Chapter 9*

71 0 2
                                    

Jacob's P.O.V

Maaga akong pumasok., hindi kasi ako makatulog kagabi dahil hindi na nag reply si jenny sakin. Kadalasan kasi ako ang unang nakakatulog pag texting kami.

Ewan parang nakokonsensya ako. Isang buwan narin kasi ng naging close kami.At ramdam ko kung gano ako kahalaga sakanya. Alam kong nasaktan ko sya sa nalaman nyang may Gf na ako.

Aaaaaaaarrgghhh. Ba't ko pa kasi sinabi yun? >_< .. Di ko na lang namalayan na nasa tapat na pala ako ng room.

"Ang aga mo ah" si Mer. Classmate ko.

"Wala lang" tipid kong sagot.

At nilagay ko na yung bag ko sa upuan ko. Dalawa lang kami dito, yung mga iba nasa labas ata. Tiningnan ko yung wrist watch ko. Isang oras pa bago dumating si Sir.

"May hinihintay ka bang darating?" tumingin ako kay mer.

Nasa unahan sya nasusulat.

Hinihintay? Yeah. Meron si Jenny.

"Wala" sabay tingin ko sa pintuan ng room.

"Talaga? Panay kasi ang tingin mo sa pintuan."

Napansin nya pala yun?

"Mer, Matino ka namang kausap diba?"

"HHAHHAHAAHAHA .. Ou naman"

Tss. -____________________-

Kailangan ko rin ng opinion.

"Mer, pano mo masasabi na mahalahaga ka sa isang tao?"

Tumigil sya sa pagsusulat.

"Simple lang, pag ginagawa nya yung bagay na sa iyo ny lang ginagawa. Yung hindi nya ginagawa sa iba. Sayo lang"

"Huh? Pano yun?"

"Yung pinaparamdam nya na SPECIAL ka sakanya"

Special? Bigla kong naalala si Jenny.

"Mer, pano kung nalaman nya na may Gf na ako?"

Hayyy .. Alam mo na nga ang sagot, nagtatanong ka pa.

=______________________=

"Kung mahal ka nya. OU" sabi ni mer.

Mahal? Ewan ko kung mahal ako ni jenny ..

Sabi nya mahalaga lang daw ako sakanya.

"Hindi nya naman ako mahal eh, Mahalaga lang"

"HAHAHAHHAAHAHHAHHA"

Bigla naman ako napatingin kay Mer. Bigla ba namang tumawa.

=_________=

"Anong nkakatawa?"

Tungunu. =_________=

Minsan ok kausap tong mokong na to.

"Ano ka ba jacob! Logically speaks, pag mahalaga ka sa isang tao eh mahal ka na nun!Kasi kung hindi ka nya mahal ba't ka pa nya papahalagahan? Tsaka ang pagsasabi ng 'mahalaga' sa isang tao eh parang sinasabi mo ng 'mahal kita' di nya lang masabi ng diretso dahil natatakot sya sa isasagot mo."

"Isasagot?"

"Yeah. Para kung hindi ka man mag 'i love you too' eh masabi pa nilang 'ok lang, mahalaga ka lang nman sakin eh' kaya yun. Na gets mo jacob?"

Tinapik nya ang balikat ko ..

Wala akong masabi eh ..

"Andyan na si jefferson" at tumayo n sya.

FirstLove or TrueLove ?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon