Chapter Six

7.6K 204 11
                                    

ALAS SINGKO pa lang ng umaga, bumangon na siya upang ikondisyon ang sarili. Kailangan na niyang ipagpatuloy ang puspusang pag-e-ensayo para sa pagtugtog na gagawin niya. Sa darating na New Year's Eve, bibisita sa bansa ang orchestrang pinanggalingan niya sa New York at siya ang magiging front act sa concert ng mga ito. Tutugtog lang siya ng tatlong piyesa gamit ang violin, harp at piano.


Nasa kusina siya upang magtimpla ng kape nang biglang pumasok doon si Red. Nagulat pa siya na may halong pagtataka dahil mas magulo pa kasya sa natural na magulong ayos ang buhok nito. Naka-shorts lang ito na lagpas tuhod at naka-sweater. Nakahawak ito sa ulo at tila sinasabunutan pa iyon lalo. He had a pained expression and it was a new sight for her.


"Red, are you okay?" nag-aalalang tanong niya. Sa loob ng walong buwan, ngayon lang niya nakita ang butler niya sa gano'ng ayos. And it made her heart sank. Tila may iniinda ito.


"V-Violet. Nandito ka pala. Sige, babalik muna ako sa kuwarto," akmang tatalikod na ito nang habulin niya ito at hinawakan sa braso.


"Red! Ano ba? Ano'ng nararamdaman mo? Ayos ka lang ba? Hoy, answer me!" pangungulit niya rito. Naaawa kasi talaga siya sa itsura nito ngayon. He was still gorgeous, but a little sick gorgeous.


"I am having a migraine attack. It will pass. Just... just... I... I need to sleep. Sige na. Babalik na ko sa kuwarto ko. I didn't mean to disturb you," tila pagod na sagot nito sa kanya.


"No. Ihahatid kita sa kuwarto mo. May gamot ka bang iniinom?" pagmamatigas niya. Naman! Hindi niya maaatim na ganito ang itsura ng butler-in-shining armor niya!


"Arghhh!" Lalo nitong inipit sa dalawang kamay ang ulo at napaupo sa sahig katabi ng pader. "S-sa kuwarto ko. Kukuha lang sana ko ng tubig dito," he groaned.


"Okay. Ako na ang bahala. Can you stand?" Tumayo siya at inalalayan itong tumayo. "Hawak ka lang sa'kin. Dadalin kita sa kuwarto mo."


"K-kaya ko na 'to," reklamo pa nito. Gusto tuloy niya itong tampalin sa noo kung wala lang itong iniinda.


"Nakikita mo ba ang sarili mo? You can't even stand! Hayaan mo na akong tulungan ka. Here. Grab my hand," utos niya rito. Tumalima naman ito at ipinulupot ang isang braso sa balikat niya. Agad naman niyang naramdaman ang bigat at init nito. Ah, that warmth. "Step. 'Yan. Okay, keep walking. Heto na tayo sa pinto ng kuwarto mo. Ipapasok kita sa loob tapos kukuha ako ng tubig para makainom ka na ng gamot. Okay?" Pagbukas niya ng kuwarto, mabilis niya itong tinulungang makahiga sa kama at patakbong bumalik sa kusina para kumuha ng tubig. Wala pang ilang segundo ay nakabalik na siya sa tabi nito. "Where's your medicine?" tanong niya.


"I-inside that drawer. In the black box," turo nito sa side table na may nag-iisang drawer. Nakaipit pa rin sa dalawang kamay nito ang ulo habang nakatagilid sa kama. He was curled like a ball.


Mabilis naman niyang nahanap ang gamot at agad inalalayan ang lalaki para mainom nito iyon. "There. Mahiga ka na ulit. I will stay here until you fall asleep, okay? Papatayin ko ang ilaw. Nabasa ko kasi dapat daw madilim ang paligid para hindi na sumakit ang ulo mo. Pumikit ka lang." Tatayo na sana siya nang hawakan nito ang kamay niya. Mahigpit ang hawak niyon na para bang ayaw na siyang paalisin. "Hey," masuyong sambit niya rito. "I am not going anywhere. Papatayin ko lang ang ilaw. Babalik din ako."

Red Is The Color Of Violet [PHR] - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon