*That Guy Chapter 2: Friends?
***
Maka nasa alas-kwatro na ako nakapunta sa coffee shop. Kinakabahan pa akong pumasok sa loob dahil sobrang late na ako, ako na kasi yung bibigyan pa-espesyal pa ko diba? Pero meron din kasi siyang kasalanan diba? Kaso... Ay pisti! Bahala na!"Umm, kuya may lalaki bang naka-hood dito na pumasok sa coffee shop niyo?" Tanong ko sa sikyo habang lumi-linga linga ako kung sakaling nandito siya malapit sakin
Pero ikina-dismaya ko nung nagsalita si Kuya. "Wala po eh, bakit po? May reservation po kayo?" Siguro, napagod na siya kakahintay. Sino ba naman ang hindi kung 3:00 ang labasan ng kikitain mo tapos 4:00 siya dadating.
"Wala po, nagtatanong lang po kasi ako dahil baka nandito yung hinahanap ko" Nahihiya kong sabi dun sa sikyo. Malay niyo kasi diba na kilala niya yung pumasok? Pero siguro nga hindi updated 'tong si kuya kaya ganyan.
Nung tumango siya sakin eh pumasok nalang ako sa loob ng coffee shop. Sayang naman yung pag-aayos ni Haileey sakin, mapupunta lang sa wala...
Kaso nagulat ako nung pagpasok ko sa loob eh lahat sila ay nakatingin sakin. Mostly dun eh puro lalaki.
Anong meron?
Kinalimutan ko nalang muna sila at inisip ko nanaman yung problema ko..
"Hayst, ang bagal-bagal mo talaga Althea! Ayan tuloy nasayang lang yung pinaghirapan ni Haileey para sayo! Ano ba iyan." Napatingin nalang tuloy ako sa table na inupuan namin kahapon
Ugh, sayang! Sayang yung mga ibibigay niya! Baka libro iyon eh! Ano ba naman iyan!
"Miss, okay lang po ba kayo?" Nagulat nalang ako nung bigla akong tinawag ng waitress nila dito sa café. Ano ba iyan! Ganun ba ako katagal mag-space out? Kakahiya ka,Althea!
Ngumiti muna ako sa kanya at sinabi ko na "Umm, o-oo! Hehe sorry." Tsaka ako tumakbo at umupo sa upuan namin kahapon. Bwisit, nakakahiya talaga yung mga pinag-gagagawa ko >_<
Napatingala nalang tuloy ako kaso biglang nag-ring yung bell sa coffee shop kaya napatingin ako sa pintuan. Kada kasi nagbubukas yung pintuan eh nag-riring yung bell
Kaso nanlaki nalang ang mata ko nung iluwa nung pintuan yung lalaking kanina ko pa hinahanap dito sa loob. Pero tinignan ko muna siya, mamaya kasi iba iyan at namamalikmata lang ako diba? Pero nung magtama ang mga mata namin eh napagtanto ko ng siya na talaga yun, walang biro.
Agad kong iniwas ang tingin ko at umaktong walang nangyari.
"Miss, sorry I'm late and by the way ang cute mo ngayon" He said out of the blue..
Bumilis naman bigla ang tibok ng puso ko..
"Miss, sorry I'm late and by the way ang cute mo ngayon"
"Miss, sorry I'm late and by the way ang cute mo ngayon"
"Miss, sorry I'm late and by the way ang cute mo ngayon"
*dug *dug *dug
P*ta! Ano ba! Sinabihan ka lang ng cute Althea! Kaya bakit ka kinikilig?!

BINABASA MO ANG
TWISTED (UNDER REVISION)
RomanceⒸ2017| The saddest thing about betrayal is that it never come from your enemies instead form the ones you love-Althea