Chapter 2: Spotted

43 1 0
                                    

Persia's POV

Lumipas ang ilang linggo, mas lalo pa kaming nagkakilala ni Divine. Marami na kaming napagkwentuhan tungkol sa buhay ng isa't isa. At dahil doon, nalaman naming marami kaming similarities like love about arts, music, sports, etc. But I am not like her na talagang naglalaro ng sports, ako kasi hanggang pagchi-cheer lang. Hihi!

"I remember the day you told me you were leaving
I remember the make up running down your face
And the dreams you left behind you didn't need them
Like every single wish we ever made
I wish that I could wake up with amnesia
And forget about this stupid little things
Like the—"

"Hoy, Vargas! Huwag ka ngang kumanta! Ang sakit sa tenga!" Naputol ako sa pagkanta habang nakaupo dahil sa paninita ng kaklase kong lalaki, si Linus.

"Ay grabe siya, oh!" Sabi ko habang nakatingin dito. "Akala mo naman kagandahan 'yang basag mong boses!"

"Sows! Ang sabihin mo, inlab ka lang sa husky voice ko," sagot niya at nakipagtitigan pa siya sa akin.

Naningkit ang mata ko. "Hindi ka rin makapal, eh 'no?"

"Nope. I'm just telling the truth," confident na sagot ni Linus. Sumilay pa ang ngiti sa kanyang labi. "And if I know, first day palang ng school year, sa akin ka na nakatingin."

"Wow! Ang kapal talaga! Saan mo ba nakukuha 'yang taas ng self-esteem mo? Pahingi nga."

Tinawanan lang ako ng loko kaya lalong naningkit ang mata ko.

"Gusto mo ng combo hit?"

"Combo ng pagmamahal? Go! Buong puso kong tatanggapin."

"Aish!" Nahampas ko ang desk. Bwisit! Ilang linggo palang pero napakayabang na ng taong 'to.

"Hahahaha!"

"Manahimik ka, Agenor! Baka hindi ka santuhin nitong kamao ko!" Ipinakita ko pa ang maliit kong kamao. Ngunit kagaya kanina, tinawanan lang niya ako kaya naman sa sobrang inis ko, nilapitan ko na siya para higitin pero..

"Aray!"

O______O

"Oh, kaya mo pa?" Natatawang tanong ni Linus habang hawak ang bewang ko upang agapan ang muntik nang pagsubsob ko. "Sabi ko naman sa'yo, i-inform mo ako kapag handa ka nang magpasalo, eh. Tsk."

"Tss!" Nasabi ko nalang at lumayo na ako sa kanya nang nakasimangot.

"Percy?" Napalingon ako sa pintuan ng classroom. Gulantang na mukha ni Divine ang nakita ko. "W-what's the meaning of.. That?" Naguguluhang tanong niya habang pabalik-balik ang tingin niya sa akin at kay Linus. "Ipinagpapalit mo na ba si Aeneid?"

"HA?! HINDI, AH!" Mabilis na sagot ko. Naku! Naabutan niya pala ang hindi kaaya-ayang senaryo kani-kanina lang. "Isang Linus Agenor ang ipapalit ko sa isang Aeneid Gustave? No way! As in, NO-WAY!!"

"Todo tanggi ka naman, sweetheart." —Linus

"Sweetheart your face!" Angil ko.

Tumawa ulit ang loko.

"Oh, wait lang, Agenor ha? Chichikahin ko lang ang sweetheart mo," wika ni Divine na ikinabigla ko.

"Divine naman, eh! Isa ka pa, eh!" Sigaw ko. Hinila na niya ako sa pinakadulong upuan dahil limang minuto pa bago ang first subject namin ngayong araw.

"Speaking of Aeneid," bulong ni Divine.

"Oh, ano'ng meron kay Aeneid ko?"

"May rumor tungkol sa kanya."

When You Broke A Fangirl's HeartWhere stories live. Discover now