sige ikaw ang bahala ...kung gusto mo talaga yang disisyon mo bahala ka...
yang pangarap na sinasabi mo! para lang yan sa mga mayayaman...tayong mag dukha wala tayong ganyan dahil tayo mabubuhay at mamatay ng dilat ang mata at gutom.... ito na tayo ehh pinanganak na mahirap mamatay na mahirap... at wag mong ipag mamalaki sakin na kaya gustong umalis sa lugar natin ehh para makapag tapos at sa pangarap na pinag sasabi mo?!...punyeta !! ang sabihin mo gusto mulang maka takas sa responsibilidad sa pamilya natin...kung gusto munang mag asawa lumarga ka tumulad ka sa mga tae mo... ang babata lumande at ang aga mag sipag asawa... pero kahit ganon nakatulong parin sakin kahit papaano...ehh ikaw na lintek ka ... wala ka pangang napapatunayan sakin nag bubuhat kana agad ng sarili mong bangko... sya lumakad ka lisanin mo kami... tutal na pahiya nako sa amo ng kumari ko na ipapasok sana kitang katulong pero dahil mayabang ka UMALIS KANA... at wag kang maka balik balik dito na wala kang napapatunayan sa sarili mo...dahil kapag bumalik ka dito ng naiyak at nag sisisi sa ginawa mo...ngayong sinasabi kona sayo... wala na akong BUNSONG ANAK namatay na ngayon palang...buti narin yun para naman mabawasan ang palamunin ko....LUMAYAS KANA LAYAS...
WAG NA WAG KANG BABALIK NA SASABIHIN MONG NAG SISISI KANA ..BAKA MAPATAY KITANG BATA KA... (Aling chana ina ni tintin)
hindi makuhang sumagot ni tintin sa ina ... magka halo na ang takot at kaba...
iyak nalang at singhap ang tanging tugon nya sa sakit ng mga salita na binitawan sa kanya ng sarili nyang ina...laging tanong sa kanyang isipan..tunay ba syang anak dahil kahit mga kapatid nya hindi nya kasundo.. pakiramdam nya malas at walang kwenta sya sa pamilya nya...
pero papatunayan nya .. na kahit gaano paka sakit ang ginawa at sinasabi ng ina nya ...hinding hindi sya mag tatanim ng sama ng loob at gagawin pa niya itong inspirasyon upang Ipag patuloy ang hangarin nya sa buhay...mabigat man ang mga paa na lisanin ang bayan na kanyang kina lakihan..
walang lingong likod na umalis sya...ipinapangako nya sa sarili nya at sa pamilya nya na hindi nya pag sisisihan ang mga disisyon sa kanyang buhay...
![](https://img.wattpad.com/cover/64313974-288-k617688.jpg)