Chapter Nine

8K 183 10
                                    

"R-RED?" GULAT niyang tanong.


Sinalubong lang siya ng ngiti nito. "The one and only. I'm sorry I was late. Mabuti na lang at nahanap kita agad. Kung hindi..."


"Stop it. Put me down. I can walk," utos niya rito.


"No, Violet. I won't let you go. Not until we're in the car," matigas nitong tugon.


Saka niya naalala ang mga kaibigan. "Sila Lilac? 'Yong kambal?" nag-aalala niyang i-n-ennumerate ang mga kasama niya.


"Don't worry. They're safe. I told them I'll bring you home. Hindi ka na nila hahanapin."


Pinagkrus niya ang mga braso. "Bakit ka ba nandito?" mataray na tanong niya.


"Dahil gusto kong nandito ako."


"Hindi ko bibilhin 'yang dahilan mo!"


"Okay. How about I am here because I'm your lifetime butler? Happy?"


Lifetime. Big word! "Dumiretso nga tayo sa bahay nila Mommy. Gusto kong matulog doon. Ayokong dalawa lang tayo sa bahay," masungit pa rin niyang sabi.


Nakonsensiya naman siya ng lumungkot ang mga mata nito. But then, ayaw muna niyang magpadala sa emosyon niya. Mahal niya si Red subalit alam nilang parehong hindi puwede dahil sa magkaibang estado ng buhay nila. Maybe she could start fixing their relationship there. She would fight for his love. Gagawin niya ang tanging naiisip na gawin.


"Daddy!" salubong niyang bati sa ama pagdating sa bahay ng mga ito. "I missed you!"


"Na-miss din kita, baby. Kumusta ang event na pinuntahan mo ngayon?"


Paano ba niya sasabihin sa ama na muntik nang may mangyaring hindi maganda? "Ahm... The party was fine, Dad. Kaya lang, someone took advantage of me. Buti na lang dumating si Red."


Nagdilim ang mata ng Daddy niya. "Who?"


"Si Miguel del Castro," sumbong niya at ikinuwento niya rito ang mga importanteng bagay.


Tumango-tango ito at binalingan si Red na nasa likuran niya. "Red, are you alright? Namamaga ang gilid ng mata mo. I suggest you go to your room and I'll get Fernando to assist you with that."


Saka lang niya napansin na nabugbog nga ang gilid ng kaliwang mata nito. Sigurado siyang mangingitim iyon. She felt a pang of guilt. Hindi niya napasalamatan si Red nang iligtas siya nito. Sa halip, sinungitan pa niya ang binata.


Tumango lang si Red at magalang na nagpaalam sa kanila.


"Dad, can I talk to you?" kinakabahang tanong niya.


"What is it, baby?"

Red Is The Color Of Violet [PHR] - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon