Chapter 10: Persia Segurista

49 2 1
                                    

Elcid's POV

"So, how was the first date?" Nakangiting tanong ko kay Aeneid pagkauwi niya.

Yes, nauna kaming umuwi nila Ching at Bacchus together with that girl, Divine, kaysa sa kanya. Nagulat pa nga kaming wala na sila pareho sa pwesto nila nang lumabas kami. But now, he looks so annoyed when he came bago umupo sa couch at mahiga.

Hindi siya sumagot kaya lumapit ako sa kanya. Tinanggal ko ang paa niya sa couch at doon ako umupo. Lalo namang umasim ang mukha niya. "Oh, bakit? Mukhang hindi maganda ang unang date, ah!"

"Pwede ba, Cid?" Angil niya. Tinadyakan niya pa ako para paalisin sa couch.

"Whoah! Parang kanina lang, okay ka pang kasama si Persia, ah. Ba't biglang nagmood swing? Something happened ba?" Nang-aasar na tanong ko. Yeah, I love teasing this guy. Pikon kasi. Pero hindi ako bakla, ah! I just love it whenever he looks so irritated. Yung kulang nalang eh sapakin niya na ako.

Tinignan niya lang ako nang masama bago umayos nang upo.

"What?" Pangungulit ko.

"Maaga siyang umuwi," simpleng sagot niya na ikinakunot ng noo ko.

"Bakit?"

"I don't know," he shrugged his shoulder.

"Baka naman pa-hard to get? Ganyan naman ang mga babae eh. Kunwari ayaw pero gusto naman," biglang sumulpot si Ching sa harapan namin. May dala siyang hot chocolate at bread para sa midnight snack. Tss! This kid, ang takaw pero hindi tumataba.

"Maybe," sagot ni Aeneid. "But for now, I need to rest. At kayo, matulog na kayo. We have a meeting tomorrow morning with the CEO!" Utos niya sa aming lahat bago siya pumasok sa kwarto niya.

"What?! Bakit kay CEO? May kaso ba tayo?" Gulat na tanong ni Ching.

"Yes," I answered. "We're going to talk about that single album na pinangunahan nating i-promote kanina sa Alva Zen. Pati yung fan gathering na ginawa natin doon," I added. Tumayo na ako mula sa sahig at pumunta sa fridge para uminom.

"HA?! Hindi pa ba tayo binigyan ng permission para i-promote 'yon?!" Gulat na tanong ni Ching.

I shook my head as an answer.

"The hell!" Sigaw niya bago tumayo mula sa kinauupuan at sinugod ang kwarto ni Aeneid. "AENEID!! WHY DID YOU LIE TO ME?! HUH? SABI MO OKAY LANG NA I-PROMOTE NA YUNG ALBUM! BUT THE HELL NO!! MAYAYARI NA NAMAN TAYO KAY CEO TAPOS ANO? YARI NA NAMAN AKO KAY SEM KASI HINDI KITA PINIGILAN!"

"Shut the fuck up, Ching!" Sigaw ni Aeneid. Pero ayaw paawat ng bata. Lumapit na ako sa pinto ng kwarto.

"How can I shut my mouth?! You-" hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya, bigla ko nalang siyang hinila palabas ng kwarto ni Aeneid. "Hey, Cid! Bakit?!"

"Matulog ka na," utos ko.

"But-"

"Sabi ko, matulog ka na! Can't you see? It's late night now! Bukas mo nalang gerahin si Aeneid kung gusto mo," sabi ko.

Natahimik naman siya at tinitigan ako.

"What?" I asked.

"Napansin ko lang, bakit ngayon lang siya umuwi kung maaga siyang iniwan ni Persia sa resto?" Salubong ang kilay na tanong niya. Kinagatan niya pa ang tinapay na hawak.

Nagkibit-balikat nalang ako bilang sagot. "Baka may hidden agenda na siyang ginagawa," sabi ko bago tumalikod.

"And what would that be?" Pahabol na tanong ni Ching bago pa man ako makapasok sa kwarto ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 05, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

When You Broke A Fangirl's HeartWhere stories live. Discover now