"Althea! Lalarga na kami! Di ka pa rin ba sasama?" Naiinip na tanong sakin ni Haileey habang nasa labas ng dorm yung mga kabarkada niya. A.K.A. Mga alipores niya pagdating sa pagpapantasya niya sa R&J ba tawag dun? Ah ewan.
Nga pala, si Haileey Salcedo yung roommate ko dito sa dormitory ng Prince Academy.
Isang prestigious school na kung saan ang lahat ng mga estudyante dito eh babae lamang. Yes it's an exclusive all girls school. Ang gulo no, Prince Academy yung pangalan pero puro babae lang ang pumapasok. Kaya ko nagustuhan itong school na ito eh dahil sa unique na nga yung pangalan, Unique pa din pagdating sa uniform at yung mga estudyante.
Pero sanay naman na ako eh dahil sa buong buhay ko eh lagi akong pinapasok sa isang all-girls school. Kaya nga lang, pag nakakakita ako ng isang lalaki eh nahihiya ako. Wala eh, sanay ako na puro babae lang ang nakaka-halubilo ko sa tanang buhay ko..
Anyways iyang si Haileey, Iyan yung pinaka-bestfriend ko sa lahat ng klase. Well, it's not like madami akong kaibigan. Parang sa lahat nga ng kaibigan ko eh nararamdaman ko na siya nga lang yung totoo kong kaibigan. Dahil yung iba diyan parang John Michael lang. Um-eextra lang sa buhay ko kapag may kailangan
It's already been 4 years at ilang months nalang gra-graduate na kaming dalawa ni Haileey as an average student dito sa Academy and with all those years, Siya lang ang lagi kong kasama pag masaya ako o kaya malungkot ako. For me, She's a really nice girl. Kung magkakaroon nga lang ako ng chance na maging lalaki eh liligawan ko siya. Pero alam ko namang di mangyayari yun. Kaso hindi ako lesbian ah. Baka yun ang isipin niyo.
"Oo nga,Alam mo namang wala akong interes diyan sa kpop na pinagpapantasyahan mo at di ko naman sila kilala in the first place so di ako makaka-relate." Sagot ko sa tanong niya.Nakita ko namang napa-buntong hininga siya.
"Hayst, Sige na nga. Pero pano mo sila makikilala kung lagi kang naka-focus diyan sa mga libro mo. Akala mo tuloy naka-glue na yung mga mata mo diyan eh." Pag-rarason niya sakin at kinuha niya na yung sling bag niya na nakalagay sa couch namin. Oo may couch kami sa dorm. Saya no, para ngang apartment na rin ito dahil may living room kami sa baba tapos yung higaan namin nasa taas lang nun. Idagdag mo pa na may kitchen pa kami sa bandang gilid lang ng kwarto namin.
"Ayan ka nanaman sa pang-hihimasok mo sa mundo ko eh. Sinabi ko naman sayo na wala akong time diyan sa bandang iyan dahil mas gusto ko yung mga lugar kung saan makakapag-basa ako at makakakain ako ng aking pinakamamahal na donuts at kape."
" Di ko kasi talaga ma-gets iyang daily routine mo eh. I mean, parang school-bahay ka lang lagi. Kung di naman school at bahay iyang pupuntahan mo, diyan ka naman didiretso sa coffee shop na malapit sa school natin para basahin yung pinakamamahal mong libro. Di ka ba naiinip dun? Try mo kayang pumunta man lang sa outside world. Dinaig mo pa yung mga housemates sa bahay ni kuya diyan sa ginagawa mo" Pagpapaliwanag niya habang napa-pout nalang siya. Hayst, di niya talaga maiintindihan yung routine ko dahil di naman siya bookworm eh.
"Ano ka ba naman Haileey. Masaya naman magbasa ah. Kung tutuusin nga sa lahat ng bagay eh mas pipiliin ko pang mag-basa dahil nakaka-relax ito. Pinapalawak pa nga nito yung imahinasyon mo eh. Gusto mo i-try?" Pag-aalok ko sa kanya
"No,thanks" Sabi niya sakin habang umiiling-iling pa siya "Okay, give up na ko. Ano nalang ba yung gusto mong pasalubong para mabili ko pauwi?" Wow, mang-lilibre siya? As in?
"Bakit ka biglaang nang-libre? Mamatay ka na ba?" Biro ko sa kanya
"Gaga. Kung ayaw mo edi wag." Sauce, Tampo agad.
"Uyy, joke lang! Sige bilhan mo ako ng cappuccino at donuts! Yung chocolate flavor!" Sigaw ko habang nakangiti ako. Minsan lang kasi iyan mang-libre. Mabuti nang sulitin yung opportunity. Mamaya magbago pa yung isip niya eh
BINABASA MO ANG
TWISTED (UNDER REVISION)
RomanceⒸ2017| The saddest thing about betrayal is that it never come from your enemies instead form the ones you love-Althea