" I love you, by. Pangako hinding hindi kita iiwan."
Pero anong nangayari? Asan na yung mga salitang ipinangako mo? Tuluyan mo na lang bang tinapon?
December 25,2015
Christmas eve. Unti- unti na kong nakakaramdam ng lamig sa pagitan nating dalawa. Siguro dito nag umpisa ang lahat.
No text? Fine. I understand.
No call? Fine. Still, I understand. I thought your just busy celebrating your Christmas with your family.
I can wait. I pushed myself to smile that day.
12:00am
Everybody greeted me. Ikaw na lang ang hinihintay ko.
Sa wakas.
" Merry Christmas, by. Ingat lagi. Labyu." Sa hinaba haba ng text message ko sa'yo, yan lang ang reply mo? And wait. Labyu? The fuck. Kahit yun di mo pa maayos? Gaano ba kahirap magtype ng simpleng I love you?
Ang buong akala ko sanay na ko. Hindi ito ang unang beses na pinaramdam mo sakin ang mawalan ng imporatansya. Though I always make excuses in my mind that it was just a text message. Tamad lang talaga siya magtext.
Pero ito ang araw na magsimula akong maghinala.
Parang may mali na. Dati kahit sobrang ikli mo magtext, ramdam ko na mahal na mahal mo ko. Pero ba't ganun? Ngayon, hindi ko na maramdaman?
Gusto kong umiyak.
Ayokong masayang yung 9 months na pagsasama natin.
Sa loob ng mga buwan na 'yon, ang dami kong pinagdaanan. Ngayon pa ba ko susuko? Ngayon pa ko bibitaw? No. Ayoko. Pagsubok lang to.
Dumaan ang ilang araw. Oo, nagkakatext tayo pero hanggang kamustahan lang. Walang halong sweetness. Okay lang, inintindi pa rin kita. Mahal kita eh. Hindi na kita tinetext kasi baka busy ka. Hinihintay ko na lang na ikaw yung unang magtext. Pero bat ganun? Araw-araw ka ba busy? Kahit tawag wala? Di niya ba ko namimiss? Kasi ako miss na miss ko na siya sobra pa sa salitang sobra.
I want to hate you pero nangingibabaw yung salitang I love you. *cryin*
Magbabagong taon na. Sobrang labo na natin, ramdam ko.
Mahal niya pa kaya ako?
May iba na kaya?
Ang gago! Syempre mahal ako non! Iintindihin ko na lang, ok?
Minu-minuto binibisita ko yung inbox ko baka sakaling lumabas yung pangalan mo at maalala mo ko. Pero wala. *sigh*
Ok lang yan! Pero alam ko sa sarili ko na di na tama 'to.
I knew to myself that I was just pretending to be okay because I believe there's still hope to become okay.
Nakakatanggap na ko ng mga messages galling sa tropa natin.
" Kamusta kayo?" Kamusta daw tayo. Sinabi ko yung totoo. I opened it up. Hindi ko napigilan yung sarili ko na umiyak while typing those messages because it hurts a lot. Yung tipong sasabog na yung puso ko sa sakit pati utak ko sa kakaisip kung ano pa ba tayo?
Are we going to end this up?
Matatanggap ko ba?
Nalaman ko na nag open ka din pala sa tropa natin. Nararamdaman mo din pala na sobrang cold na ng relationship natin. Seriously? Why you didn't try to tell this to me? Nang sa ganon maayos natin kung ano man yung problema. Yan ang hirap sa'tin. Hindi tayo open sa isa't isa. We just go with the flow.
BINABASA MO ANG
Dear Diary: The Break Up(One-shot story)
RomanceI thought you'll be the person who will stand with me in front of the altar, saying our vows. I thought you'll be the person I'll sleep beside with. I thought you'll be the person who'll hug me every time I'm having a bad day. I thought you'll be...