Chapter 7

15 3 1
                                    

Pagkatapos ng Klase ay diretso agad sila Julie sa mall.Kung san san sila pumasok na fashion stall .Nagsipamili rin ng mga damit sila Liz,Trish at Krysta .Nag insist pa nga ang mga ito na bilihan siya ng damit pero tumanggi siya dahil kaya naman niyang bumili .Isa pa hindi niya type ang mga sinusuot ng mga ito . Nasa loob na sila ng restaurant .Mabuti naman naisipan ng mga ito na kumain dahil nagutom siya sa kakalakad.

"Ah grabe im sooo tired . Pero bakit ganun? Pakiramdam ko kulang pa tong pinamili ko? "sabi ni Liz.

"Agree ako girl . Actually im sooo hungry na nga eh .Let's call the waiter na" .Si Trish na pagkatapos ay tumawag na ng waiter .

"Liz did you enjoy hanging out with us .Pasensiya na ah .Ganito talaga kami mag shopping .Parang wala nang bukas .Anyway sa susunod pwede bang ....." biglang natigila ito sa pagsasalita .Tinignan niya ito at sinundan kung san ito nakatingin .

"Ahhmm Ma'am what's your order?" tanong ng waiter kay Liz .

"Lason .Lason". Napakunot ng noo ang waiter ."Gusto ko ng lason at pakibigay sa walang hiyang lalaking yun .Sabihin mo wag ng bayaran dahil nilibre ko na siya " .Matalim ang matang ipinupukol nito kay Nathan na nasa kabilang mesa kasama ang ilang member ng basketball team .Hmmm mabuti nalang wala si Troy .

"May gosh Liz you are so pikon pa rin with Nathan? Wag mong sabihing apektado ka pa rin ". tanong dito ni Krysta na tatawa tawa pa .

"Pikon yan kasi inignore ni Papa Nathan ang beauty niya .Di ba tama a- Oh my gosh si Papa Troy". Biglang kinabahan si Julie at napatuwid ng upo .Iniiwasan niyang makita siya nito dahil nahihiya pa rin siya dito .Sana wag niya kaming makita . "Look Julie, He's coming here ". sabi ni Trish sa kanya.Sa pagkataranta ay bigla siyang napatayo.

"Oh Julie bakit?"

"I...I'll just go to the ladies room" sabi niya at dirediretsong nagpunta sa CR.

Nakaharap si Julie sa salamin habang kinakausap ang sarili .Ano bang nangyayari sayo? Para kang sira .Mas lalo kang nakakahiya kay Troy baka sabihin nun...Ahhh!Lumabas ka na dun. Huminga nang malalim si Julie bago lumabas . Sana wala na siya .

"Julie nandito si Troy oh .May ibibigay daw sayo".

"Yeah Julie .Sayo to diba? I think nalaglag mo to nung.."tinignan niya ang hawak nitong panyo niya .Nung aksidenteng Mag kiss tayo.

"So sige ha balik na ko dun" tumalikod na ito habang siya naman ay naupo .Nagtaka naman siya dahil mataman siyang tinitignan ng tatlo.

"You like him" .Sabay sabay na sabi ng mga ito .Napainom tuloy siya ng tubig .

******************************************

for you @Lhonylin: )) hope you like it . Pasensiya to lang nakayanan .Comment and vote please? before mag update ulit: )) thanks...Short upd8 lang...

Awkward GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon