This World is Crazy

299 4 5
                                    

This world is crazy!


Totoo naman diba? Ang gulo ng mundo. Ang daming patayan, kidnapan, holdapan, bombahan, demandahan, plastikan, agawan, awayan, bosohan at kung anu ano pang mga salitang may ka ek-ek-an.

Ang totoo nyan, di ko alam kung bakit ako gumawa ng ganitong akda. Akda lang ito hindi po ito isang kwento. Di ko kayang gumawa ng kwento lalung-lalo na, kung alam kong walang magbabasa. Kaya imbes na gumawa ng kwento na walang readers ay napagdesisyunan kong magsulat ng ganito.

Sabi nga ng karamihan "we write to express not to impress!" Noon una di ko maintindihan kung ano ang ibig ipahiwatig ng pangungusap na yan pero alam ko naman ang ibig sabihin nun--nagsusulat ka para mailabas ung nararamdaman mo, hindi para magpasikat sa iba. Magulo noh?

Sabi ko nga sa iyo, magulo ang mundo, kasabay nga nun ang magulo kong utak.


Naranasan mo ba ung, galit na galit ka, ung gusto mong pumatay o manakal ng tao, pero masyadong brutal ang ideyang yun, pwede ka pang makulong. Kaya minsan ang ginagawa natin, sa FB naglalabas ng sama ng loob.

Ayaw ko sanang gawin ang akdang ito, total may FB naman ako, pwede dun ko nalang ipost lahat ng saloobin ko, ngunit....

Tinatamad akong mag FB pero biro lang. Ayaw ko nang magpost doon dahil dumadami na ang mga epal at pakialamera sa mundo ng FB pero biro lang ulit, hindi naman talaga yun ang totoong dahilan. Basta nakapagdesisyon akong di na muli magpopost sa FB ukol sa pansariling problemang hinaharap ko. Echoos lang xD

Actually, podpod na ang aking mga daliri habang tinatype itong akdang walang kwenta.

Kaya, pwede naman hindi mo na basahin ang nilalaman nito. Mas matutuwa pa ako. Ang mahalaga ay mailabas ko lang kung ano ang iniisip ko. Subalit aking ikagagalak kong pagbibinyan mo ng pansin ang aking akda.

Ang gulo noh? Sabi ko naman sa iyo eh, this world is crazy!!


<3 BebeSnoopy

This World is CrazyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon