging couch ng Basketball team kung wala na si Mr.Yu?
Mukhang magiging busy na ang school dahil magpapractice na ang mga players. Mukhang magfofocus nanaman ang students sa game at hindi sa academics. Tsk!
Kinalabit ako ni Kathy at tinanong kung sasali ba ako.
"Di pa nga ako sure eh. Di naman kasi ako sporty."
"Parang ayoko sumali." Si Katherine Monique Nieto hindi sasali?! Hindi naman ata tama to. Napakagaling nya sa sports tapos hindi sya sasali? Sa swimming pa lang at volleyball ang galing galing na nya eh. Tennis pa kaya.
"Sumali ka! Ang galing mo kaya sa sports! Kahit isang sport lang. Bakit ba ayaw mo?"
"Concern lang masyado? Sabi ko 'parang' hindi 'ayoko talaga' over naman makareact." Inirapan ko sya at tinanong ulit kung bakit ayaw nya.
"Ewan ko. Parang tinatamad ako eh. Ikaw ba?"
"Kapag sasali ka, pag-iisipan kong sumali."
"Sige na nga. Sali tayo. Pero anong sports?"
"Sa volleyball lang ako magaling eh. But I'll try joining Tennis."
"Volleyball na lang din ako."
"Mag-tennis ka! Ang galing mo kaya dun!"
"Nahiya ka pa, sabihin mo na lang na magaling ako sa lahat."
"Shut up, Kathy! We'll talk about this later."
Dapat kong mapasali si Kathy sa Volleyball, Tennis at Swimming. Pero mukhang nakakapagod naman yun? Volleyball na lang tsaka Tennis para may kasama ako. Ayoko namang magisa lang lalo na kung magagaling ang kasama ko.
Sino kaya ang magiging couch ng volleyball team? Pati na rin sa basketball kasi wala na si Mr.Yu.
Dumating na ang isa naming prof at bago daw sya magstart ng lesson ay may iaannouce lang sya.
BINABASA MO ANG
I'm In Love With Mr.Professor
Teen FictionNaniniwala tayong hindi dapat para sa isa't isa ang isang student at teacher. But what if, magkaron ka ng gwapong professor and you started to like him. Tapos nauwi na lang sa LOVE? PANO NA YAN?! [Complete]