Chapter 4: Chupuls

429 16 19
                                    

BRYLE’S POV

Matapos nga ang ilang linggo na klase, naging mas close ko na ‘tong mga bago kong kaklase. Ayos mga ugali eh. Sila rin kasama ko hanggang matapos ang klase, wala eh, gustuhin ko man makasama gf ko, busy siya eh.

At sa ilang linggo palang namin na magkakasama, nakabuo agad kami ng grupo. Chupuls! Pasimuno kasi si Ken e. Sa kanya ko nga lang din nalaman ‘yang salita na ‘yan.

Binubuo ang chupuls ng mga nag-ggwapuhang mga lalaki. *EHEM* Kami-kami nila Ken, Erwan, Pau, Jett at Ron.

Hilig namin ay Basketball o kaya Dota. Pag mainit ang panahon at nagkatamaran sa Basketball, diretso computer shop na mga Pre, GG na! Pero pag sinipag at naghahanap ng sakit ng katawan, kahit katirikan pa ng araw, basketball tayo pare! 

Isa pang bisyo namin? Kung hindi Dota o Basketball, andito kami sa unli ice cream-an. Oo. Unli Ice cream dito. Kakaiba no? Kaya nga trip namin e. XD Halos malugi na tindahan na ‘to sa katakawan naming lahat sa ice cream! Hindi na ko magtataka kung isang araw magsara nalang 'to. Hahaha!

Tuwing Dota naman, kawawa si Ken at Ron, di player e. Poor kids. >:D< OP sila kaya umuuwi nalang sila. At kami nila Jett, Erwan at Pau? Hahanap o manghuhugot pa ng isa naming kaklase o kabigan. Pagkatapos nun? GG na sir!

Naalala ko sa kanila mga kagrupo ko nung HS eh. Ang pagkakaiba lang, mga rich kid din mga ‘yun e. Eto, mga sakto lang. Mayaman man, pero marunong maki-mahirap. XD Di naman ako mahirap, nagtitipid lang. Para sa pagkikita namin ni gf at sa regalo ko sa kanya sa monthsary namin. :)

Pero di tungkol sa buhay ko o tungkol sa love life ko ang POV na ‘to. Sa Chupuls ‘to. Kaya papakilala ko nalang sila sa inyo. :D

Si Kean John Bondoc, o Ken/KJ, ang taong hindi mauubusan ng kalibugan sa katawan. (Sa mga bata na nagbabasa ngayon, kunyari di niyo nalang nabasa. XD) Pero bilib ako sa talino at sipag mag-aral netong taong ‘to. Kaso lang, GC. Tsaka madamot magpakopya. Pero sa kabuuan, masasabi kong isa siyang mabuting tao…bagsak nga lang sa personal hygiene. Ano e... Medyo...

Si Erwan Natividad, o Erwan, ang taong hindi mauubusan ng chix na humahabol. Gwapings e. Matalino pa! Pero mas pogi pa rin ako! 'Yan ang tinatawag na self-confidence. :D Kaso nga lang, pasensya na girls, taken na rin ‘yan. Taga-ibang school nga lang din ang gf. At sa pagkaka-kwento niya sa'min ng lovelife niya, alam mong mahal na mahal nila ang isa't isa.

Si Ronnie Ordonio naman, o Ron, ang taong kakambal ang katamaran. Medyo hawig sila ni Ken kaya pwede silang maging B1 at B2. XD Kaso nga lang, kung anong sipag ni Ken, siya naming tamad ni Ron. Pag ayaw niya nang pumasok o tinamad na siyang pumasok sa isang subject, kahit anong pilit mo sa kanya, dahil desidido na siya, hindi talaga siya papasok. Swerte nga lang ni Kumag, pag tinamad siya, timing na wala na ring Prof. Malakas manalangin! :D

Si Paulo Garcia, o Pau/Paulo, pa-misteryoso. Misteryoso na kala mo imbestigador kung makatingin. Kolokoy at mahilig pang mang-intriga o magtanong ng mga bagay tungkol sa'yo. Ang alam ko taken na rin ‘to e, pero nail-link siya dun sa kaklase naming si Lindsay, close kasi sila. Ewan ko lang. Close ko rin naman si Lindsay e. Ewan ko sa mga ‘yun. Magkaka-nstp kasi kami kaya alam ko. Kaya kung iintrigahin niyo kami, friends lang din kami. Loyal ako kay gf!

At si Jettro Sanchez, o Jett, ang natural na komedyante sa grupo – ang taong di nauubusan ng kakornihan na banat at joke sa katawan. Kahit alam niyang korni ang banat o joke niya, ilalabas at ilalabas niya pa rin 'yan. Gwapings din! Mestiso pa. Kala mo binudburan ng isang kilo sa kaputian. Nahiya kulay ko. :D May ka-M.U na ‘to e, ibang course pero dito rin nag-aaral sa school namin. Katabi niya ‘yung madaldal na si Rhian ata pangalan nun. Basta, madaldal ‘yung babaeng ‘yun. Ang ingay ingay! -___-“

Mga likas na komedyante kaming anim kaya pag nagsama-sama kami, kwela! Kaya mas maingay pa kami sa daldalan ng mga babae. :D

Wala nakong masabi bukod dyan, di naman kasi ako madaldal. K. Ikaw na bahala, author. Bye. Dota na kami.

(A/N: Pasensya na, saltik po si Bryle. :D)

The more you hate, the more you love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon