Chapter 6: A date to remember

330 16 29
                                    

(A/N: Pasensya na ngayon lang nakapag-update, naging busy kasi sa school works. Midterms na kasi. ._. Sorry. Mahabang update for you guys. *u*)

RHIAN’S POV

Matapos ang habulan mula school ko hanggang sa Cubao, pagpapa-tweetums at malaking eksena sa kalsada, naging ayos na rin kami. At eto, nagre-ready na ako para sa date naming dalawa mamayang dinner time. For sure bongga ‘to, pinauwi pa ako para magbihis ehh. XD

Oh baka naman kasi... amoy pawis na ako?! Bwisit talaga 'yun kahit kelan! -__-"

Pero ayokong ma-BV o ma-praning. Kailangan good vibes para beautiful!

Ligo, plantsa&curl ng buhok, pabango, dress = Fresh look Rhian! =)))

Dahil sa ayaw ko na magpasundo sa kanya dito sa bahay, para naman makapag-prepare pa siya ng mas bongga *Evil laugh*, napagkasunduan nalang namin na magkita sa ***** Restaurant. I’m hoping to have another date to remember with him. :”>

Habang nasa taxi ako (dyahe kasi mag-commute papunta dun), tumawag siya.

“Babe, everything’s ready. Where are you?” Siya.

“Coming.”

“Sa’n banda na ‘yung coming na ‘yan?” Siya.

Mukhang HB na, 1 hour late na kasi ako. XD

“Ahh, ehh. Malapit na. 5minutes.”

“Sure ‘yan?” Siya.

“Opo.”

“Okay, see you. I love you. Bye.” Siya.

“I love ---*toot toot toot*

Ayy, anubayan. Hindi manlang ako hinintay mag-iloveyoutoo! Badtrip much? Di pa nasanay sa’kin. Lagi naman talaga akong nagpapa-late. -__-“

After 5 minutes, saktong nakarating na ako sa restaurant. A lady showed up and told me she’ll be the one who’ll lead me to where he is. (Lakas maka-english, nakakahawa ‘yung babae! XD) Nakakapagtaka lang, palabas na ulit kami ng restaurant. EHH?! Sa’n naman kaya ako dadalhin ng babaeng ‘to?

Paglabas namin ng restaurant, napunta kami sa isang garden. Anlaki rin pala ng restaurant na ‘to. May secret garden pang nalalaman! Mumo-movies ang peg? Fairy tale? LOL

Tapos pagka-tingin ko sa center nun, may naka-set up na table with wine and everything. Alam niyo ‘yung mga setting ng date sa movies? Ganitong ganito! Seryoso! Kala mo namamalik mata ka lang, pero sobrang totoo siya! Grabe na ituuuuu. Kinikilig na talaga ako! Nagniningning na mata ko! *o*

Alam niyo ‘yung nakakabadtrip? LUMAMPAS KAMI DUN. -___-“

Tumawid lang pala kami sa perfect garden date setting na ‘yun para makarating sa kabilang side ng restaurant! Tae! Badtrip! Badtrip!

At doon, nakita ko na siya. Halatang pigil ‘yung pagtawa kasi malamang nakita niya reaksyon ko. Badtrip, isa pa ‘to ehh! Paasa! Akala ko naman super perfect movie date setting na! :/

“You look very much disappointed, Babe.” Siya.

“Wag mo kong ini-english dyan. Sa’n table natin? Pagod nako maglakad. Gutom nako!”

Tumawa nanaman siya. Bwisit talaga ‘to e. Pang-asar!

“Akala mo dun tayo magde-date no?” Siya.

“Ewan ko sa’yo. Nasa momentum na ako ng kilig overload e! Bwisit! Tara na kasi!”

Ngumiti lang siya at may nag-abot sa kanya ng bulaklak. Binigay niya ‘yun sa’kin. Medyo nag-liwanag na awra ng mukha ko. Tapos hinawakan niya kamay ko. :”>

The more you hate, the more you love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon