Meeting Daphne

60 1 2
                                    

 xxxxxxxxxxxxxxxxxx

"Misty? Misty diba? uhmmm. Ayaw mo ba?"tanong ni Daphne.

"Ha? Ayy sorry. Syempre gusto ko. Wala rin naman akong kasama eh."

Grabe. Naunahan ako ng hiya kay Daphne ah. Ang ganda nya kasi eh, hehe. Kung lalaki lang ako naging crush ko to.

"Hayy salamat! hehe. Ako nga pala ulit si Daphne."

"oo, I remember you."

Aba napa-english ako ah! Nahawa na ko sa kanila. Ahehe. Anyways, pumunta na kaming canteen. Pangmayaman na pangmayaman talaga. Pero wala akong care :P

"What would you want?"

"Ahm. Soda na lang tsaka carbonara."

"Okay. Yun na lang din sakin."

Nahihiya ako kay Daphne. Feeling ko kasi ambait bait nya talaga. Kumuha ako ng pera sa wallet ko at nung inabot ko sa kanya yung bayad, tinanggihan nya.

"Haha. Ano ka ba. Ako ang nagyaya, my treat."

Tingnan mo nga naman! Nilibre pa ko. hehe. Kahiya talaga. Di bale next time babawi ako sa kanya. Lumabas din kami agad, dun na lang namin kinain yung binili namin sa may bench.

"Misty, ayos ka na ba?"

"Alin, yung kanina ba? Yung sa Princess?"

"Oo. Ang sama kasi eh."

"Hay naku. May araw din yun. Hayaan na lang natin. Kaurat lang siya."

"Kunsabagay. Ang masama kasi sya pala ang anak nitong may-ari ng school natin."

"Yun nga eh, kaya malakas ang loob. Pero tingnan lang natin!"

"Haha. You really have a strong personality. Kaya gusto kitang maging friend eh!"

Wow. Naflatter ako dun ah! Pero siya rin naman gusto kong maging friend. Tapos na kaming kumain at pabalik na ng room. HAAAAAY. Ayoko na dun. Buti na lang may "friend" na ko.

*kriiiiiiiing!*

Next subject na. YIHEY. Apat na lang! Pumasok yung next teacher. Hmm. Ayos, chubby sya at mukhang nasa 40s na rin pero mukhang mabait. Art class pala itech.

Blah.Blah.Blah.

Sige... Daldal lang siya. Daldal.. Daldal.. Ho-hummm. Inaantok ako. PATAY.

Dinilat ko ng husto yung mata ko. As in! Yung walang kurap-kurap! Tae useless. Ayoko namang gumawa nanaman ng bagong eksena. HAAAAAAA. Sinubukan ko na lang daldalin yung katabi ko, si Red.

"Hi. May papel ka ba dyan?"

"Natural. Im a student."

Hmmp. Ang taray naman nun. Pero sige go lang. Daldalin lang siya.

"Pahingi naman."

..............

"Uy. Pahingi sabi eh. isa lang."

.............

"UYYYYYYYYY!"

.........................

Aba. Mokong to ah. Hirap na hirap nga kong bumulong sa kanya hindi man lang ako kausapin. Hmp. >.> Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhh. alam ko na >:))

*toink.*

*toink*

"HEY!"

Napalingon ang lahat samin, tinusok ko kasi yung tagiliran nya ng dalawang beses. Hehe, nakiliti siya oh dba pinansin din ako. Kaso...

Mission: make him smile :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon