Note: Ang kwentong ito ay hango sa tunay na buhay. May ilang detalye akong binago. Pero ang mismong plot nito ay kwento ng isang kaibigan. She ask to write a story with this Theme/Plot. Ewan kokung may problema ba siya? Basta ayun! Nagpasulat siya haha!
Si Syrille at Clyde ay magkaibigan na mula pagkabata, childhood friends ika nga. Lumaki sila ng magkasama. Grumaduate ng elementarya ng magkasama.
At, dahil nga madalas silang magkasama ay nasanay na ang iba na tuksuhin sila.
Habang nagkakaedad ay unti unti na nilang naiintindihan ang iba't ibang mga bagay. Gaya ng paghanga at pagmamahal.
Nakaabot sila sa kanilang teenage years. Nagkaroon ng mga relasyon atbp.
Isang araw, umiiyak na lumapit si Syrille kay Clyde.
"Oh? Bakit? Anong problema?"
Tanong ni Clyde kay Syrille.
"Bakit ang sakit?" Umiiyak na sumbong ni Syrille kay Clyde.
Niyakap si Syrille ni Clyde.
"Makakalimutan mo rin siya." Sabi sa kanya ni Clyde.
"Ganyan talaga. Kailangan mong masaktan para matuto ka." Dugtong pa ni Clyde.
Iyak lang ng iyak si Syrille habang yakap yakap siya ni Clyde.
Sa araw araw na pagpasok ni Syrille sa paaralan ay araw araw niyang nakikita ang ex niyang nanakit sa kanya. At araw araw niya ring nararamdaman ang comfort na ibinibigay sa kanya ni Clyde.
Nasasaktan si Syrille hindi dahil minahal niya ang ex niya. Nasasaktan siya sa isiping pinagkatiwalaan niya siya pero niloko lang siya. Iyan ang mga bagay na narealize ni Syrille paglipas ng mga araw.
Bakasyon na, at napagdesisyunan ng pamilya ni Clyde na magbakasyon muna sa probinsya.
"Babalik ka diba?" Tanong ni Sy kay Clyde.
"Oo naman. Magbabakasyon lang kami Syrille, hindi mag ma-migrate. Haha."
"Haha. Alam ko. Nagjojoke lang ako. Mamimiss kasi kita."
"Ako rin, mamimiss kita."
Nagyakapan ang dalawa upang magpaalam muna sa isa't isa.
Tumagal ng isang buwan ang bakasyon ni Clyde.
Isang buwan na hindi sila nagkikita.
Doon na-realize ni Syrille kung gaano niya kamiss si Clyde. Doon niya rin napagtanto ang katotohanan na hindi niya talaga minahal ang ex niya. Si Clyde ang mahal niya noon pa man.
Hindi niya alam kung anong gagawin lalo na ngayong alam na niya ang tunay niyang nararamdaman.
Hanggang isang araw, nakaupo si Syrille sa bench sa kanilang school garden, nang lumapit sa kanya si Clyde at may kasamang babae.
"Uy Clyde!" Bati ni Syrille sa kaibigan.
"Uhm... Sy, may gusto sana akong sabihin sayo." Simula ni Clyde.
"Ano yun?"
"Gusto ko lang sanang ipakilala sayo si Julie, girlfriend ko."
Para namang binuhusan ng malamig na tubig si Syrille sa narinig.
"Ah.. ganun ba? Ang ganda niya." Sabi ni Syrille habang tinatago ang sakit na nararamdaman, 'sana hindi halata sa boses ko yung sakit.' Hiling niya.
"You must be Syrille, lagi kang kinukwento ni Clyde sakin. Haha. Nice meeting you." Nakangiting sabi nung Julie at nilahad ang kamay kay Syrille.
"Nice meeting you too." Sabi naman ni Syrille at tinanggap ang kamay ni Julie, ng may pilit na ngiti.
Bigla namang tumunog ang bell hudyat na simula na ng klase.
"Una na kami Sy, sabay ka na ba?"
Alok ni Clyde.
"Hindi na. May pupuntahan pa ako bago ako pumunta sa klase ko." Pagsisinungaling ni Syrille.
"Okay." Sabi ni Clyde at umalis na sila ni Julie.
Sa pagtalikod ni Clyde ay bumagsak na ang mga luhang kanina pa nagbabadya, sa mga mata ni Syrille.
Hindi na pumasok si Syrille sa tatlong magkakasunod na class periods. Nandun lang siya sa bench at tahimik na lumuluha.
Nang matapos siya sa pagiyak ay may nakakita sa kanyang kaklase niya habang nakaupo siya sa bench.
"Hoy, girl ayos ka lang?" Tanong sa kanya ng kaklase niyang si Jess.
Wala sa sariling tumango si Syrille sa tanong ni Jess.
"Nako. Hindi ka okay!" Sabi ni Jess at tinabihan si Syrille.
"Ano bang problema?" Tanong ni Jess.
Para namang gripong binuksan, ang kanyang mga luha ay nagsiagos nanaman.
Niyakap siya ni Jess, "Sige lang girl, iiyak mo lang."
Umiyak nanaman si Syrille habang kinukwento kay Jess ang mga nangyari.
Maya maya pa ay tumahan na si Syrille.
"Hatid na kita. Mukhang hindi ka okay." Alok ni Jess. Na sinangayunan naman ni Syrille.
Pagkahatid ni Jess kay Syrille.
"Sy, pupunta ka ba sa Christmas Ball?" Tanong sa kaya ni Jess.
"Titingnan ko." Sagot ni Syrille, bago siya tuluyang pumasok ng bahay.
**Christmas Ball
Napagdesisyunan ni Syrille na pumunta, dahil na rin sa pinilit siya ni Jess.
"Ang ganda mo Sy." Naririnig niyang bati sa kanya ng mga kaklase niya.
Nginingitian niya lamang sila kahit na sa puso niya ay sariwa pa rin ang sakit na nararamdaman niya.
Nang magsimula ang ball ay may kanya kanya silang ginagawa.
Hanggang sa biglang tumugtog ang A Thousan Years ni Cristina Perri.
At may lalaking lumapit sa kanya at niyaya siyang sumayaw. Pumayag naman siya.
Tahimik lang sila habang sumasayaw. Hindi alam ni Syrille kung paano magsisimula ng conversation. Nang biglang magsalita si Clyde.
~I have died everyday waiting for you
Darling don't be afraid
I have love you for a thousand years.~
"Kamusta ka na? Ilang araw kang hindi nag pakita saakin ha?"
Hindi mapakali si Syrille, hindi niya alam kung anong isasagot.
"Ayos lang ako. Ahm... medyo naging busy eh. Sunod sunod kasi ang deadline ng projects." Sagot niya. Half lie half true.
~I love you for a thousand more~
"Ahm.... Clyde, mahal kita." Lakas loob na pag amin ni Syrille.
Ngumiti muna si Clyde bago sumagot, "I love you too, my best childhood friend."
Mapait na ngumiti si Syrille at kasabay ng ngiting 'yun ay ang pagpatak ng kanyang luha...
~And all along I believed I would find you
time has brought your heart to me
I have love you
for a thousand years~
Pumatak ang luha niya hindi dahil sa masaya siya na nag 'I love you too' si Clyde. Pumatak ang luha niya dahil sa lungkot. Malungkot siya dahil hanggang dun lang talaga.
Mahal siya ni Clyde, kaso hanggang his best childhood friend lang.
~I love you for a thousand more~